EPILOGUE

110 9 0
                                    

[30♡]

Third Person POV

March 8 ; 11:30pm

"Ma, pwede na po akong maglakad lakad?" Nagtataka si Tina sa ginagawa ng kanyang ina dahil inaayos nito ang dextrose at inililipat sa may bakal kung saan pwedeng madala ang dextrose kahit saan

Ngumiti lang ang ina nya at inalalayan sya ng kanyang ama na maglakad

Nagtaka sya ng nagdiretso sila sa madilim na garden ng hospital

"Mama bakit andito tayo?" Inalalayan sya ng Mama nya na maupo.

"I love you anak, Happy Birthday" nagliwanag ang paligid pagkasabi ng Mama nya.

Nakalimutan nya na Birthday nga pala nya ngayon. Nilibot nya ang tingin sa paligid.

Madaming maliliwanag at kumikislap na bagay na nakapulupot at nakasabit sa mga pine trees ng garden ng hospital

"Happy birthday to you, happy birthday to you" kumanta ang mga importanteng tao sa kanya

Sina Kiel na may hawak ng cake, mga tito at tita at mga pinsan nya sina Maxwell,Tyler, Deus at Hugh.

"Wish ka na princess" itinapat ni Kiel ang cake sa kanya.

'Please make them happy,even wala na ako'

At hinipan na nya ang kandila at tanging palakpakan ang narinig nya

"Happy Eighteen my princess" hinalikan ni Kiel ang noo nya

Sobrang epic naman ng 18th Birthday nya.

Nakahospital dress sya, walang make up, ang venue sa hospital.

Agad na nagsimula ang party 'daw'. Sinimulan nila sa pagbibigay ng regalo at ang 18 candles at humiling ang mga kamag anak nya sa mabilis na paggaling nito.

Sumunod ang 18 Roses at sinimulan ito ng kanyang ama.

"Thank you for this Papa" isinandal nito ang kanyang ulo sa dibdib ng kanyang ama

"Don't thank me anak sina Kiel ang may pakana nito" napatunghay sya sinabi ng kanyang ama

"But still Thankyou for loving me Papa, thank you for taking care of me" hinalikan sya ng kanyang ama sa noo

"It's my pleasure anak" humiwalay ang Dad nya at sumunod ang iba nyang pinsan at mga Tito.

Hanggang sa 14 roses nya na si Kiel. Ibinigay nito ang rose at hinalikan ang pinsan sa noo. Sa lahat ng pinsan nito sila ang sobrang close

"Thanks Kuya" nagsimula na silang magsway

"Thankyou for making me smile Kuya" ngumiti sya dito

"I'm sorry for not calling you Kuya for over 18 years?" natawa si Kiel sa sinabi ng kanyang pinsan.

"Kaya dapat lumaban ka pa Tina, gusto ko pang marinig ang pagtawag mo ng Kuya sa akin." Niyakap sya ng mahigpit ng pinsan nya.

Hindi na nya mapigilan na umiyak. Kahit pa sabihan sya ng mga kaibigan nya na bakla sya. Wala na syang pake

"I love you Kuya" hinalikan nito ang pisngi ng pinsan at umalis sa harapn nya

Ang sumunod naman ay sina Maxwell

"Thanks" sabi nya pagkaabot nito ng rose

"Tina, you look pretty" napaasim ang mukha nito sa bungad ng binata

"Pretty pa ako nito sayo Maxwell? Mukha na akong tingting? Ang putla putla ko na din?" Naiiling na sabi nito

"Kaya nga kailangan mo pang lumaban kasi kailangan mo pang maging mas maganda" sabi ni Maxwell na nakapagpatiim bagang sa dalaga

Wrong SentNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ