Chapter 66

3.4K 50 3
                                    

HISTAN'S POV

Pinaharorot ko nang sobrang bilis ang kotseng sinasakyan ko. Kinakabahan ako na natatakot sa maaaring gawin ni Sandy kay Miah.

Damn that girl, hindi pa siya nadala sa ginawa ko sa kanya, talagang namumuro na siya.

Hindi pa tapos ang meeting ko sa mga client pero hindi ako mapakali at natatakot ako na hindi ko malaman ang dahilan until I recieve Ninas text, that Sandy was armed by gun and marami siyang kasamang mga kalalakihan and Miah is in danger. Damn it, sana kanina pinakansel ko na ang meeting kahit pa mawala ang mga client ko, sana tinuloy ko na lang ang surprise ko para kay Miah edi sana hindi mangyayari ang bagay na ito. Edi sana nasa tabi niya ako ngayon at sana hindi nangahas ang Sandy na iyon na gawin ito.

Sa huli nga ang pagsisisi. Nakakainis. Gustong gusto ko nang makarating agad don sa resort pero geeez ang tagal pa nang biyahe.

Hindi ako mapakali, hawak ko nang mahigpit ang manibela habang binibilisan pa ito lalo.

At after nang halos isang oras nakarating na din ako.

Hinarang agad nang mga kalalakihan ang kotse ko pagpasok ko nang resort. What the hell is this. Mabilis akong bumaba pero napataas ako nang dalawang kamay nang makita na may baril na nakatutok sa akin.

"Sino ka?" Usisa nang isang lalaki.

"Histan Samonte. Where's Sandy? Asan ang boss niyo?" Mariing sabi ko habang tinitingnan sila nang mabuti. Nagkatinginan pa sila at nagsenyasan. Hinawakan ako sa braso nang isa.

"Ano ba. Sabihin niyo na lang kung asan ang amo niyo." Bulyaw ko sa kanila.

"Huwag kang gumawa nang masama dahil ipuputok ko 'to sa ulo mo." Anang isa na sinamaan ko nang tingin. Mga walang hiya.

"Hoy, anong ginagawa niyo? Bitiwan niyo siya." Napatingin ako sa entrance nang resort si Daisy, tumakbo ito papunta sa akin.

"Histan. Bitiwan niyo siya." Sigaw nito sa mga lalaki.

"Maam, sabi po ni Maam Sandy kapag dumating ang nagngangalang Histan ay hindi namin papayagang makapasok sa loob hangga't hindi niya sinasabi." Anang isa. Kumunot noo ko na nakatingin kay Daisy.

"Damn that. Bitiwan niyo nga siya sabi ehh. Akong bahala kay Sandy." Ani Daisy sabay hila sa akin.

"Dalian mo Histan." Aniya habang hila ako papasok nang resort. Natigilan ako nang makitang may mga taong nakadapa at halata ang takot sa kanila. Nanlaki mata ko nang makita sina Pijey at Alex na may tama nang bala sa hita at braso.

"F*ck. Alex. . Pijey." Mabilis ko silang nilapitan.

"Histan. Bro buti dumating ka. Si Miah." Ani Alex.

"Histan, dalian mo na. Naiwan si Miah kasama ni Sandy sa back door. Bilisan mo." Hinila ako ni Daisy patayo.

Napatingin ako kina Alex.

"We will be fine. Malayo sa kamatayan." Anang Pijey.

"Dalian mo na baka anong gawin ni Sandy sa kanya." Anang Alex.

Tumango na lamang ako at mabilis na tumakbo sa back door.

"Histan hindi diyan, dito ang daan." Anang Daisy na nakasunod pala sa akin, tumigil ako sa pagtakbo at sumunod na kanya.

"Damn, ano bang pumasok sa kokote ni Sandy?" Aniko.

"She was really angry Histan. Sa ginawa mo sa kanya." Anang Daisy. Kumunot na naman noo ko.

"Angry? Anong kinagagalit niya? She deserve everything happened to her." Turan ko naman. Ikinagagalit niya mga ginawa ko sa kanya? Ang iwan siya? Ang iparape siya? She deserve it, she wanted it kaya bakit siya magagalit? Damn that woman, immature, crazy desperate.

He OWNS Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now