I'd Still say Yes

33 2 0
                                    

Kabanata 1

Pagkikita

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na bumabalandra sa mukha 'ko. Bumangon na ako at nagayos ng sarili, I'ts already 5:00 in the morning at kailangan ko ng magluto. After a few minutes bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nagsaing muna ako habang naggagatas. Sinunod kong niluto ang itlog at corned beef.

"Anak ako na diyan, mag almusal kana dun at ako na ang magtutuloy diyan. " bungad na sabi ni mama sa'kin. Gising na pala siya.

"Nay, ikaw na po ang kumain dun. Ako na ang bahala dito pagod po kayo sa trabaho kaya ako na po ang maghahain sainyo." Aniya ko.

"Papasok kapa sa eskwelahan mo anak. Baka naman malate ka? Sige gumayak kana dun ng hindi ka malate sa pagpasok mo" nagpupumulit na sabi ni nanay

"Sige na nga po ma, asan na po ba si bunso? Gising na po ba siya?" Aniya ko.

"Puntahan mo nalang sa kwarto anak, napuyat 'yan kagabi eh paano ba naman kase naglaro pa sila ng tatay mo. Haysst." Wika ni mama.

"Sige po ma" sabay talikod at tinungo ang kwarto ng kapatid ko. Maliit lang ang bahay namin, nagmula ako sa isang simpleng pamumuhay. pinalaki kami nila mama at papa na disiplinado at marunong makuntento sa mga bagay-bagay, dalawa lang kaming magkapatid ako, ang panganay at ako ay isang college student sa isang pinakamalaking unibersidad sa aming lugar.

Ang ipinangbubuhay sa amin ng mga magulang ko ay ang pagtitinda nila ng mga itlog, tuyo sa iba't-ibang sitio dito sa amin. At sa gabi naman ay namamasada si papa alam kong hirap na hirap na sila kaya kung may mga binibigay na extrang trabaho sakin ay pinapatos ko na dagdag baon at dagdag panggastos sa bahay.

Sinisikap kong makapagtapos para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko para hindi habang buhay nagtitinda sila ng tuyo at itlog.

"Bunso, gising na papasok na tayo"

"Hmm" imik niya.

"Halika na bunso malelate na tayo oh, tanghali na"

"Opo ate" mahinahon niyang sagot habang naghihikab pa.

"Sumunod kana sakin ah? Dalian ang pagkilos tanghali na, nagpuyat ka na naman kase eh 'yan di ka tuloy makabangon" sabi ko.

"Si tatay kase ate eh naglaro pa kami hehehe" tawa-tawang saad niya.

"Hmm, sige na't maligo kana dali" saka na ako tumalikod at naligo na.

***


Medyo maaga pa naman para sa first period 'ko kaya nagpunta nalang muna ako sa library para magbasa-basa. Pagkakuha 'ko ng libro agad akong umupo sa palagi kong pwesto. sa malapit sa bintana sariwa ang hangin at tanaw na tanaw mo ang buong bayan ng Dinapigue. Makikita mo ang mga magagandang bundok, sakto pa at nasa pangalawang palapag nakatayo itong library. Hayst.

Last na babasahin ko ay ang palagi at pinaka paborito ko sa lahat, isa siyang love story, ang pangalan ng mga bida ay sina Mateo at Leigh si Mateo ay isang probinsyano samantalang si leigh ay galing sa isang mayamang pamilya sa pilipinas. maraming naging hadlang sa kanilang dalawa ngunit ang pinakamalaking pagsubok sa kanila ay ang pamilya ni leigh ayaw kase ng pamilya ni leigh si mateo dahil nga isa lang itong probinsyano ngunit hindi nagpaawat ang dalawang magkasintahan. naging matatag sila sinabe nila sa sarili nila na kahit ano mang pagsubok haharapin nila iyong magkasama... Hayst nakakarelate ako sa kanila sana pag nagkaroon ako ng mahal sana ganun din yung gagawin niya saki'n ipaglalaban niya ako, p-pero ngayon hinahanap ko yung libro na 'yun, kase kanina ko pa hinahanap hindi ko makita-kita. nasaan na ba 'yun? Dito ko lang siya nilagay sa may pinakagilid ah? Napahaba ata ang kwento ko sainyo ah? Kayo eh pinapadrama niyo ang bida ng kwento. Joooke! :> asan na ba kase 'yung libro? Kung kailan malapit ko ng matapos yung kabanata ngayon pa mawawawala? Wag naman oy! Hindi pa kinakasal sila leigh at mateo. Huhu


"Miss eto ba 'yung hinahanap mo?" Sambit ng isang lalaki sa likuran ko.

Humarap ako para kumpirmahin kung 'yun nga yung libro,  laking gulat ko ng makitang siya nga 'yun.

"Hehehe, oo kuya 'yan nga 'yun. " Wika ko.

"Pasensya kana naengganyo kase akong basahin, kaya pinagpatuloy ko na" paghingi niya ng tawad.

"Naku, kuya ayos lang 'yun ako rin eh sobrang nagustuhan ko 'yan, kaya hindi ko na tinantanan. " sabi ko.

"Wag mo na kong tawaging kuya, Ralph nalang" inabot niya ang kamay niya sa'kin at siya namang tinanggap ko ito.

"Lia" saad ko.

"Nice to meet you lia. anyway bago lang ako dito, tita ko kase may-ari ng school na 'to. Saang bulding ka?" marespetong tanong niya.

"BAM building." Tipid kong sagot.

"Alright, nice to hear that. Parehas pala tayo ng building eh." nakangiti niyang sambit. Tinignan ko ang relo ko at pucha-- late na akooooo.

"Ahmp s-sige ralph una na ako ah? Late na kase ako eh, kung gusto mo basahin mo muna 'to bukas ko nalang babasahin or mamaya. Sige bye!" inabot ko na sa kaniya 'yung book at kumaripas na ako ng takbo sa room ko.

Late na ako ng 5 minutes at buti nalang mabait 'yung prof ko. :> nakinig nalang ako sa mga  lecture bukas daw may quiz, oh diba? Ang astig ng prof namin quiz agad ang nais. X'D. After ng second teacher namin ay break na dumiretso ako sa canteen bumili ako ng sandwich at juice, at naupo sa isang tahimik na lugar.

Habang kumakain ako naririnig ko yung mga ka schoolmates kong babae na nagtitilian habang dumadaan ang apat na mayayabang--- ay mali lima na pala sila ngayon t-teka? namumukaan ko yung isang lalaki na bago nilang kasama ah? Araay--- ang ingay ng mga babae na 'to.

"Kyaaah, ang gwapo mo cj!"

"Jayvee, paisaaaa! Hehehe"

"Ang gwapo nung bago nilang kasama balita ko transferee siya dito, sheeet ang gwapo niyaaaaa!" -girl 1

"Oo nga, balita ko taga maynila daw siya. BAM building daw siya sissy!" Sabay hampas niya doon sa katabi niya.

Si r-ralph kaya 'yung tinutukoy nila? Aba't ano bang pakielam ko sa kanila? Umalis na ako at nagpunta na sa next  subject ko. Maaga pa naman para sa next  subject ko pero hindi ko kaya ang tilian ng mga schoolmates kong babae. Graaaabe! Akala mo naman artista yung tinitilian nila. Ang yayabang naman ng mga 'yun! Juskoo puros papogi lang ang alam. ewan ko lang kung ganun din si ralph pero parang ang bait niya kanina eh. Hays paki ko ba sa kanila? -,-

Nasa bahay na ako ng maabutan ko ang kapatid kong gumagawa ng assignment niya. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis na para makapagsaing na ako. Nakakapagod buong maghapon, sabayan mo pa ng mga projects. Hayss college nga naman, di bale dalawang taon nalang at makakapagtapos na ako. Kaya mo 'yan lia. Kaya mo 'yaaaan! Payting!

Enjoy reading:>
Don't forget to vote!

PLAGIARISM IS A CRIME

I'd Still say YesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin