Chapter 1

166 21 6
                                    

• • •

HINDI ‘ko alam kung bakit pinagtitinginan ako ng mga tao. Siguro dahil namumutla ako? O kakaiba ako sa kanila? Ewan ko ba kung bakit ganyan ang mga tinginan nila sa akin, may iba pa ngang nagbubulungan kaya naman tinaliman ko nalang ng tingin ‘yung iba. Tsh, kung nangangagat lang ako, malamang nakagat ko na kayo.

Mahigpit na pinagbabawal ni Wendy unnie na uminom ako ng dugo ng tao, pag daw uminom ako ng dugo ng tao, maaari daw na magbago ang ugali ko— maaari daw akong maging sakim na bampira at maging halimaw— na iniiwasan nyang mangyari. Hangga’t maaari, gusto nyang tumira sa mundo ng mga tao. Ilang daang taon na din kaming nakatira dito, may iniiwasan kasi sya sa mundo namin, ang mahigpit naming kaaway simula dati palang. Kaya mas pinili namin na lumayo at tumira ng tahimik dito.

At magpanggap na tao.

“Ilang beses na ba akong nakapasok sa school na ‘to?” Inis na sabi ko sa sarili ‘ko, paano naman kasi, pwede namang hindi na ako mag-aral. Kabisadong-kabisado ‘ko na ang pinag-aaralan namin dahil nga ilang daang taon na akong naninirahan dito.

Pero hanggang ngayon, hindi ko pa din nararanasan na makipag-usap sa tao.

Hindi ‘ko sila dapat kaibiganin— yan ang turo sa akin ni Wendy unnie dati palang.

Na ang tao— ay para lang sa tao. At ang bampira ay para lang sa bampira. Hindi pwedeng maglapit ang tao at bampira— dahil malaking gulo yun.

Hindi ’ko magets kung bakit pinag-aaral pa din nya ako eh ayaw naman nya akong makipag-kaibigan sa iba. Anong sense? Eh wala na naman akong dapat matutunan, dahil lahat na natutunan ko na. Hindi ako tumatanda. Paulit ulit nalang ako sa mga pinag-aaralan ’ko. Ang dami ko ng naabutan na naging history na sa mundo.

Pero sa itsura, mukha akong 18 years old student na walang ibang ginawa kundi magpacute.

Kung alam lang nila— na pwedeng pwede ko ng bilhin ang school na ‘to.

Sa tinagal-tagal namin sa mundo, ang dami na naming pera na naipon ni Wendy unnie. Pwedeng pwede na nga kami magtayo ng ilang libong bahay o kompanya. Pero tinatago lang namin ’yun at namumuhay bilang simpleng mamamayan.

Ayaw namin makilala ng madaming tao, dahil baka magsilbi iyong daan para mahanap kami ng mga kaaway namin.

“Good morning!” Rinig ko ang isang babae na masayang naglalakad, habang bow ng bow sa mga nadadaanan nya. Mukha syang masungit— pero sa nakikita ‘ko, mukha naman syang mabait at pala-kaibigan.

Pero syempre, dahil ako ‘to, hindi ko sya pinansin. Wala naman akong interes sa mga tao— yun ang tinatatak ko sa isip ko, na dapat wala kong pake sa kanila kahit na kausapin man nila ako.

“Good morning!” Nagulat ako nang makita ‘ko na nasa tabi ‘ko na sya, medyo nanlaki pa nga ang mata ko at napaatras. Napatawa sya sa reaksyon ‘ko, “I’m Yeri! Nice to meet you!” Nag-bow sya sa akin. So anong trip nya?

“So?” Yan ang sagot ‘ko, medyo masungit ang tono ‘ko kaya napapout sya. Umiwas ako ng tingin dahil shit ang cute nya. Naramdaman ‘ko nalang ang mabilis na pag-tibok ng puso ko kaya naman lumunok ako. Pasimpleng kinurot ko ang braso ’ko dahil bwisit naman…

Bakit ganun ang epekto nya sa akin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dumbpire | joyriWhere stories live. Discover now