Chapter 10

9.8K 143 11
                                    

“Panyo mo pala, salamat.” Sabi ni Renz na iniaabot ang panyo kay Miko. Hindi siya nakatingin kay Miko ngunit si Miko ay nakatingin sa kanya.

“Nilabhan mo bay an?” nakangiting tugon ni Miko.

“Ah, O.. oo naman.” Sagot ni Renz na nakakunot ang noo. Hindi padin niya tinitingnan si Miko at bumibilis na ang tibok ng kanyang puso. Nakapwesto padin ang kamay niya sa pag-abot ng panyo kay Miko.

“Tingin nga.” Iniabot din sa wakas ni Miko ang panyo at inamoy ito.

“Wow, amoy downy ahh.” Nakangiting sabi ni Miko. Ibababa na sa ni Renz ang kanyang mga kamay ng bigla itong hawakan ni Miko ng kaliwa nitong kamay. Ibinalik niyang muli ang panyo dito sa kanyang kanang kamay.

“Sayo nay an, bigay ko na sayo yan.” Sabi ni Miko kay Renz na ngayon ay nakatingin na din sa kanya at tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Naninigas ang buo niyang katawan at nanlamig ang mga kamay dahil sa paghawak ni Miko sa kanyang kamay at sinabayan pa ito ng malalambing nitong ngiti. Tila ba gusto nang matunaw ni Renz. Namula na ang mga pisngi nito na napansin ni Miko dahil nga sa wala itong bangs ngayon. Naramdaman nadin ni Miko ang pamumula ng kanyang pisngi.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Nakatambay si Mark sa hallway ng 4th floor sa tapat ng kanyang room, hinihintay nito ang propesor

.

“Kakanta sila.. Tapos manuod daw ako.. Nananadiya ba siya? Asar!” bulong nito sa sarili habang nakadungaw sa bintana sa may hallway at nagmamasid-masid. Inikot niya ang kanyang mga mata ng makita sina Renz at Miko sa bandang kanan ng building sa may 3rd floor.

Kitang-kita niya na magkawak sila ng kamay at nagtititigan. Napalunok si Mark. Napakunot ang mga noo.

“Aray!” sigaw ng kanyang puso.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagpagulong-gulong.

.

.

Niyakap ng mahigpit ang mga unan.

.

.

Paiba-iba ang posisyon sa paghiga.

.

.

Hindi makatulog si Renz. Bumabalik-balik sa kanyang isipan ang bawat salita ni Miko na ang tinig ay tila nanggagaling sa mga salita ng isang anghel, ang paghawak nito sa kanyang mga kamay at ang pagngiti nito sa kanya.

“HAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY.” Sigaw ni Renz sa unan na nakatakip sa kanyang bibig.

“Nakakainis ka! Nakakainis ka!” sabi ni renz habang sinusuntok ang isa pa niyang unan.

“Ito na nga yun... Nahulog na ko sayo. Ikaw kaya? Nahulog ka din ba sakin? Mahuhulog ka ba sakin? Sabagay, ok lang naman, kahit di ko na malaman.”

Sabi ni Renz sa unan na kinakausap niya na parang si Miko. Tapos ay niyakap niya ito ng mahigpit na mahigpit.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

“Dad, napatawag ka?” si Miko.

“Wala anak, kukumustahin lang kita.” Ama ni Miko sa kabilang linya.

“Ayos lang ako dad.”

“ang kapatid mo?”

“Ayun, tulog na. San ka ngayon dad?”

“Dito ako sa London, may project proposal ako dito bukas eh. Kapagod nga sa byahe.”

“Ganun ba, magpahinga ka agad dad, goodluck sa proposal mo.”

“Salamat anak, osige na. Aayusin ko pa ang mga gamit ko, kadadating ko lang. Ingat kayo, ingatan mo kapatid mo. Love you both.”

Isang engineer ang ama ni Miko, nagttrabaho ito sa isang International Construction firm. Minsan lang ito makauwi sa Pilipinas dahil sa abala ito lagi, siya ang head ng isang department sa kanyang pinagtatrabahuan. Namatay na ang ina nila Miko nang ipinapanganak nito ang kanyang kasunod na kapatid kaya naman nagrerebelde ang kapatid ni Miko na si Lyndon dahil sa pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan ng pagkawala ng kanilang ina.

Pagkatapos mag-ayos ng mga bagahe ay lumabas ng tinutuluyan itong si Carlos, ama ni Miko, para maghanap ng kakainan.

“Here take your medicine.” Sabi ng isang babae sa matandang Briton.

“No, I don’t like it.” Sabi ng matanda at itinapon ang mga capsules.

“Don’t do that sir! That’s bad!” sabi ng babae at dali daling pinulot ang itinapon na gamot ng matanda. Nasa park ang dalawa sa bahagi ng London.

“Where do you want to go now?” tanong ng babae.

“I want to eat.” Sagot ng matanda.

“Ok but drink some water first.” Sabi ng babae at iniabot ang tubig.

“I hate that!” sabi ng matanda at tinapon ang tubig. Sakto namang may dumadaan na lalaki sa tinapunan ng matanda. Nabasa ang pantaloon ng lalaki.

“Oh, I’m sorry si-“ napatigil na sabi ng babae ng makita ang lalaki. Nagulat naman ang lalaki sa nakita.

“Melinda?” sabi ng lalaki.

“Carlos.” Sabi ni Melinda.

Dating magkasintahan ang dalawa, ngunit hindi sila nagkatuluyan dahil na din sa mga magulang nila. Parehong hindi gusto ng mga magulang nila ang bawat isa, kaya wala silang nagawa.

Ngayong muli silang nagkita ay muling nanumbalik ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa.

Si Melinda ay ang ina ni Renz.

Kahit Di Na Malaman (BL)Where stories live. Discover now