Chapter 10

20.7K 354 1
                                    

BAGO pumasok kinabukasan si Lacey ay kinausap siya ni Augusto.

"Bakit hindi ka na lang mag-absent, Lacey? Puyat ka kagabi at saka bale-wala na naman ang klase ngayon, 'di ba, dahil malapit na ang graduation ninyo?"

"Alas-diyes y media lang ay tinapos na ninyo ang party kagabi, daddy, kaya hindi ako puyat," sagot niya. Ang mga bisita lamang nito ang inabot ng halos hatinggabi. "At saka simula na ngayon ng rehearsal para sa graduation pati na rin ang valedictory speech ko."

Sandaling nag-isip ang matandang lalaki, pagkatapos ay muling tinitigan ang anak.

"I'm sorry about last night, hija. Nabigla lang ako. I won't stop you from seeing that man, pero sa loob lang ng campus. You will not go out with him during your vacant period. Wala akong tiwala sa lalaking iyon."

Ngumiti siya. "Thanks, Daddy," aniya, hinalikan sa pisngi ang ama at lumakad na patungo sa naghihintay na van.

Hindi niya napuna ang pagdidilim ng mukha ng ama. Ang makahulugang tingin nito habang nakasunod ng tanaw sa kanya.

Kung hindi titigilan ni Rodrigo dela Serna ang pakikipagkita sa batang anak ni Augusto ay magsisisi ang binata. Binigyang-daan nito ang isang bagay na matagal nang gustong gawin ni Augusto dangan nga lang at hindi lumilitaw ang pagkakataon.

Muli ay dinama nito ang pilat sa pisngi kasabay ang pagbalasik ng mukha.

HINDI na nga nagkaroon pa ng pagkakataong makalabas ng campus ang dalawa sa tuwing vacant period ni Lacey pero walang bakanteng oras na hindi sila magkasama.

"I miss you," ani Rigo minsang nasa ilalim sila ng puno ng akasya. May upuan doon para sa mga estudyante.

"You're kidding!" kunwaring bulalas niya. "Araw-araw tayong nagkikita, ah."

"Alam mo naman ang ibig kong sabihin, 'di ba? It's been a week since I last kissed you."

"Hmp..." Inirapan niya ito. "Kaya pala sinabi sa akin ni Yda na nakita ka niya kahapon kina Shirley..."

Ngumisi ang binata. "Nagseselos ka?" Pinaglandas nito sa braso niya ang daliri at pinagsasalikop sa mga daliri ang pinong balahibo niya.

Nagkibit siya ng balikat. Nagseselos siya at nasasaktan. Kahapon pa nang sabihin ni Yda iyon ay hindi na siya nakatulog. But she doesn't want to nag him about it.

"Hindi ba dapat? Ang pagkakaalam ko ay girlfriend mo si Shirley," sinabi niya sa naninimbang at neutral na tono.

Umiling si Rigo. Pinisil ang ilong niya. "Ex. At hindi mo siya dapat pagselosan dahil ikaw lang ang mahal ko. At wala nang iba pa mula nang maging akin ka."

Marahang napangiti si Lacey. Mula nang maging akin ka. May possessive sound doon at hindi niya maipaliwanag ang galak sa dibdib. She was his.

"Naniniwala ako sa iyo."

Lumapad ang ngiti ni Rigo. "That trusting, ha. Hindi mo ba itatanong kung bakit ako nandoon?"

Umiling siya. "What I don't know won't hurt me. At saka sinabi mo na sa aking wala ka nang iba, tama na iyon."

Pumormal si Rigo. Tumayo ito at hinila siya. "Tara, let's get out from here."

"S-saan tayo pupunta?"

"Some private place where I could kiss you," his eyes dark and his voice husky.

Gustong tumanggi ng isip ng dalagita. Hindi niya gustong samantalahin ang pagluwag ng ama. Pero ang kalakhang bahagi ng isip niya'y ayaw makisama. Excitement and thrill and happiness. Iyon ang nadarama niya. At sa totoo lang, she longed for his kisses.

Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now