[Chapter 1: Welcome to Charm School]

2.6K 65 0
                                    

Aeuz's POV

Nakikinig lang ako music habang nakatingin sa bintana ng kotse ni Mom. Nabobored kasi ako kaya nakikinig na lang ako ng music, Si Mom naman serious lang syang nakatingin sa daan habang nagdadrive.

"Mom malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Mom.

Napapansin ko lang kasi na parang kanina pa kami umalis pero hindi pa kami nakakarating sa pupuntahan namin. Tsaka Hindi ba kami naliligaw puro kasi puno ang nakikita ko.

"Oo nak malapit na tayo kaya chill ka lang." Sabi ni Mom habang nakatingin pa din sa daan.

Mamaya lang ay andito kami sa tapat ng isang malaking silver gate. Anlaki talaga as in grabe! Siguro kahit magnanakaw ay hindi makakapasok dyan!

Bumukas naman bigla ang gate kaya tumingin ako dun sa onting siwang ng gate. Nakakabadtrip! Yun yun lang masasabi ko pagkatingin ko sa loob ng gate!. Ano ang nakita ko? Puro puno ulit at diretso na daan. Shocks kailan ba matatapos ang daan na yan!

Maya maya lang ay may nakita akong parang palasyo habang papalapit kami. Nang makapalapit na kami doon ay sobrang ganda. Mula sa mga halaman na maayos na nakatrimmed, sa fountain na naglalabas na crystal na tubig, sa mga puno na punong puno ng bunga.

Ang ganda isama mo pa itong parang palasyo pero hindi kasi sya palasyo, ito pala yung school na lilipatan ko. Bakit? Dahil may nakasulat lamg naman sa harap nun ng 'CHARM SCHOOL'.

Bumaba na kami ng kotse at may sumalubong naman sa amin na parang butler.

"This way Mrs.Howard kanina pa po kayo hinihintay ni HeadMistress" Sabi naman nung parang butler.

"Thank you Sir Davies" pagpapasalamat naman Ni Mom.

Andito na kami ngayon sa HD office at nakaupo kami sa sofa habang hinihintay namin yung sinasabi nila Headmistress dito.

Biglang bumukas ang pinto at may pumasok doon na magandang babae parang nasa mid's 20 lang sya pero as in sobrang ganda nya.

"Goodafternoon, Long Time No See Olivia, So how are you?" Nakangiting bati nya kay Mom.

"Well ganito pa din, Maganda pa din." Pagkasabi naman nun ni Mom bigla silang tumawa. Para silang ewan.

"Is she your daugther?" Tanong nya kay Mom.

"Yes." Maikling sauot ni Mom.

"It's nice to see you and Welcome to Charm School, By the way I'm HeadMistress Euanna Yonce but you can call me HD Eu(Yu)"

"Thank you po HD Eu."

"By the way, This is your Guide Notebook andyan lahat ng schedule mo, your section and dorm number. Ihahatid ka na lang ni sir davies sa dorm mo.Sir Davies guide her in her dorm." Utos ni HD Eu kay Sir Davies at binigay nya na sa akin ang Guide notebook.

Tumayo na ako at Si Mom nauna na si Sir davies sa labas dala ang luggage ko.

"Magiingat ka palagi, Huwag mong papabayaan ang sarili mo, Maging mabait ka sa kanila."

"Kayo din Mom magiingat kayo palagi, Mahal na Mahal kita." Pagkasabi ko nun ay hinalikan ako ni Mom sa forehead ko at hinug nya ako.

Andito kami sa hallway papuntang dorm. Ang ganda ng mga gamit nila dito. Parang mga luma pero maganda naman.

Huminto kami sa isang pinto na kulay gold. Kumatok naman si Sir Davies dun. Bumukas naman ang pinto at may isang magandang babae ang bumungad sa amin. Suot nya lang ay T-shirt na white at maong shorts.

"Goodafternoon Sir Davies, iwan nyo na lang po diyan ako na pong bahala." Sabay hatak nya sa akin papunta sa taasat pumasok sa isa sa mga rooms. Dito siguro ang magiging room ko.

Charm School: The Long Lost Legendary PrincessWhere stories live. Discover now