Chapter 14

1.6K 42 1
                                    

Giana POV

Nakita kong lumabas na sa kwarto si Maxine wiping her tears.

"Maxine-----"

hindi ko na natuloy ang sasabuhin ko ng bigla niya akong yakapin.

"Why? Am I not worth it?  "

Tahimik lang ako habang nakayakap sa kanya.

"Pinakawalan ko na siya kahit na ang sakit-sakit na. Alam mo? Tiniis ko lahat. Ang makitang kasama niya si Maureen. Yung mga ngiti niyang walang halong lungkot kundi saya. I hate myself kahit na anong gawin ko siya pa din ang mahal ko. I know it's wrong. We're in a relationship so I must stop this. But how? Kung palagi siyang nagpupunta sa akin? Para ano? Para ipamukha sa akin na Hindi na dapat? "

"Loving him is like touching a flower with torns.Even if I know that it's too risky to be with him. Still,  I choose to be his rebound but this time I  quit. Pagod na akong mahalin siya at lalong lalo na ang masaktan"

mas lalo pa siyang umiiyak hinayaan ko na lang siya hanggang sa tumigil siya.

***********

"good evening everyone I want to introduce to all of you my Son Adrian Sy the new CEO of our company "

nagsipalakpakan ang mga tao hanggang sa nagpunta si Kuya sa harapan at nagspeech na.

Napalingon ako kay Maxine na nag iwas ng tingin at tumingin sa lamesang hindi kalayuan sa inuupuan namin.

Maureen is smiling while watching to my brother.

Well maganda siya hindi yun maikakaila dahil sa model at artista ito at the same time.

Pero mas maganda pa rin si Maxine with or without make ups.

Napatingin ako sa telephono kong nasa purse bag ko at nataranta ako sa isang mensahe.

Nay Trinidad:

Giana, kasalukuyan kaming nandito sa hospital malapit sa bahay nahulog si Lawrence sa Hagdan at kailangan niya na ng blood donor dahil sa maraming dugong nawala sa kanya. Pakiusap pumunta ka dito kailangan ka ng anak mo"

Lumabas ako ng bahay wala na akong pakielam sa mga taong nandito mapuntahan ko lang ang anak ko.

Umiiyak akong lumabas pero napatigil lamang ng biglang may humintong sasakyan sa harapan ko.

"Giana pasok ka na sabay na tayong pumuntang hospital "

di na ako nag taka kung bakit niya alam.

*********

Nakita kong hindi mapakali si Nay Trinidad ng dumating kami.

"Sorry giana di ko nabantayan ng mabuti ang anak mo patawarin mo ako"

umiiyak na lumuhod siya

"Nay tumayo kayo diyan wala po kayong kasalanan. Kung tutuusin ako po may kasalanan kung sinabi ko lang sana kila daddy at kay Saber hindi na sana hahantong pa sa ganito"

Hindi ko na naiwasan ang humagulhol ng iyak.

Kung hindi lang sana dahil sa selfishness ko hindi ganito ang mangyayari.

Lumabas ang doctor sa emergency room pagkalipas ng isa't kalahating oras.

"Sino po ang relatives ng pasyente?"

"Ako po ang ina ng bata"

"Can we talk for a second in my office Mrs? "

"Alvarez po doc"

Pagkatapos nun nagpunta na kami sa opisina niya at may ilinapag na isang brown envelope sa lamesang nasa harapan ko.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mrs. Alvarez, Your son needs a blood transfusion. Maraming dugo ang nawala sa kanya sanhi ng pagkabagok sa ulo niya. His blood type is A "

napaiyak na lang ako ng tuluyan ng marinig ko iyon

.
"Type B po ang dugo ko doc"

"I'm sorry pero di kayo compatible ng bata. I advice you to talk to his father para magawa na ang blood transfusion "

Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila.

Bahala na.......

Ang Asawa Kong Artista(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon