Prolouge

17 0 2
                                    

Pre handa ka na ba? Tanong saken ng kaibgan kong si Louie.

Hindi ako makasagot walang lumalabas sa bibig ko unti - unting bumabagsak ang mga butil ng luha sa aking muka.

"Kinakabahan ako pre iba na pala yung feeling kapag nandito ka na." Sagot ko habang pinupanasan ang mga luha ko.

No one can explain how much I feeling right now . Pinong puno ng kagalakan  at kasiyahan ang puso ko ngayon.

"Ganyan talaga pre ,  masaya ko para sa inyong dalawa ni Lianne , after ng lahat ng napagdaanan nyo deserve nyo to.

"Salamat pre"  yun na lamang ang nasabi ko dahil ilang sandali lamang ay mag sisimula na ang seremonya.

Maya maya pa'y  bumukas na ang malaking pintuan ng simbahan kasabay nito ang pagtunog ng kampana hudyat na magsisimula na.

Eto na! Eto na talaga wala ng atrasan to.

Pagbukas ng pagbukas ng simbahan bumungad ang muka ng pinaka mamahal kong babae.

Ang babaeng kayang patibukin ang puso ko. Ang babaeng Hindi ako tinalikuran sa lahat ng mga kagaguhang nagawa ko. Ang babaeng hindi sumuko sa aken sa mga panahong miski sarili ko sinukuan ko na. Ang babaeng naglalakad palapit sa akin , Ang babaeng pinakamamahal ko.

Habang palapit ng palapit lalo kong kinakabahan para bang may mga kabayong nag uunahang lumabas sa dibdib ko.

Nung ilang metro nalang ang layo nya saken parang lumalabo.

Papalapit ng papalapit na sya sa aken ngunit Hindi ko sya maaninag. Parang may malaking pwersa na pilit kaming pinag lalayo.

A-anong nangyayari? Tanong ko ngunit wala man lang miski sa kanila ang nag salita.

Ang galak  at at saya ay napalitan ng kalungkutan. Nung halos isang dangkal nalang ang pagitan namin bigla nalang syang naglaho.

B-aketTanong ko sa sarili ko.

Unti - unti bawat sulok ng simbahan ay nawasak. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nag laho rin kasama ang mga bisita.

Naiwan ako sa simbahan na punong puno ng paghihinagpis. Bawat sigundo na lumipas ay lalong nagdudulot ng kirot sa aking dibdib.

Her Sacrifices Where stories live. Discover now