Na

303 6 2
                                    


Na-aalala ko pa kung gaano katahimik ang wattpad life ko.

Nagbabasa lang doon, nagbabasa dito

Kinikilig ng kaonti sa mga linyahang paunti-unti.

Nang nakuha ng atensyon ko ang Love Song For No One na isinulat ni ate ulan o mas kilala bilang si pilosopotasya.

Wala nang pagkakataong tumahimik ang buhay ko

Nagkanda leche-leche na ang utak ko, nagulo ang dating maayos na loob nito.

Na aadik ako

Na aadik ako at hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Nakakalito

Nakakalito dahil hindi ko na alam ang gagawin ko

Ang mag review ba para sa exam ko o ang basahin ang storya na puro pantasya na kinahihiligan ko.

Nakaka

Nakaka rom-com yung kwento nila

Tipong romantic na nga naiiba pa

Tipong kinikilig ka na sana, bigla pang natawa

Maganda pala pagsabayin ang isang singer at writer

Ang isang utak na magulo at isang boses na kalmado

Nakakaazar

Nakakaazar na masyadong gwapo ang mababa at malamig na boses

Na parang Henehele sa lamig at samahan pa ng kislap ng mga matang pares

Nalinlang

Pitong taon akong nalinlang sa kumanta ng walang iba by ezra

Hindi pala lalaki ang bokalista, kung hindi babae pala ang kumakanta

Nalilimutan

Nalilimutan ko na babae pala siya

Sa tindig lalaki at sa boses niyang kay ganda

Pogi ba dapat ang ginamit kong salita?

Eh mapa babae o lalaki ay kanyang napapahanga.

Nandidito

Nandidito si Ms. Writer

Si Rayne, hindi ulan o bagyo man

Hindi kapangitan hindi rin kagandahan.

Namamangha

Namamangha masyado sa kanyang mga kwento

Na parang inilalayo ako sa pangit na reyalidad na ito

At tumakas nalang kahit panandalian lang ang lahat ng 'to.

Nakakatawa

Nakakatawa dahil sa dinarami-raming pwedeng tagpuan bakit sa C.R. pa nasimulan

Ang kwento nilang dal'wa na aking kinababaliwan

Na ang isang umiihi lang talaga at isang nagtatago sa mala zombie apocalypse na mga fans niya.

Naakakakilig

Nakakakilig at di ko alam kung bakit

Sa beh ba na kanilang tawagan

O sa mga titig ni Kaye Cal kay ate ulan.

Na parang si Rayne lang ang tanging nakikita niya, na parang siya lang ang tao sa mundo niya.

Na parang tumitigil ang ikot ng mundo ng isat-isa, na parang may sarili silang mundo na hindi alam ng iba. Na para lang talaga sa kanila.

Nakakaihi

Nakakaihi kasi kinikilig talaga ako sa chemistry nila.

Na kahit na fanfic lang ito, parang makatotohanan na.

Sa tugmang mga interview ni Kaye cal na kabilang sa kanilang istorya

Sa kanilang napag-uusapan na puro random lang talaga, pero bakit iba ang dating nito sa nararamdaman ko para sa kanila.

Nandidito na

Nandidito na ang punto na kailangan na nilang maghiwalay sa isat-isa kasi tapos na ang gabi nila

At kailangan ng iputok ang mumunting bula na nakapaligid sa kanila.

Ang isang rosas na hawak ni Rayne

At dalawang rosas na hawak ni Kaye Cal.

Nasasaktan

Ako'y nasasaktan na sa kanilang istorya

Hindi ko alam sa bidang babae kung ano talaga ang issue niya

Takot ba siya sa kung ano ang masabi ng iba tungkol sa kanila, o

Takot lang siyang mawasak muli at ipagkatiwala ang puso niya sa iba

Why can't it be, why can't it be the two of us, why can't we be lovers at only friends.

Bakit hindi pwede? Bakit nga ba hindi pwede? Dahil ba siya ay lesbian at ikaw ay isang babae?

Wala sa tamang panahon para sa pagkatao ng isa't-isa

Wala sa tamang pisikal na anyo ang kinabibilangan nila.

Tutol ang tadhana at ang mga tao sa paligid nila, ipinapakita na sinosuportahan ng iba pero hindi maiiwasan ang panghuhusga ng mga tao sa paligid nila.

Nang dahil ba sa sinasabi ng iba na ang babae ay para lang sa lalaki

Ang lalaki ay para lang sa babae?

Pakiusap! Nakikiusap, na itigil niyo na 'to

Sana ay wala nalang panghuhusaga

Sana tanggapin ng lahat kung ano at sino sila.

Pero ganon pa man,

Kailangang tanggapin ang katotohanan.

Na-na panaginip lang ang lahat ng ito

At malayo sa reyalidad na kinabibilangan niyo.

Sa mga nararamdaman ko para sa kwento, na naadik, nalilito, naazar, nalinlang, namangha, natawa, kinilig, naihi at nasaktan.

Itong mga pakiramdam na ito ay mananatili sa mumunting puso ko.

Na minsang nang naramdaman ang mga pakiramdam na ito, na minsan nang nabaliw at na adik ng ganito.

Gusto ko itong ibaon sa paglalakbay ko gusto ko itong itatak sa isipan ko,

Kasi alam kong mami-miss ko ang makaramdam ng ganito.

Kasi alam kong ang ilang oras lang ng pagbabasa, ilang oras lang na kilig, ilang oras lang ng pagka-adik.

Kasi alam kong sobrang sandali lang ang ilang oras.

sa haba ng buhay, na aking binabagtas. 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NaWhere stories live. Discover now