Chapter 45

552 12 0
                                    

                CLERK JOHN'S POV

Naglalakad kaming dalawa sa dalampasigan. Alam ko na nasasaktan parin siya ng dahil sa akin. Kasalanan ko ba na gusto ko lang na kalimutan niya si Clerk, dahil hindi talaga siya ang tunay na ako. Gawa ko lang si Clerk, pero iisa parin kami. Kahit gusto kong tumakas sa responsibilidad na nakalaan sa akin, at mamuhay ng simple ay di ko magawa dahil nakatadhana na sa akin na pamunuan pati na ang natitirang palasyo dahil kami ang kataas-taasan. Bilang isang Prinsipe ng Una at makapangyarihang palasyo, kailangan kong siguraduhin na maayos ang lahat.

Ngunit hindi talaga mawawala ang mga taong gusto kang ibagsak at patayin ng dahil lang sa hangad nila na pantayan o lamangan ang Unang palasyo. Gahaman talaga sa kapangyarihan, iyang ikaapat na palasyo.

"Waaah! May Beach volleyball don, Prince John. Sali tayo!" Sayang sabi niya at hinila ako papalapit don.

"Sumali tayo"nakangiti niyang sabi.

-__-

"No!"tipid kong sabi at kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Ano?! Diba sabi mo lahat ng gusto kong gawin, sasamahan mo ako.?"naiinis niyang sabi

"Gusto kong magsaya para kahit ganon makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon."dagdag niyang sabi.

"I said no!"sabi ko.

"Waaaaaaahhh!! Bakit!?"sigaw niya kaya pinagtitinginan kami ng mga tao at yung naglalaro ay tumigil saglit at tinignan kami.

Tss! Tusukin ko mata nila ngayon.

"Fuck! Can't you see? You are not allow to join that game if your not going to wear that!"inis kong sabi sabay turo don sa board na may nakalagay na...

"Beach Volleyball:Proper Attire for Girls..Two piece and for Boys, Shorts." Pagbasa niya don sa nakasulat.

"Anong akala mo ha? Sport attire talaga? Nasa beach tayo. Beach Volleyball na nga eh!!"gigil niyang sabi.

"Tss! You're not going to wear those thing. At may nakalagay pa talaga na pagandahan ng katawan. Watdapak! Who the hell implement that?!"galit kong sabi pero sa labas seryoso ang mukha ko.

Dahil sa inis ko, lumapit ako don sa lalaki na referee. Nang nakita niya ako ay dali-dali siyang bumaba at hinarap ako. He bowed to me bago siya nagsalita.

"What can I do for you, your highness?"nakayukong tanong niya.

"Tss! Are they really require to wear those things?"mahinahon kong tanong.

"Yes your highness. It is a beach volleyball. That's the proper attire to wear para makasali."sagot niya.

"Ginagago mo ba ako?"tanong ko

"H-hindi po"utal niyang sagot.

"Okay. I'll ask you again. Does it really require to wear a two piece for girls in order for you to join?"tanong ko at umiling lang siya.

"Well, I guess its a No. Thank you very much"sabi ko at iniwan na siya don.

Bumalik na ako don kay Andrea na naka-indian sit sa buhangin habang pinapanood yung naglalaro.

"Saan ka ba nagpunta? Inaway mo na naman iyong lalaki."inis niyang sabi.

"Tss. You can play now"sabi ko at dahil don bigla nalang kuminang ang mata niya.

"Talaga ba? Magpapalit na ako. Yipee! Excited na akong maglaro"saya niyang sabi. Lalakad na sana siya pabalik ng hotel para magbihis ng hinawakan ko ang wrist niya para pigilan siya.

The Nerd Boy Becomes the Princess's Boyfriend✔Where stories live. Discover now