Julia vs Kath

170 10 0
                                    

Julia's POV

..sa kotse..

Papunta ako ngayon sa bahay ni Daniel, pero hindi nya alam. Gusto ko lang sya sorpresahin, hindi ko to ginagawa dati ewan ba parang feeling ko kase mawawala sya sakin pag hindi ako kumilos. Madaming babae ang umaaligid sa kanya, baka magbago ang pananaw nya sa buhay at maisipan magka girlfriend, pano na ko?. Dapat ako ang una at huli nyang maging girlfriend.

Nandito na ko sa kanila.

Daniel..... nasa may gate na ko

Daniel..... wala ba sya? pero nandito yung motor at sasakyan nya.

Daniel.... nilakasan ko na boses ko baka nasa taas lang sya at di ako naririnig.

Pero wala pa din, kaya binuksan ko na ang gate at pumasok na ko. May naririnig akong ingay sa loob, tv siguro yun. Malakas ba masyado pinapanood nya kaya hindi nya ko narinig?.

..knock knock..

Daniel, si Julia to... tawag ko ng nasa may pinto na ko.

Narinig ko na may papalapit na sa pinto, kinakabahan ako ah hindi excited pala. Ganto kase nararamdaman ko pag makikita ko na sya.

Hi.. boses ng isang babae ang bumati sakin, pagtingin ko yung babaeng nakita ko sa set.

A-----nong gi----nagawa.... gulat na gulat ako.

Bigla kong nakita si Daniel nakasuot ng apron, mukhang nagluluto. Papalapit na sya, hindi ko maintindihan kung ano tong nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nagulat ako, naiinis, nagtataka, pero may konting ginhawa dahil nakita ko si Daniel.

Juls, napadaan ka... mukhang nagulat din sya dahil ba nandito ako o dahil nakita ko ang babaeng to dito sa bahay nya.

Pa--sok ka Juls, Kath sige na ako na bahala dito. umakyat yung babae, at natuloy kame sa living room.

Ahhmm napadalaw ka, may problema ba o ano? mukhang gulat na gulat pa din sya, ni hindi sya umupo.

Napatingin ako sa suot nyang apron, napansin nya siguro kaya hinubad nya yun.

Ah wala naman, may friend kase ako malapit dito kaya dumaan na ko at para ayain ka na din maglunch pero mukhang busy ka kaya sige next time na lang. tumayo na ko at lalabas na ng bahay.

Ayoko ng eksenang to, akala ko pipigilan ako ni Daniel katulad ng mga scene na ginagawa namen sa movie, pero hindi, sinundan nya lang ako palabas.

Daniel, bakit sya nandito? hindi ko napigilan itanong yun sa kanya.

Eh kase wala syang matutuluyan, tsaka diba pinsan ko naman sya kaya wala naman sigurong masama.gusto kong maniwala sa sagot mo Daniel pero parang may mali.

Kila Rj, diba pinsan mo yun bakit hindi sya tumuloy dun. Mas malaki at madami silang katulong diba. ayoko na sana magusisa pa pero hindi ko mapigilan hindi macurious.

Ahmm kase alam mo naman yung si Rj babaero baka magdala lang ng kung sino sinong babae sa bahay yun at mapahamak pa si Kath, tsaka sakin na din kasi sya ibinilin ng mom nya. sagot nya

Sige aalis na ko, naalala ko may pupuntahan pa kame ni Enrique eh. wala talaga kameng lakad ni Enrique. Ayoko lang na may maisip pang itanong sa kanya, ok na kong makita sya.




Nagpaalam na ko kay Daniel, hinalikan ko sya sa pisngi na karaniwan na namin ginagawa. Pero ang totoo, hindi ko naman dapat sya hahalikan, nakita ko lang yung babaeng yun, nakasilip sa may bintana. Gusto kong malaman nya na akin si Daniel, pinsan man sya nito o hindi. Sumakay na ko sa kotse at umalis na.










My Alien Girlfriend ( kathniel ... Julquen )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora