The Demon Own My Heart

1.8K 129 148
                                    



"Jess, ingat sa pag-uwi." Sigaw ng kaibigan ko habang naglalakad sa kabilang direksyon. Katatapos lang kasi ng shift namin sa isang maliit na kainin bilang mga server nila.

"Ingat din Nika." Sigaw ko pabalik at kumaway pa na ginantihan niya din naman at may kasama pang flying kiss. Napailing na lang ako at natawa ng bahagya.

Kaya naman nakangiti akong naglakad pauwi sa amin. Madilim ang daanan pero sanay na ako dito dahil ilang taon ko na rin itong ginagawa. Bata pa lang ako, ako na ang bumuhay sa sarili ko kaya alam ko ang kumayod. Maaga kasi akong naulila at wala na akong pamilyang pwede kumuha sa akin at mag-aaruga. Buti na lang at mababait ang kapitbahay ko dahil kahit paano ay natutulungan nila ako sa pagkain.

Isa akong working student. Nag-aaral sa umaga, nagtatrabaho sa gabi. At hindi na bago ang araw na ito sa akin maliban sa ang daming customers kanina dahil sa Valentines.

Daming nagdedate lalo na mga teenager na murang pagkain lang ang kayang bilhin. Ayos lang din para may kita naman yung amo namin at mapasweldo kami. Ang bait niya din kasi sa aming mga nagtatrabaho sa kanya. Minsan may pabaon pang pagkain lalo na sa wala talaga na tulad ko.

At dahil nga walang-wala ako, nilalakad ko na lang ang daan kahit saan man ako pupunta. Kalahating oras din ang lalakarin ko papuntang bahay pero papasok pa ako ng looban mga kinse minutos. Squatter's area kasi kami kaya masikip ang daan at maraming nakaharang kaya medyo matagal bago makapunta sa amin.

"Miss, pumayag ka na. Alam naman nating masisiyahan ka eh." Nagulat ako ng may narinig akong boses mula sa isang eskinita. Ang tahimik na ng gabi kaya narinig ko agad yun lalo na ang tawa nilang mala-demonyo.

Ang kaninang masaya kong mukha ay napalitan ng takot at pangaba. Takot para sa akin na baka madamay pa ako at mapahamak, at pangamba para sa babae na hindi ko naman kilala pero dahil babae din ako at naranasan ko din ang sinasapit niya ngayon.

Narinig ko pa ang tawanan nila. Naawa ako sa babae kaya naman naghanap ako ng pwede panglaban sa kung sino man ang nasa loob ng madilim na eskinitang iyon.

May nakita naman akong dos-por-dos kaya dali-dali ko ito kinuha ay dahan-dahan ang galaw ko na lumapit kong nasaan sila. Dapat hindi nila ako mahalata kung gusto ko pang mabuhay.

At sa pagsilip ko, napanganga pa ako. Hindi ko akalaing siya ang pinagtawanan ng mga ito.

Si Clio Stanton.

Ang girl crush ko dati pa or sabihin na nating, lihim kong iniibig. Mabait siya sa lahat lalo na sa akin. Always niya nga akong nililigtas sa mga bully sa school.

Naalala ko pa:



"Itigil niyo yan." Mautoridad na sigaw ng babae ang narinig ko habang ako ay nakadapa at puno ng samu't saring pagkain na pinagtatapon nila kanina sa akin. Nandito kasi ako ngayon sa cafeteria na dapat kukuha lang ako ng notes na hiniram ng kaklase ko. Yun pala, plano nilang lahat ito.

"M-miss Pres?" Narinig kong bigkas ng isa sa mga nambully sa akin. Halata ang takot sa boses nito. Lahat kasi takot sa kanya mapalalaki man o babae, mayaman man o mahirap.

The DEMON Own My HeartWhere stories live. Discover now