- 9 -

236 5 0
                                    

Day 7 of 7


"Hon... Sorry na kasi..." sabi ni Xander habang pinopoke yung baby fats ko sa braso ko

At kelan pa to nakakapasok sa classroom namin?

At ako naman tong si pabebe, kunwari nagbabasa ng libro. Wala naman kasi syang time sa akin diba? Oo okay lang sakin yun pero alam ko naman kasi na naging kami dahil lang may kailangan sya sakin. Tska wala na din naman akong pakialam


Di nga kasi kayo official, Eclair. Bakit ba nag expect ka masyado sa SC president na yan?

Buti na lang at di ko talaga boyfriend to. Kung sakali na official kami, baka mas mahal pa nya paperworks nya kesa sa akin. Nagdedate kami, nagttrabaho pa din sya. Gets ko naman yun pero nakakaburyo pag ganun lagi. Hay nakaka stress tong trabaho ko na to! Janine pumasok ka na, please? Ay papasok na pala sya bukas.


Alam ko naman an busy sya at kelangan ko intindihin yun pero nakakahurt naman kasi talaga pag mas pinili yung posisyon kesa sayo diba? Ginatuungan pa nung yawang record na iniwan ni Patty

Hay mababaliw na ata ako. NAKAKASTRESS TALAGA! Sakit pa ng ulo ko dahil sa hangover kagabi -_-

Idagdag mo pa yung sumalubong sakin kaninang umaga. Hayy! Bakit ba naman sa bahay ko pa pinatulog si Gab eh sa harap lang naman namin yung bahay nya!

Mga pakana talaga ng Maria Patricia na yun oh!


"Hon... sige kiss kita pag di ka pa din nagsalita?" bulong nya sakin with matching mapanlokong smile


Narealize ko bigla, ang lapit na nga ng mukha nya sakin. Syempre ako naman tong si alert linayo yung mukha nya sakin. Ano ba problema nito?


"Grabe ka naman sakin hon, nagtatampo na ako..." sabi nya habang naka pout


Hayy Mr. Jan Xander Salvador... Isa nalang, iisipin ko in love ka na talaga sa akin. Hirap talaga maging maganda, grabe haha


"Makatampo ka dyan akala mo ikaw yung pinagpalit sa pwesto ng pagiging SC president! Bahala ka nga dyan! Bumalik ka na dun baka masisi pa ako pag wala kang natapos eh" sabi ko sa kanya


Trying hard to sound annoyed, pero bakit tumatawa sya?


"Cute cute talaga ng baby girl ko. Mas nagiging cute pa pag nagseselos. Lasing lang ako nun" sabi nya habang pinipisil dalawa kong cheeks


Baby girl... TREND WORD BA SA SC YUN?! Grabe talaga mga lokong yun. Problema ba nito? Tska si Ivan lang baby boy ko!


"Che. Sa panahon ngayon, lasing nalang ang honest! Busy ka nanaman ba mamayang dismissal?" tanong ko sa kanya

"Oo eh... Dadalhin ko kasi sa mall girlfriend ko eh..." sabi nya habang nagddrawing ng circles sa braso ko


Kakiliti, promise. Ayoko lang magreact kasi nga badtrip ako. Di ba nito alam ang word na 'hangover'?


"Ahhh" sabi ko sakanya. trying to sound bored as I can

"Pwede ba mamayang dismissal yung maganda kong girlfriend?" tanong nya sakin

My Childish Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon