Chapter 34

985 36 18
                                    


Alyssa's POV

"Ly, uwi na tayo. Anong oras na. Magsasara na tong resto." Aya sa akin ni Bang.

Hindi naman ako nagpatinag sa pagkakasubsob ng mukha ko sa nga pala ko. Naiiyak ako sa galit. Nanginginig ako at hindi ko na alam ang magagawa ko kapag nagpakita siya sa akin ngayon.

How could she forget? I asked her a week ago kung pwede ko siyang idate sa araw ng birthday niya. I texted her all day at ni isa wala man lang reply. Talaga ba? Imposible nakalimutan niya lang. Malamang, kinalimutan.

"Ly." I heard Jov's serious and manly voice this time. "Get up. Puntahan mo siya and ask her why."

"Mag aaway lang kami." Walang gana kong tugon saka tumayo. "Mukha akong tanga. Ako na ang pinaka epic fail mag isip ng birthday surprise!"

Ilang linggo ko ring niligawan ang mama ni Bang para pumayag na ireserve ko for three hours tong fine dining resto nila. Ang tagal naming pinagplanuhan lahat ng dapat sana eh mangyayari ngayong gabing to. Pero ano? Putsa! Hindi siya dumating! Ni isang text galing sa kanya wala!

Hindi rin naman ako nag aaalala sa kanya dahil sabi ni Ria nasa loob lang ng kwarto at nagkukulong. Sinusubukan niyang katukin pero pinapaalis lang siya. Ano naman bang problema niya?

"Jovee's right. Puntahan mo na." Dugtong pa ni Ella.

"Sa araw araw na mas nakikilala mo siya mas lalo ko siyang inaayawan para sayo." Biglang sabi ni Jovee na nagpabigla sa akin. "Napakapabebe." Dagdag niya pa.

"Jov, you're talking about my girlfriend!"

"Oo, yung girlfriend mong isusurprise mo na nga, inindian ka pa!" Sagot naman niya."Come on, Ly. Admit it, she's not the perfect lady you thought her to be."

I clenched my jaw upon hearing what Jovee said. Ano bang trip niya't ganyan siya makapagsalita kay Mika?!

"At pati si Bang pinagseselosan niya na? Grabe lang. Baka sa susunod si Ella na? Geez. It really is a wring decision to he in a relationship with a woman who's so much older than you. Masyado ka niyang kinocontrol, Ly." Dagdag niya pa.

"Jovee, tama na." Saway sa kanya ni Bang. "Alyssa loves her so we should respect that!"

"Yun naman ang mahalaga... Mahal niya ko, Jov. She's like that because she loves me. At mahal ko rin siya. Yun ang mahalaga." Sagot ko saka lumabas nang derederetso.

I immediately started the engine of my car at pinaharurot iyon papunta sa bahay nila Mika. I glanced on the passenger seat and saw my big surprise for her, sleeping calmly. Isang siamese cat. I know how much Mika loves cats and dogs kaya wala na kong iba pang naisip na iregalo.

I texted Ria as soon as I arrived outside their house. Pinagbuksan niya naman ako ng gate at pinto. Nakasimangot at ang bungad niya sa akin.

"Kanina ko pa gustong kaladkarin si Mommy patayo at sabihing may surprise na naghihintay sa kanya but I can't kasi hindi na surprise yon." Mahaba niyang paliwanag. "I'm sorry Ate Ly."

"Ba't ka nagsosorry? Hahahah." Sabi ko saka inilabas yung pusa mula sa passenger seat.

"Oh my!" Napatakip pa siya ng bibig. "Boy or girl?!"

"Boy." Nakangisi kong sagot.

"Okay, Tonio ang pangalan niya!" Tuwang tuwa niyang sabi saka akmang kukunin.

"Hep, hep! Wag excited miss, iaakyat ko muna to sa nanay mong tinotopak ah!"

"Hmp. Sige na nga. Sigurado bati agad kayo pagkakita niya niyan!"

I Wouldn't MindWhere stories live. Discover now