SH- Chapter One

2 0 0
                                    

Zakirah POV

Bata pa lang ako ayaw ko talagang may hihigit sa akin. Sa atensyon, sa mga gamit at marami pang iba. Tulad nalang nito...

"Reiya! Ang ganda ng manika mo.. Mas maganda pa yung sa'yo kesa kay Kirah." Sabi ni Dynese. Isa sa mga kalaro ko.

Oh kita mo na? Sa lahat ng ayaw ko ay yung kinukumpara ako lalo na kapag hinihigitan ako.

Umirap ako sa sinabi nya.

"Ano naman kung mas maganda yung kanya? Sa desenyo lang yan maganda. Eh ang mura lang nyan! Nakita ko yan sa divesoria nung isinama ako ni manang. I'm sure madaling masira yan. Hahaha!" Tawa ko pa.

Tumawa ang lahat except kay Reiya na mukhang maiiyak na.

Mabilis humupa ang tawanan nila nang may nakita silang kung ano sa likod ko. Ako nalang ang nag iisang tumatawa kaya nagtaka ako.

Dahan dahan kong nilingon ito at nakita ang grupo ng lalaki na di masyadong nalalayo sa edad namin. Kung 10 ako ngayon siguro tingin ko mga nasa 12 or 13 years old na ito.

Tumaas ang kilay ko. Anong meron sa mga lalaking ito? At bakit parang takot na takot sila?

May isang lalaking tagos hanggang buto kung makatingin saakin. Sya ang nangunguna sa paglalakad, parang leader sya ng grupo kumbaga. Nanlilisik ang mga mata nya at galit na galit akong tinitingnan. Problema nya? Sinalubong ko ang tingin nya, anong akala nya? Di ako papatalo noh?!

Kinuha nya ang palapulsuhan ni Reiya habang nakatingin parin sakin.

"Stop bullying my sister." Aniya sa malamig na tono.

Napamaang ako. Ano raw?

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa mawala sila sa paningin ko. May naramdaman akong tumabi saakin. Hindi ko ito nilingon dahil nakatingin parin ang mga mata ko sa kung saan sila nakatayo kanina.

"Kapatid iyon ni Reiya, si Kheil. Tska mayaman sila.. Sobrang yaman." Ani Dynese.

I don't know but my heart is beating so fast. And I find it weird.

---

"Mom Alis na po ako." Paalam ko.

"Oh hindi ka na ba kakain?" Tanong nya.

Umiling ako at kumuha ng sandwich sa mesa. "Si Daddy po?" Tanong ko habang nilalagay yung sandwich sa bag ko.

"Maagang umalis. Maaga kase yung meeting nila." Aniya habang nagtitimpla ng kape.

Tumango lang ako. Lumapit ako kay Mommy at hinalikan sya sa pisngi. "Una na po ako."

Nagmamadali akong pumunta sa garage at nakita si Manong Tony doon na nakatayo.

"Tayo na po Manong." Sabi ko at mabilis na pumasok sa likod.

Hindi nagtagal ay naaninag ko agad ang malaking logo ng Universiting pinapasukan ko. Lumabas ako at nagpasalamat.

Nasa 1st year highschool na ako at 2nd day ko pa ngayon. Hindi ko kabisado ang pasikot sikot dito dahil kakalipat ko palang sa school nito. Tiningnan ko ang mga naglalakaran na estudyante. Mabilis akong na out of place. Naka civillan lang kase ako, tapos silang lahat naka uniform.

"Hoy Kirah tayo na, late na tayo." Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Dynese.

Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad papuntang classroom namin.

Pagkarating namin dun ay agad kaming naupo sa huling upuan. Malapit ako sa bintana kaya kitang kita ko kung sinu-sino ang dadating.

Naaninaw ko agad ang grupo ng mga lalaki. Pawang nagsisiyahan sila at tumatawa. Pero nakuha ng isang lalaki ang atensyon ko. Mukhang Out of Place sya dyan sa grupo nya. Masiyahin ang mga kagrupo nya samantalang sya.. Mukhang araw-araw biyernesanto dahil sa aura.

Kheil Jimenez you are so interesting. I want to know all about you.

-----

AN: So this is my 1st story and I want to finish it. So I hope you guys will support me. I don't care about the votes. As much as I want this story spread. I'm okay. Thankss....💓💓 Love lots💓💕
I’m inlove with a man who doesn't know that I exist.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stone heartedWhere stories live. Discover now