CHAPTER VI - Closer

2.9K 96 1
                                    

A/N: Sorry about the typos or wrong grammar (if there's any). Enjoy. ^^


==================


Georgina Reyes

Nagising ako ng sobrang aga kinabukasan na sobrang foul ang mood. Another day has come, but another duty awaits me. Dammit. Sino ba ang matutuwa sa paggising sa umaga kapag gano'n ang bubungad sa'yo?

"Oh. San ka pupunta?" tanong ni kuya pagbaba ko sa hagdan. Sumama ang tingin ko sa kanya. Nagmamaang-maangan pa siya gayong alam naman niya kung bakit?!

Huminga ako ng malalim at sinubukan kong ibahin ang mood ko. "Wala naman.. Magaaliw-aliw ako hanggang sa mapagod ako." Ngumiti ako pero nawala rin iyon agad. Nakakainis lang kasing isipin na 'tong kuya ko, hindi ako pinapalampas sa ganito. Walang konsensiya! Hmp!

"Really..." sinipat niya 'ko mula ulo hanggang paa at agad na nangunot ang noo ko sa tingin niya. "Sa skul? Sige. Pagbutihan mo." Sabay balik ang tingin sa newspaper at napahigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko sa sobrang inis! Kung pupwede lang talaga kanina ko pa napitas 'tong tali! Ayy leche talaga!

Arrrgh! Sumusobra na si kuya! Kapatid niya ako okay? Hindi ako isang alipin! How can he be so calm when I'm HERE suffering from his doing!? Sinasabi ko na.. God forbid me dahil kung hindi ko lang talaga 'to kapatid eh baka matagal ng nakatikim sa'kin! Hayst! Kumukulo ang dugo ko sa inis!

"Arrgh!" mabigat ang mga paa ko nung lumabas ako ng bahay. Sinadya ko 'to. Dahil gusto kong maramdaman niya kung gaano kabigat 'tong nararamdaman ko ngayon!

Naglakad ako paalis at dumiretso na 'ko sa skul. At dahil wala akong service ngayon, sumakay na lang ako ng jeep papunta ro'n. Malapit lang naman 'yon actually, pero dahil mainit, nagcommute na lang ako.

Nung makarating ako sa skul. Syempre walang tao. Hello? Saturday ngayon. Sino ba naman ang tatambay dito ng weekend? Syempre kami. Oo kami. Kami ni Hunter. Tch. Bwiset kasi 'yon eh. Kung hindi dahil sa kanya, hindi naman mangyayari 'tong parusang 'to! Akalain mo ba namang matatapos na lang kami eh may dumagdag pang isa sa duties namin?! Tsk. Malaking kahibangan!

Pumasok ako sa room saka ako nagtuloy tuloy sa loob. Ang sabi sa'min. Maglinis. Pero hindi ko naman alam kung anong lilinisin pa namin samantalang nakapaglinis na kami kahapon. Pambihira naman oh!

"Oh. Ba't ang tagal mo?"

Lumingon ako at nakita si Hunter. "Wow haa. Nahiya ako sa'yo, ang aga mo eh no?" sarkastik kong sabi. Kung makapagsalita ang isang 'to! Eh nauna kaya 'ko rito!

"Excuse me. Pero nauna akong dumating dito. Nakatapos na nga ako ng nililinis."

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Reaaally?" wow ah, pa-impress ba ang isang 'to? May nalinis na raw. Pero saan naman?

Nagbalik ang tingin ko sa loob. Hindi kaya malinis dahil sa unggoy na 'to? Pero sabagay, kung maaga man ito, hindi na 'ko magtataka. Baka nga dito pa siya nakatira. Eh diba kanila naman yung skul?

Nagpatuloy ang pagpasok niya hanggang sa marating niya ang teacher's desk. Sa gulat ko, kumportable siyang naupo ro'n.

Wow ah. Feeling talaga ang isang 'to.

Binuksan niya yung dala niya at nakita kong pagkain pala ang mga 'yon. Bigla siyang tumingin sa'kin at eksakto namang nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Want some?" nakangisi niyang tanong nung buksan niya iyon. Kumalam tuloy ang tiyan ko sa mga nakita kong pagkain at halos paborito ko ang mga iyon. At dahil wala naman akong hiya, lumapit ako at nakijoin sa kanya. And despite of the fact na hate ko ang lalaking 'to, marami rin ang mga bagay na nagkakasundo kami. Gaya nito.

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon