Chapter Two

128 11 0
                                    

•••••

Maingat na ibinaba ni Sama ang mga libro sa Librarian's table. Nagtaas ng kilay ang Librarian, si Manang Feliza.
Sanay naman siya sa ganitong ugali ng matanda sa kanya. Iskolar kasi siya ng Cainta de Unibersidad kaya ayun at na-assign siya sa silid-aklatan.

Tahimik lang niya 'tong nginitian at nagpaalam na. May klase pa kasi siya sa General Math. Isa siyang Business Ad student. May pangarap siyang kurso at 'yon ang maging doktora ngunit wala siyang pera para ipambayad kaya Business Ad ang second option niya.

Hindi niya pinansin ang mga tingin ng ilang estudyante. Bukod kasi sa iskolar siya, isa siyang School President Officer. Karamihan sa mga tumititig sa kanya ay 'yong mga galit. Iyong nire-report niya sa Supervisor sa mga maling gawain ng mga ito. Kahit mayayaman ang mga estudyante, they should have followed the rules of the school.

Nahinto niya ang mga paa nang hinarang siya ni Alfred. Isa sa mga siga sa Unibersidad. Ano bang akala nila sa skuwelahan? Yosihan? Inuman? Hindi niya talaga matukoy ang mga estudyanteng patuloy na lumalabag sa batas.

"Ms. President! What have you done again? Ikaw na naman ano?! Ni-report mo na naman kami ano?!" bulyaw nito sa kanya.

"Mr. Agunzillo, when you have any clarifications about the said matter you can go directly to supervisor's office for the answers." mahina niyang saad sa grupo nito. Time na naman ng klase at bakit nandito pa ang mga 'to.

Nagulat siya ng mahina siyang tinulak sa balikat. Napaatras tuloy siya.

"Ah, fuck shit. The matter is about you! 'Di ka takot sa akin? Sa amin? Aba't pinayagan kitang i-report kami dahil iyan kay Jake pero wala ka talagang takot ano?!" Tumalsik ang laway nito sa mukha niya. Mahina siyang napapikit. Kinabahan siya sa pagsulong ng mga ito. Puwede silang ma-suspend sa ginawa nilang 'to.

Nagulat si Sama ng tinulak na naman niya ito. Napaupo siya at masakit. Iyong pang-upo niya ang unang lumagatok.

"Kahit babae ka---"

"You, you, you~ You are my treasure. You are my treasure," Napatingala siya. Dumaan sa gitna ang mga basketball players, may dala pang bola ang isa. Maputi, mukhang intsik. Siya 'yong kumakanta-kanta.

"Uy! Si batang pusit brad, nandito! Hahaha!" tawa nito. Hinawakan ang magkabilang-balikat ni Alfred na halatang gulat sa presensya ng mga 'to. Dahan-dahang tumayo si Sama. Napaigik pa dahil sa sakit.

"Hoy, Pusit! What did you do to her?" Napatingin siya sa mga lalake na nakatingin na pala sa kanya. Saktong dumaan ang kanyang paningin sa isang lalake. Napaawang ang labi niya, hindi malaman ang gagawin. Siya 'yong tinutukoy ni Bobat!

Tumaas lang naman ang kilay nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. She should have not glanced. Damn.

"HI PO, ate Alex"

"Oh nandito na pala ang diyosa ng mga libro, tapos ka na bang kumain?" Umiling siya.

"Bakit hindi ka muna pumunta sa cafeteria?"

Ngumiti lang siya at dumiretso sa mga libro. Nang may nakita ay kinuha niya ito at umupo sa isang monobloc chair. Tahimik ang library. Walang mga tao.

Bumuntong-hininga muna siya bago nagsimulang magbasa. Tama nga si Bobat, ang gandang lalake. Makapal ang mga kilay nito, maganda ang mga mata. Dahil sa mahahaba nitong pilik-mata ay nae-emphasize ang mga mata nitong malalalim.

"Hoy inday! Sama!"

Napabalikwas siya.

"Oh, ate Alex?!" napahawak siya sa puso. "Ate naman, nanggugulat!" natawa siya. Mahina 'tong napatawa sa kanya.

The Epitome Of Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon