Chapter 21

127 9 0
                                    

21

Pagkamulat ng mata ko nakangiting mukha agad ni James ang nakita ko

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga

"Anong ginagawa mo dito?"

"Tuwing pupunta na lang ako sa inyo ayan ang tinatanong mo"

Nagkukunwaring tampo pa niyang sinabi

"Hindi naman, kaya lang ang aga mo kasi masyado. Wait lang nag breakfast ka na ba?"

Umiling lang siya kaya pinababa ko muna siya para makapag-ayos naman ako ng sarili ko

"Ma!" Tawag ko kay mama habang bumababa ng hagdan

"Wala ang mama mo, nasa trabaho na. Yung papa mo naman naghahanap ng trabaho"

"Ayos ah, alam na alam mo parang ikaw yung anak. Hahahaha" Biro ko sa kaniya

"Magiging parents ko na rin naman sila soon" sabi niya sa akin at kumindat pa

Never ata etong nag fail sa pagpapakilig sa akin eh. Even the simplest thing he does drives me crazy

"Kain muna tayo pinagluto kita"

"Talaga?"

"Oo, once in a life time lang ako magluto kaya ubusin mo yan"

Tinignan ko isa-isa ang niluto ni James

Sunog yung mga pinirito niya, yung fried rice ang daming bawang

Yung noodles sobrang lambot, na overcook ata

Natatawa na lang ako habang tinitignan iyon

He really tried hard para makapag luto although hindi niya yun ginagawa sa kanila

Nag-umpisa na akong kumain, masarap naman siya kahit papaano

"Ikaw, hindi ka ba kakain?"

"Nope. Makita lang kita kumain, busog na ako"

"Corny mo, umupo ka na diyan"

Ng matapos naman kumain siya na din ang nag presintang maghugas ng pinggan. Seryoso ano ba nakain nito at sobrang sipag?

Nilapitan ko siya at hinipo ang leeg at noo "may lagnat ka ba?"

"Wala."

"Eh bakit ang sipag mo?"

"Wala lang." Tumingin siya sa akin "i was just picturing our future, ganito tayo kapag off ko. I'm the one who's going to do the chores, i'm going to give you what you need"

He look around the house, at tumingin ulit sa akin "kulang na lang talaga ng kids"

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko, because of that

Nanood naman ako ng tv at pagkatapos niya maghugas ng pinggan ay tumabi na rin siya sa akin

"Ang ganda talaga ni Julia Barretto"

(An: girl crush ko siya. Sorry na! Hahaha)

Tinaasan ko naman siya ng kilay at bahagya akong tumalikod sa kaniya

Kunwaring nagtatampo, pero wala naman talaga sa akin yun. Maganda naman talaga siya e.

Sinandal niya yung ulo niya sa likuran ko at nagpatuloy sa panonood

Kinuha ko naman ang cellphone ko dahil may nagtext sa akin

Si Ray pala

"Punta ka sa bahay please?"

Nagreply naman ako agad ng bakit pero nakalipas na ang 10 minutes hindi pa rin siya nagrereply

Tumayo ako mula sa pagkakaupo

My Bestfriend's Girlfriend (completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin