Chapter 6

3.2K 61 2
                                    

It's been three days since their intramural. Everything were back to normal again. At tama nga ang kanyang hula. Dahil pagkatapos ng masayang araw ay sunod - sunod na ang kanilang projects. She's in the library now. Hindi kasi siya makapagpokus sa pagbabasa sa kanilang room. Maiingay at magulo.

“Ivory..”

Natigilan siya sa pagbuklat ng libro nang marinig ang pamilyar na boses. That voice who always makes her heart become abnormal. And it's not really good. Dahan - dahan niyang inangat ang kanyang paningin. There he is.

“Don't disturb me. I'm reading,” aniya saka bumalik ang tingin sa libro. Subalit ramdam niya ang mga titig nito. Wala na tuloy siyang maintindihan sa binabasa niya.

“Can I invite you on a date?” Agust asked. Natigil siya sa pagbabasa.

Her heartbeat quickened even more. Kahit hindi siya tumingin sa salamin ay alam niyang namumula na ang kanyang pisngi. Why the hell is he asking me? She gulped. Dahan - dahan siyang tumingin sa lalaking nasa harap niya. He's serious. Hinihintay ang sagot niya. Bigla siyang nataranta. Oh my gosh! What should I answer?

“W-why? I'm busy you know,” sagot niya.

“I know. I didn't say we'll date now,”

Pahiya sya ron. Humigpit ang kapit niya sa kanyang libro. She didn't know what to answer. Should she come? Or not. Muli niyang tiningnan ang lalaking nasa harapan niya. Naghihintay pa rin ng sagot.

“I know! What if I said no?” Tanong niya rito.

“I'll ask you again,” sagot nito.

Kita niya sa mga mata nito ang kagustuhang pumayag siya sa date. Hindi pa siya nakakaranas makipag- date. At tsaka bakit naman siya makikipag- date sa lalaking kinaiinisan niya? Ngunit may parte sa kanyang utak na nagtutulak sa kanya na pumayag. Really? Siguradong nag - ipon ito ng lakas ng loob para lang yayain siya.

“Fine!”

Bahala na. It's just a date. No feelings are involve. Pwede namang makipagdate kahit wala kang gusto sa isang lalaki. She mentally rolled her eyes. Nakikipag debate pa siya sa kanyang sarili.

“In one condition,” dagdag pa niya.

Tumuwid ito ng upo. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Mukha itong batang paslit na nag-aantay mabigyan ng kendy. What am I thinking? She cleared her throat. Taas - noo niyang tiningnan ang binata.

“Pumasok ka sa school palagi. Do your school work and pass the exams. May quiz tayo mamaya, kapag naperfect mo yung quiz nang hindi nangongopya, magde-date tayo. ”

Feeling niya ay naubusan siya ng hininga nang sabihin iyon. Confident siyang hindi nito magagawa ang pinagagawa niya. Pero tila kinakabahan pa rin siya. She didn't know him very well. Ngunit kailangan niyang panindigan. She's Lyrica Ivory Austria. She don't break promises. Ang daming tanong sa utak niya? Kung susundin ba nito or susuko na lang. Well, ayos na rin iyon. Malalaman niya kung pinaglalaruan lang talaga siya nito o hindi. What if he is really playing with me? Of course hindi niya iyon papayagang mangyari. No one can do that to her. Not gonna happen.

“What are you waiting for? Mag - review kana? Or hindi mo gagawin kasi hindi mo kaya,” nanunudyong sabi niya.

To her surprise, Agust pick some books and read silently. Nakanganga siya habang pinagmamasdan ito. What the hell? Is he really do it?  Tahimik lang ito habang binubuklat ang mga pahina ng libro. Mukhang siya pa ata ang babagsak sa quiz dahil hindi na niya magawang magbasa.

She covered her face with the book. Ngunit sinisilip niya ito. Naningkit ang kanyang mata. Nagbabasa ba talaga sya? Pumasok ang sikat ng araw sa loob ng library. Dumampi sa mukha nito ang sikat ng araw. He looks like a character in a manga. Mukha itong gumagawa ng music video. Damn! How can a man like him become so handsome?

THE BADBOY'S GIRLFRIEND [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon