Ika labing dalawa💔💔

40 4 0
                                    

Ayoko na, this time, i cant manage my tears anymore. Tumulo na na parang gripo. Sobrang sakit. Hindi ko na alam ang gagawin. Halos mapunit na ang labi ko sa pagpipigil ng hikbi at iyak ngunit sobrang tindi, sobrang sakit.

"Tumayo ka Mon" hinahatak ko ang damit niya patayo pero hindi siya patinag. Huwag ganito, Simon.

Umiiling iling siya habang umiiyak. No, Simon. Kailangan nating itama ang mga bagay bagay. Isa ka sa pinakatamang nangyari sa buhay ko but what happened?.

"Eii, hindi ko kaya. That baby is not mine" tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ako pumalag, ngunit hindi rin ako yumakap pabalik.

"Hmmmm" tanging nasambit ko, dala ng sobrang sakit na nararamdaman ko ay wala na akong mabanggit na kahit anong salita.

"Hintayin mo ako Eii, aayusin ko ito" tumango tango nalang ako sa sinabi niya.  Maayos pa kaya? Anong klaseng ayos ba?.

"Stop crying, alam ko, hindi mo kagustuhan ang nangyari" humarap ako sakanya at pinunas ang mga luha sa kanyang mata. Hinawakan niya ang kamay kong gumawa noon.

"They said, it was a party for me. They were your co teachers at ako din"  malungkot niyang wika. Hawak hawak padin niya ang mga kamay ko. Iginaya niya ako sa upuan.

"What happened then?" Mahinang tanong ko. Ayoko na sanang malaman pa. Pero kailangan kong malaman kung anong nangyari. Ang hindi ko lang alam ay kung handa ba ako sa maririnig ko.

"Paggising ko, katabi ko na si Mira. I don't know" tsaka niya itinakip ang dalawang palad sa mukha habang umiiling iling.

"And then?" Sobrang sakit. She's my friend. How could she!.

"I apologized for it. Kahit hindi ko alam ang nangyari. The next thing i knew, hinahabol na niya ako. Saying, she's pregnant" he looked at me. Pulang pula ang mata niya, pati ilong. Simon, paano na tayo ngayon?. Anong mangyagari sa atin?.

"Anong gagawin mo?" Kahit sobrang nagbabara ang lalamunan ko ay pinilit ko pading magsalita.

"Paternity test. I will prove to them, na hindi ako ang ama ng dinadala niya" mahinang wika niya. At paano naman kung totoo hah? Paano kung ikaw nga ama? Saan ako lulugar?

Tumango tango nalang ako. I don't know. Hindi ko na alam.

"Uuwi ako, to fix everything" he assured me. At ako?. Anong gagawin ko?. Wait for the time na malaman at mapatunayan natin na anak mo nga ang bata? At ano?. Ako?. Maiiwan mag isa?.

"Stay here"deretso niyang wika.

"Let me handle this alone. I love you so much" wika niya sabay hawak sa kamay ko. Tumango ako sa sinabi niya. I will wait Simon..

We cuddled the whole night. The next morning, parang ayoko ng bumangon, siya man ay nakahiga parin sa tabi ko. Tulog na tulog. Pinagmasdan ko ang mukha niya, i traced his nose,mula sa pagitan ng mata hanggang sa tip nito. This man, he's still the one for me. Tanga na kung tanga.

Nakatulog ulit ako dahil sa pag iisip, nagising ako nang wala na siya sa tabi ko. Gaya ng dati Eii,. Mag isa kana naman, and this time, mag isa ka nalang talaga. Bumangon ako at dumeretso sa kusina, there, I saw him cooking.

"Goodmorning" bati ko sabay kuha ng tubig sa ref. Lumingon siya at bumati.

"Huwag mo na akong ihatid mamaya" seryoso niyang wika. Sabay lapag sa lamesa ng bacon at egg na niluto niya.

"Bakit?" Seryosong tanong ko. Umupo ako sa upuan at kumuha ng pagkain.

"Madaming media sa airport, ayokong ma issue ka Eii." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Sige.

"Ihahatid nalang kita pero hindi na ako bababa sa kotse,okay lang ba?" Suhestiyon ko. Nag hesitate pa siya pero tumango din. Kumain kami at nag hintay ng oras.

At 5 pm, we went to the airport. Siya ang nagdrive, my car is tinted kaya't hindi kami makikita sa loob. This is it. He's going back at ako, maiiwan. Maiiwan dito at hindi alam kung may babalikan pa sa Pilipinas. All I want is to be with him, to have a better life with him pero ngayon parang malabo nang mangyari. Well,tuloy lang ang buhay Eii. Mahal na mahal ka niya at mahal na mahal mo siya pero wala na. He will be tied while you were left alone.

Yan ang nahihinuha kong mangyari, artista siya, he can't solve the issue alone, maraming makiki alam. Hindi hahayaan ng ibang tao na masira ang pangalan niya. That's showbiz.

And what do you expect Eii?. Na babalikan ka niya? I don't think that will happen. Sabi ng utak ko.

"Eii" tawag niya. Nakapark na pala ang sasakyan sa harap ng airport.

Lumingon ako sakanya "hmmm?" Sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ulit ito.

"Hintayin mo ako?. Okay" paninigurado niya. Gaano katagal?. Pero imbes na magtanong ay tumango nalang ako. Bago bumaba sa sasakyan ay hinalikan niya ako sa labi. Will that be our last kiss?.

We said our goodbyes. Siguro, para sakanya, goodbye iyon dahil uuwi na siya. Pero pakiramdam ko, yung goodbye niya, pang matagalan na eh.

Balik sa dating gawi Eii. Madami kang naiwang trabaho.

Pinaandar ko ang sasakyan ko pagkababa niya, totoo nga. Madaming media, madaming nakatunog na uuwi na siya. His life is so different now.

The week is over. Time to wake up from my dreams and accept the reality. Wala na, hindi kana aasa Eii.

Paggising sa umaga ay agad akong naligo, nagbihis,kumain ng pancakes at nag ayos papuntang office. I prepared the cover i am working on last night kaya't ayos na.
Pagkapasok at dumeretso ako sa office ni boss para bumati.

"Good morning boss" masayang bati ko. In fairness, namiss ko ang kasungitan nito..

And? He's back to his old self again. Nag nod lang ba naman. Busy'ng busy. Ang aga aga..

"Coffee boss?" Tanong ko.

He nodded, sign na? Oo, gusto ko ng coffee miss Antonio. Ipagtimpla mo ako ngayon din.

Kaya't dumeretso ako sa mini kitchen at ipinagtimpla siya. Pagkalapag ng coffee sa table niya ay iniabot niya sa akin ang schedules for the week. Napaka independent talaga ni boss, hindi naman na pala niya ako kailangan eh.

"I want you to come with me" malamig niyang wika. Humarap ako sakanya para marinig pa ang kanyang sasabihin.

"In the meeting, later at 3" wika niya at iwinagayway ang kamay. Sign na??. Lumabas kana miss Antonio. Wala na akong kailangan sayo. Ni hindi ako binigyan ng chance magtanong kung para saan ba yun?..

"Sige sir" wika ko tsaka lumabas.

Sumalampak ako sa aking upuan at nag buklat ng cellphone. Hindi naman siguro masama kung igoogle ko ang pangalan ni Simon diba?. Nasa Pilipinas na iyon ngayon.

I opened my internet and googled his name. There it goes, sobrang daming article about him. He's so famous. Ni hindi ko manlang nalaman na nag artista na pala siya. Kapag nagkukumustahan kami, ang cold niya tapos wala pa siyang sinasabi tungkol sa buhay niya, ako nama'y si tanga, hindi nagtatanong. Takot ako. Takot akong malaman na madami ng nagbago. Nasa akin ang mali. Tanggap ko yon.

One article captured my attention, i stopped scrolling, tinitigan ko ang title ng article na iyon bago ko binuksan ng tuluyan.

Rising star/actor/model Simon Trejada, ikakasal na sa non-showbiz girlfriend.

****
Whose the girlfriend?.

Don't forget to leave a vote or a comment😍. Thank you❤

LOVE TAP💔💖#watty2018Where stories live. Discover now