OneShot

12 1 2
                                    


Naranasan mo na bang kumain ng Ice Cream?

Oo ice cream.

Halos lahat ng bata ay kumakain ng Ice Cream.

Pero may kakilala akong hindi kumakain ng Ice Cream.

Hindi niya nga alam kung anong tawag dito.

Weird niya no?

Well, ganun talaga siya.

...

Nagkakilala kami sa isang parlor.
Ang gulo gulo ng buhok niya.

Magpapaayos ata.

Pero nagkamali ako, dahil janitress siya rito.

Bata pa siya.

Kasing edad ko lang.

Mahabang buhok,
Mapungay na mata,
Matangos na ilong,
Manipis at mapulang labi
Maputi ang balat
Makinis

Sa sobrang titig ko sakanya,

Nabangga ko siya.

Kaya naman nung araw na yun ay todo hingi siya ng pasensya kahit kasalanan ko naman talaga.

Kaya bilang ganti sa kanya.

Nilibre ko siya ng ice cream.

Sa tapat kasi nung parlor na yun ay may ice cream house.

"Ano to?" Nagtatakang tanong niya sa akin nung inabot ko na yung ice cream.

Sinagot ko siya ng

"Ice Cream."

Pero lalo siyang nagtaka.

"Ayskrim?"

At doon ko nalaman na hindi nga niya alam kung ano ang Ice Cream.

At iyon daw ang unang beses niyang kumain nun.

Kaya naman,

Lagi ko siyang pinupuntahan sa parlor kung saan siya nagtatrabaho.

At nililibre ko siya ng Icecream.

Lumipas ang ilang buwan ay niligawan ko siya.

Naging kami.

Laking tuwa ko nung araw na yun.

At dahil kami na.

Mas napadalas ang pagkain namin ng Icecream.

Tumagal kami ng tatlong taon.

At ngayon, iniwan na niya ko.

Kasama na siya ni Lord.

Oo. Kasama na siya ni Lord sa langit.

Siguro'y nagtataka kayo kung anong nangyari.

Dahil sa madalas na pagkain namin ng Ice cream ay inubo siya.

Simpleng Ubo hanggang lumala na.

At yun ang ikinamatay niya

Sobrang nagsisi ako.

Dapat hindi ko nalang siya pinakain ng Ice Cream para di siya inubo..

Ice CreamWhere stories live. Discover now