Chapter 4

786 34 3
                                    


Tamara Dilumaque


NANG makalabas ako sa banyo ay agad akong nagtungo kay Lourdes. Nakahalumbaba lang siya habang naghihintay sa akin mula sa labas ng kainan.

"Des, ayos lang ba itong suot ko?" pagkuha ko sa kanyang atensiyon.

Humarap siya sa akin at medyo natulala. "A-ang ganda mo, Tamara. Bumagay sa iyo ang suot mo," nakangiti niyang sabi.

"Salamat. Papasok na ako."

"Galingan mo, ha?" sabi ni Lourdes.

"Oo naman, para kina Amang at Inang."

Humugot muna ako ng hangin. Grabe, ang laki-laki talaga ng building. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa ganitong lugar. Siguro naman, puwedi pa akong umatras, ano?

"Hindi, Tam. Kaya mo iyan. Para ito sa amang at inang mo," pagpapalakas loob ko sa aking sarili. Mabuti na lang at nakatulong iyon para ipagpatuloy ko ang pamamasukan.

"Miss, puweding pakisuot ng I.D niyo?" pagpigil sa akin ng guwardiya.

"Wala po akong I.D manong, e. Mag-a-apply pa lang ho ako rito," sagot ko.

"Ah, ganun ba? Sige, samahan muna kita."

Sinamahan ako ni Kuya papunta sa mga babae sa harapan. May ibinigay silang I.D sa akin na may nakalagay na visitor's pass. Isinulat ko lang ang pangalan ko sa isang makapal na libro at saka pinirmahan ko iyon.

"Salamat, Kuya," pagpapaalam ko.

"Walang anuman, Miss. Good luck sa interview mo."

"Salamat po ulit!"

Namangha ako sa laki at ganda ng building. Sobrang lawak dito sa loob. Grabe, kakaiba ang ilaw nila. Nakakabit iyon sa kisame. 'Tapos may kanya-kanyang pwesto ang mga tao. Bawat isa ay may kompyuter.

Ang yaman naman!

Naglakad ako sa pasilyo. Nang may nakasalubong akong babae. "Ne, puweding magtanong?"

Nakangiting nilingon ako ng babae. "Ano 'yon?"

"Mag-a-apply sana ako, e. Alam mo ba kung saan dapat ako pumunta?"

"Ah, oo. Pumunta ka sa H.R Building 2. May nakalagay naman sa pinto. Diretsuhin mo lang ang daan na 'to. Nasa loob ang mag-iinterview sa iyo," paliwanag niya.

"Naku! Maraming salamat talaga, Ne."

Natawa siya ng konti. "I'm Murzhel by the way," pagpapakilala niya.

"Ang ganda naman ng pangalan mo. Ay, ako nga pala si Tamara," pagpapakilala ko sa kanya.

"Nice meeting you, Tamara," sabi niya nang nakangiti.

"Nice to meet you rin," sagot ko. Mabuti na lang at may baon akong kakaonting english. 

Nagpaalam naman ako kaagad sa kanya para magtungo sa sinasabi niyang kwarto.

Sandali lang akong naglakad-lakad nang makita ko ang itinuro niya.

 H.R Building 2.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

"G-good morning, M-miss," nauutal kong bati sa babaeng nasa loob. Medyo nakaramdam na ako ng kaonting kaba.

"Good morning, too. Can I have your resumé?" tanong ng babae pagpasok ko pa lang.

"W-wala po akong dala na r-resumé. Pasensiya na po kayo," nakayuko kong sabi.

"Miss, we need your resumé. You can go back here if you already have a resumé with you," nakangiti niyang sabi sa akin.

"O-okay po. Naiintindihan ko po," nakahalumbaba kong sagot.

Lumabas ako sa kwartong iyon na laglag ang balikat. Hindi pa nga ako nakakapagsimula, mukhang hindi talaga para sa akin ang trabaho na iyon.

"Tamara?" napaangat ako sa aking ulo. Nang marinig kong may tumawag sa ang aking pangalan.

"Lolo Zandro?" gulat kong tanong. Siya 'yong matandang tinulungan kong makababa sa bus.

"Ikaw nga, Tamara. Akala ko ay namamalik-mata lang ako. Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Mag-a-apply ho sana ako, e. Kaso wala po akong dala na resumé," malungkot kong sabi.

"Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa iyo," nakangiti niyang sabi.

"Po?"

"Halika, sumama ka sa akin sa itaas," anyaya sa akin ni Lolo Zandro. Ang nakilala ko sa bus habang bumabiyahe kami ni Lourdes papunta rito sa Maynila. 

Sumama ako kay Lolo. Nagtaka nga ako sa suot niya ngayon. Masyadong pormal. Ibang-iba sa suot niya nang makasabay ko siya sa bus na simple lang.

"Ito ang opisina ko. Maupo ka muna," aniya.

"O-okay po."

"So, tell me something about yourself," seryoso niyang tanong.

Si lolo ang mag-iinterview sa akin. Mas okay na ito. Kasi mas komportable ako sa kanya.

"Ako po si Tamara Dilumaque. 22 years old. Nakatira sa Sitio Pantihan. Top 1 po ako sa klase namin. Tatlo kaming estudyante at nagback out 'yong isa. Bale, dalawa na lang kami ni Lourdes ang magkaklase. Siya naman po ang Top 2."

Nakita ko pa na medyo pinipigilan lang ni Lolo na matawa. Seryoso naman ako sa sinasabi ko, ah?

"Okay, good. What is your strength and weaknesses?"

"Sina amang at inang po ang lakas ko. Kaya po ako lumuwas ng Maynila upang maipagamot ang amang ko. May sakit po kasi siya sa puso. Hindi ko po kayang makita ang isa sa mga lakas ko na nakaratay s-sa higaan at nanghihina." Pinunasan ko muna ang luha ko, bago nagpatuloy. "...ang kahinaan ko naman po ay— English. Hindi po ako masyadong magaling sa lengguaheng iyon. Napag-aralan ko naman po ang English sa eskuwelahan, kaso alam kong hindi pa rin po sapat ang kakayahan ko. Limitado lang po ang alam ko sa English."

"It's okay, Tamara. Hanga ako sa mga kagaya mo. So, you are hired. Ikaw ang hinahanap ko. With that determination you have. I know you will be successful in the future," nakangiti niyang sabi.

"S-salamat po talaga, Lolo Zandro!" naiiyak kong sabi. Napayakap pa ako sa kanya.

"You deserve it."

"P-pasensiya na po. Napayakap po ako sa inyo," paghingi ko ng tawad.

"Ayos lang, hija."

"Ay, si Lourdes pa po pala. Nasa labas po siya naghihintay sa akin. Mag-a-apply din po iyon dito."

"O, sige. Papuntahin mo siya rito sa opisina ko," aniya.

"Opo. Salamat po talaga! Ay, puwedi ho bang makigamit ng banyo niyo rito? Magpapalit lang po ako ng damit. Salitan po kasi kami sa damit na ito. Iisa lang ang pormal na dala namin."

"Oh, no need, Tamara. Kahit ano na ang isuot niyo."

"Salamat po talaga!" natutuwang sabi ko.

Napakabait talaga ni Lolo Zandro. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya.

His Naive GirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя