Part 3

13.3K 271 1
                                    


"ARE YOU sure you'll be okay there?" tanong ni Imee na kausap ni Neriza sa cell phone. "Alone?"

Bumaba siya ng kotse at sinalubong ng hanging-dagat. Malamig iyon, masarap sa pakiramdam. Bahagyang inililipad ang kanyang buhok. Parang musika ang tunog ng nag-uunahang alon sa dalampasigan. Ah. This was what she needed. "Imee, kaya ko ang sarili ko, okay? Kaya kong mag-isa. And, hello? Kaya nga hiniram ko sa 'yo ang beach house n'yo, eh, dahil gusto kong magmongha," biro niya.

Tumawa ang kaibigan sa kabilang linya. "Kung hindi lang kita kilala, iisipin ko na may problema ka."

"Oh, of course kilala mo ako. Alam mong sadyang nag-iisa ako kapag gusto kong magsulat. Siya, sige na. Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko. See you in two weeks, or, ten days. Basta I'll keep you posted. Okay? 'Bye."

"Okay. Tawagan mo ako from time to time, ha? Sige. Ingat. 'Bye. 'Love you."

"'Love you," ani Neriza bago pinutol ang tawag. Ipinamulsa niya ang telepono. Humugot siya ng malalim na hininga bago binuksan ang backseat at mula roon ay kinuha ang bag ng kanyang laptop at isang katamtamang laki ng traveling bag. May mga gamit pa siya sa compartment. Babalikan na lang niya iyon mamaya.

Alas-singko na. Tamang-tama, mayamaya ay lulubog na ang araw. Sunset in that particular place was so breathtaking. Manghang-mangha siya noong una niya iyong maranasan. That was three years ago. Pagkatapos niyon ay isang beses pa siyang nakarating doon.

Isinukbit niya ang traveling bag sa kanang balikat at binitbit ang laptop bag. Her car was parked on the driveway. Mamaya na rin niya iyon ipaparada sa garahe sa likod. Tinungo na niya ang sementadong pathway na maghahatid sa kanya sa beach house. Sa magkabilang gilid ng pathway ay pulos pinong buhangin na.

Narating ni Neriza ang bahay. There was an elevated porch. Gawa iyon sa kahoy at may mga hanging ferns na nakapalibot. Nang makaakyat sa balkon ay ibinaba muna niya sa isang tabi ang nakasukbit na travelling bag, pati na ang laptop bag. Lumapit siya sa kahoy na pasimano at nangalumbaba roon, hinangaan ang tanawin, dinama ang marahang paghampas ng hangin sa kanyang balat.

The place was great and she could compare it to Malibu, US. Nakikini-kinita niya ang sarili na nagsusulat sa porch habang may isang tasa ng kape. O kaya ay sa dalampasigan, kapag umaga at hapon na hindi mainit. It was a safe place after all. Alam niyang mga kilalang tao ang nagmamay-ari ng mga karatig na beach house.

Napansin ni Neriza na papalubog na ang araw. "Ah, beautiful!" bulalas niya. And then she grinned wickedly. Paano, na-imagine niya na may magkasintahang magkaulayaw sa tabing-dagat. They were both naked. And they just didn't care for the rest of the world because they were so busy making love. Nakagat ni Neriza ang ibabang labi. Sisiguruhin niyang mailalagay niya sa nobela ang ganoong eksena. Hot and wild lovemaking while the sun set.

"Okay. Time to get settled," aniya nang tuluyang mawala sa dako-roon ang haring araw. She looked for the front door's spare key. Nasa ibang bansa kasi si Imee kaya sa telepono lang siya nagpaalam na hihiramin ang beach house kung walang gumagamit. Bahay-bakasyunan lang naman kasi iyon. Sabi naman ng kaibigan ay walang gumagamit niyon sa kasalukuyan at puwedeng-puwede niyang hiramin.

Ayon pa kay Imee, kapain daw niya ang ilalim ng kahoy na pasimano, sa bandang kanan ng hagdan. May makakapa raw siya roon na maliit na kawad na nagsisilbing holder ng susi. Nakapa naman niya ang kawad. Napakunot-noo si Neriza. May nakakapa siyang kawad pero walang susi. Yumuko siya at tiningnan iyon nang maigi. Wala talaga ang susi.

"What the hell..." usal niya at hinugot mula sa bulsa ng pantalon ang cell phone para tawagan si Imee.

"Who are you?!" sabi ng dumadagundong na tinig.

Sa gulat ay nabitawan pa niya ang telepono.


Neriza's Fantasy (Erotic Romance)Where stories live. Discover now