I- 1: Princess de Valliere

9.3K 211 8
                                    

All rights reserved. No part of this story may be reproduced without prior permission from the author.

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

_________________

I T D P ♚"I am not your ordinary princess

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I T D P
"I am not your ordinary princess.."


"Good morning, princess. Time to wake up."

Naramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa aking mapu-pulang pisngi. Malamang ay binuksan ng royal maid ang kurtina ng aking kwarto kaya malayang nakakapasok ang sinag ng araw dito.

"Okay," simpleng sagot lang ang binigay ko dahil hindi ako close sa kanila.

Nag-bow siya sa'kin bago umalis at ako naman ay bumangon na mula sa aking masarap na pagkakahiga sa malambot kong kama.

Naglakad ako patungo sa aking bathroom at dun inumpisahan ang aking morning rituals. naligo na din ako dahil may pasok ako ngayon sa school.

Matapos kong maligo at magbihis humarap naman ako sa malaking salamin na nakalagay sa loob ng aking dressing room.

Napatingin ako sa sarili ko. Hindi mapagkakaila na ako ang prinsesa dito. Makinis at maputi ang aking balat. May matangos akong ilong at magagandang mata.


Pero sa kabila ng aking kagandahan may lihim akong itinatago.

Inumpisahan ko ng suklayin ang aking buhok. Hindi na ako umaasa sa iba para gawin ang mga bagay na kaya ko namang gawin.

Habang ako'y nagsusuklay napatingin ako sa bracelet na nakalagay sa aking kanang kamay.

Ito ang Tortoro o ang Treasure tool. Dahil dito nakakayanan kong mamuhay ng normal. Ito kasi ang bagay na nakakapagpakulong ng kapangyarihan ko sa pinakaloob ng aking katawan. Dahil dito para akong isang normal na tao.


Ako si Althea Georgina de Valliere anak ng hari ng Valliere Kingdom. Ako ang kinikilalang prinsesa dito kahit na hindi ko naman talaga Ina ang Reyna dito.

Yes, I'm an illegitimate daughter of King de Valliere. Anak niya ako sa ibang babae pero ang alam ng lahat ay anak talaga ako ng reyna.

Mahirap man pakitunguan yung stepmom ko, pinipilit ko pa ring pakisamahan. Ayokong sumama ang tingin sa'kin ng iba.


So, as I was saying before anak ako ni dad sa ibang babae.

Lumaki ako kasama si mommy sa kanilang lupain. Tahimik lang ang buhay namin dun pero gumulo lang yun simula nung ma-diskubre namin na sa'kin inilagay ang kapangyarihan ng Flame of Heaven.








I'm the Dark Princess: The Crimson LegendWhere stories live. Discover now