ii. why i escape

105 13 40
                                    

two, why i escape

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

two, why i escape


Days had passed. Ni hindi ko namalayan na isang linggo na ako dito sa probinsya. Tatlong araw na magmula nang makausap ko si Vynx. Nagtuloy-tuloy iyon.

Araw-araw, gigising ako na may ngiti sa labi dahil alam kong makikita ko nanaman siya. I'm always looking forward to the next day because of him.

Tuwing uwian ay dumidiretso ako sa abandonadong building para makita at makausap siya. Kinukuwento ko ang mga nangyayari tungkol sa araw ko, masaya man o hindi, sinasabi ko sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig. Kung minsan naman ay naglolokohan lang kami at nagpapalipas ng oras sa abandonadong building.

We're on our usual spot, watching the sunset. Hindi ko mapigilang makuryoso sa buhay ni Vynx. Hindi siya nagkukuwento. Nakikinig lang siya tuwing magkukuwento ako tungkol sa araw ko. I can't help but to be curious about him. Ang alam ko lang sa kanya ay may magulo siyang buhok, nag-iisa lang ang hoodie at faded jeans niya dahil iyon pa rin ang suot niya hanggang ngayon, at palagi siyang naka-ngiti.

"Vynx," banggit ko sa ngalan nito.

"Hm?"

"Bakit ka tumatakas?" tanong ko rito.

Hindi ko ito tinignan. Hinintay ko lang sumagot ito, ngunit wala akong narinig.

"I mean, sabi mo kasi tumakas ka diba. Tinatakasan mo ang kapalaran at reyalidad mo. W-what do you mean by that?" paglilinaw ko sa tanong ko.

Isang buntong hininga lamang ang narinig ko mula sa kanya.

Napapikit ako. "N-nevermind," sabi ko nang mapagtantong hindi niya sasagutin ang tanong ko.

Siguro masyadong personal ang bagay na iyon at hindi niya kayang sabihin sa isang tulad kong nakilala niya lang dito.

"She's the reason,"

Napaangat ako ng tingin dito nang bigla itong magsalita.

Nakatitig lamang sa papalubog na araw habang nakangiti. "Why I escape," dagdag nito saka ako nilingon.

Nangunot ang aking noo. Ayan nanaman ang tingin niyang parang may ibig ipahiwatig. There's something about the way he look at me.

"That day, I already accepted my fate. I already accepted the reality. But when I saw her, I backed out. I realized that I still need to be here for her. So I escaped again," he said while staring at me. Hindi niya pinutol ang pagtitig, sa halip ay hinayaan niyang makita ko ang halu-halong emosyong lumalangoy sa mga mata nito.

On the RooftopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon