P R O L O G U E

6.3K 97 1
                                    


Andito ako ngayon sa salas nakaupo habang nanonood ng palabas sa TV. Wala kasing pasok ngayon kaya eto bored ako walang magawa. Wala din si Mom dahil umalis sya. Ewan ko lang, pero parang napapansin ko si Mom na laging wala dito sa bahay gabi na nga sya kung umuwi galing sa pinupuntahan nya eh.

Wala naman na si Dad dahil nasa heaven na sya. Namatay si dad twelve years ago dahil sa isang car accident. Binuhay akong magisa ni Mom simula ng mamatay si Dad. Kaya ako nagaaral ng mabuti para pag may trabaho na ako ay matulungan ko naman si Mom.

*Ding-Dong*

Huh? Sino naman kaya yun? Si Mom ba yun? Parang aga naman ata umuwi? Wala din naman kaming bisita dahil wala naman sinabi si Mom sa akin.

Binuksan ko yung pero wala namang tao. Envelope lang ang nakikita ko. Pagkakuha ko sa envelope ay pumasok na ako sa salas.

Sino naman kaya ang nagbigay nito? Wala namang masama kung bubuksa ko diba?

Binuksan ko yung evelope at letter lang ang nakuha ko.

Dear Ms.Horward,
                This letter is from Charm School, We need you here as soon as posible beacause anytime they here to attack C.S. We badly need you here. So please be there as soon as posible.
                                             Truly yours,
                                       Headmistress Yonce

Bakit kaya nila ako pinalipat doon? Okay naman ako sa school ko ngayon. Bakit kaya?

~~~~~~~~~~~

Inantay ko si Mom dumating para masagot lahat ng katanungang naglalaro sa isip ko kanina pa.

"Mom may nagpadala ng letter na ito kanina"

"Binuksan mo ba yang letter nak?" Tanong ni Mom.

"Hindi naman masama Mom kung binasa ko noh? Tsaka Mom para sa akin naman yung letter eh."
Balik na tanong ko sa kanya.

"Anong nakasulat sa letter? Kanino daw galing yun?"

"Mom, Bakit kailangan kong lumipat ng school? Okay naman ako sa school ko Mom eh. Bakit ba Mom? Tsaka bakit parang minamadali nila ako pumunta doon? Tsaka sino ba yung Headmistress Yonce?" Sunod sunod na tanong ko kay Mom.

"Easy nak, Masasagot yan lahat pag nakapunta ka na doon" nakangiting sabi ni Mom.

"Pero Mom bakit hindi nyo na lang sagutin lahat ng tanong ko?"

"Kasi sila na ang bahala magpaliwanag sayo. Umakyat ka na ng kwarto mo maaga ka pang pupunta doon bukas. Matulog ka na Goodnight nak I love you." sabay kiniss ni Mom yung forehead ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi po! Huwag nyo po sanang maliiitin yung story ko :) huwag nyo po sanag husgahan😁 First story ko po kasi ito eh -skl.

This story is work of fiction. The characters, events, and places are fictitious. Any similarities to a person living or dead, actual events and historical facts is purely coincidental.

Charm School: The Long Lost Legendary PrincessWhere stories live. Discover now