Chapter 14

241 10 5
                                    

MALAKAS ANG TUGTOG NG RADYO. Hindi naman nakakabingi, pero alam kong masyadong malakas at hindi na kami magkakarinigan kung saka-sakaling mag-usap kami (na halos mag-i-isang oras na kaming hindi nagkikibuan). Pagdating sa SLEX, binuksan na ni Kaeley 'yung radyo. Nang makahanap ng trip na tugtog, nilakasan na nito ang volume. "I need to focus. Mahaba-haba ang ida-drive ko," huling dialogue niya bago kami nanahimik pareho. Hindi ko nga gano narinig 'yung pagkakasabi niya nun kaya hirap akong intindihin. Buti na lang inulit niya sa mas malakas na boses. Hindi na ko nag-react.

Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na papunta kami ngayon sa Puerto Galera. Wala sa schedule ko ang lumayo ng Maynila. Ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Biruin mong pati si Kuya Doms e kakutsaba na rin pala niya? Ano ba talaga background ng babaeng 'to at parang lahat ata ng gusto niya e nakukuha niya agad-agad?

Hindi ko pa siya gaano kilala. Hindi pa rin niya ko gaano kilala. Maganda, mayaman at may pusong-bato. 'Yan lang pagkaka-kilala ko sa kanya. Pati pala 'yung background story ng tattoo niya. 'Yun. At 'yun din ang goal ko: ang kilalanin pa siya mabuti.

In-adjust ko ang upuan pahiga saka ko nilapat ang likod ko sa malambot na upuan. Pasimple kong tinititigan ang kasama ko. Ganun pa rin naman ang itsura niya. Maganda pa rin. Gasgas na gasgas na nga ata 'yung salitang 'maganda' sa kanya, pero wala naman akong ibang word na puwedeng ipalit sa salitang maganda. E ganun talaga e.

Inantok ako sa biyahe. Pang-pito na 'yung hikab ko ngayon mula kanina. Naka-dalawang kape naman ako kanina pero kusang bumabagsak ang mga mata ko. 'Yung paulit-ulit na view ng mga puno, poste at road signs ang nagpaantok sa'ken. Bumwelo at pumwesto na ko para umidlip ng bigla akong tapikin sa kamay ni Kaeley sabay hina ng radyo.

"Mahahawa ako sa antok mo," sabi niya. Na-gets ko naman agad. Nakonsensiya naman ako. Baka pag-gising ko imbes na makarating kami ng Batangas e mga anghel o rescue officers ang sumalubong sa'min.

No choice. Labanan ang antok.

"Bakit sa Puerto?" magbukas na ng topic bago pa mapanisan ng laway. Nasa Laguna pa lang ata kami ayon sa mga road signs. Na-search ko kanina na dadaan din kami ng Batangas. Meaning malayo pa kami.

"What do you mean bakit sa Puerto?" tanong din niya nang hindi ako nililingon. Hindi rin naman ako nakatingin sa kanya kanina nung nagtanong ako. Wala naman kaming ibang kasama kaya obvious na siya lang naman kausap ko.

"Bakit sa Puerto tayo pupunta. Ang layo-layo,"

"Wala lang. Narinig ko lang sa client ko the other day na pupunta sila dun this weekend. Curious lang. Tsaka hindi pa ko nakakapunta dun so good luck sa'ten dalawa,"

"Curious ka, o gusto mo lang sundan 'yung client mo? Nyay stalker!"

"Tumigil. Stalker ka diyan? Ano naman masama kung ma-curious ako?"

"Wala naman. Nasabi lang,"

"Wala pala e. Uulitin ko, hindi pa ko nakakapunta dun kaya gusto ko pumunta dun. That's it. Nothing else,"

"Teka, meaning wala ka din alam dun?" tumango lang siya. "So ibig mong sabihin, pareho tayong magmumukhang timang dun?"

"Well kung may pera naman there's nothing to worry about,"

"Yun na nga. Kung may pera. E pano ko?"

"Hindi mo ba ko kasama?"

"Kasama,"

"Just like I said, there's nothing to worry about,"

Kompiyansa. Kakaiba talaga "Ngayon nagsisimula na kong ma-curious sa magiging girlfriend ko," pasimple ko siyang tiningnan, mga 2.5 seconds. Wala naman kahit anong facial reaction. "IF ever lang naman,"

Tinder. Love. And Dare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon