This is what happy looks like

17 1 0
                                    

"Hoy baby Peyton, bakit tinitigan ka lang niyan? Di ka ba hahalikan niyan?"

Biglang naitulak ni Peyton si Kevin at umayos na sila ng tayo nang marinig nito ang boses ng nagsalita.

"Ano 'to boyfriend mo?" muli sabi nung bagong dating.

"Hi-hindi ah," nauutal na sagot ni Peyton.

Nakamasid lang si Kevin sa dalaga.

"Teka, parang pamilyar ka? Nagkita na ba tayo dati?" baling naman ng Ate Eza ni Peyton kay Kevin.

"I think so," maikling sagot niya.

Maya-maya ay may lumapit na isang lalaki at ngumiti kay Peyton.

"Baby girl," tawag nito kay Peyton.

Dun napakunot ang noo ni Kevin. Why the hell the guy is calling Peyton 'baby girl'?

"Hoy. Kent tingnan mo si baby girl may kasamang lalaki," sumbong ni Eza sa bagong dating.

Ngumiti lang ang lalaki at gtumngin kay Kevin bago ibinalik ang tingin kay Eza.

"I think I saw him before," at umarteng nag-iisip si Eza hanggang sa maalala niya kung sino ang kasama ni Peyton. "Ahhh, ikaw yung si kuyang ID," seriously She called him Kuyang ID.

"Ako nga po," magalang na sagot ni Kevin. Nagpagtanto na rin niya na si Kent ay boyfriend ni Eza at baby girl ang tawag ng mga ito kay Peyton.

"Hala baby girl, ano ito destiny kayo ni Kuya?" tanong niyo kay Peyton. "What's your name again?" pagkatapos ay baling nito sa kanya.

"Kevin," he simply answered.

"Ahhh, right. I remember you," kaswal na sabi ni Kent. "Juniors representative during Tertiary Cup."

Kevin nodded.

"So baby girl, bakit kayo makasama?" tanong ni Eza.

"Boyfriend mo na ba?" Kent plainly asked.

"Stop it, you two. It's kinda annoying you know. Lalo na yung tono ni Kuya Kent," Peyton shut back.

"So ano nga, destiny na ba ito at nagkita kayo ulit. Malay nyo kayo talaga," Eza continues to babble things.

"Funny, that won't happen. May boyfri--este girlfriend siya."

Same Old HabitWhere stories live. Discover now