Kabanata 7

1.1K 76 75
                                    

Kabanata 7

Tahimik ang buong sala. Walang gustong magsalita at walang gustong magsabi ng nararamdaman. Pakiramdam ko ay iisa lang din naman ang nararamdaman namin ngayon; guilt.

Nagi-guilty kami dahil ang simple lang nito pero hindi namin nagawa ng maayos. Yes, naroon na tayo sa may natulong naman kami dahil may nalabas kaming hostages kahit papaano, pero to think na may natira at napatay pa rin sa loob? Nakakadisappoint.

"Relatives of victims grieve outside Garden Hotel, hours after a masked gunman set fire to the whole hotel. More than 200 people were killedㅡ" agad na pinatay ni Kendall ang TV bago pa matapos ang sinasabi sa balita.

"We just failed our first mission. Ano nang balak natin?" Biglang tanong ni Kendall.

Tumunganga ako sa kawalan. Nakaupo si Dark sa tabi ko habang naka-strech ang kaliwa niyang braso sa back rest ng inuupuan ko; para bang nakaakbay siya sa akin. Nilingon ko siya ngunit nakakunot noo lamang siya habang nakatingin ng diretso sa TV kahit na nakapatay naman iyon.

"Balak? E 'di wala. Ano pa bang magagawa natin? We failed, and that's it." Biglang sabi ni Hyrie.

Napantig naman ang tainga ko sa sinabi niya. Prenteng sinusuri niya ang kuko niya. Well, hindi sa sinabi niya, kundi sa tono ng boses niya. Para bang may gusto siyang sisihin sa nangyari pero hindi niya masabi kung sino, kaya iyan nalang ang lumabas sa bibig niya.

"So, what are you trying to say?" Inis at kunot noong tanong ko.

Naramdaman ko namang nilingon ako ni Dark dahil sa sinabi ko. Hindi na talaga ako makapagtimpi. Naghalo halo na ang lahat. Una na roon syempre ay ang nangyari sa Garden Hotel, tapos gagatungan pa nitong malditang ito?

"I'm not trying to say anything..." patuloy lamang siya sa pagsuri ng kuko niya. "I'm just telling the truth. Wala naman na kasi talaga tayong magagawa. Not unless you know how to bring back the dead."

"Anong sabi mo?" Inis na hinarap ko siya.

Magsasalita pa sana ako ngunit naramdaman ko ang mahinang pag tapik sa akin ni Dark, na para bang pinipigilan niya akong makipag away. Nilingon ko siya at naabutang nakatingin pa rin sa TV habang hawak ang labi at pinaglalaruan.

"Tama na nga iyan." Awat ni Kendal.

"Hyrie, saan ka ba kasi nanggaling kanina?" Kalmadong tanong ni Dark.

Nagulat ako nang biglang magtanong si Dark. Nilingon ko siya at nakitang seryoso siyang naghihintay ng sagot ni Hyrie; akala mo ay napakaseryoso niyon at kailangan niyang malaman.

Pasimple ko nalang inirapan si Hyrie. Pumikit ako ng mariin para pakalmahin ang sarili. Magaling akong magtimpi at ipakitang wala akong pakielam sa nangyayari sa paligid ko, pero mukhang unti-unti yatang nababago iyon at hindi ko hahayaan na sila ang magiging dahilan.

"Hyrie and I got stucked in the elevator." Si Blake ang sumagot.

"Wow." Kendall scoffed. "Ang epal naman!"

"Excuse me?!" Nag taas bigla ng boses si Blake.

"Uhm, you're excused?" Sarkastikong sabi ni Kendall.

Pasimpleng tinatap ni Dark ang balikat ko. Alam ko kung bakit niya ginagawa iyonㅡ nararamdaman niyang nauubusan na talaga ako ng pasensya, which is new. At kaunti nalang ay sasabog na ako sa inis.

"Sinasabihan mo ba ako ng epal?" Inis na sabi ni Blake.

Tumingin ako sa labas. Nagsasayawan ang mga puno roon, tanda na malakas ang hangin sa labas. Parang kailangan ko yatang malanghap ang mga hangin na iyon para lang kumalma ako.

Ride or Die: Flame x DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon