Chapter Eight

157 7 1
                                    

Disclaimer:
I do not own Kuroko no Basket. I only own my OC and others.

Bonding with my Buddies

IYA’S POV

A night to remember talaga ang nangyari kagabi. Never kong inasahan na mag-sosorry ang isang katulad ni Akashi Seijuro na mala-diktador kung kumilos pero bansot naman haha Kurumo tandaan mo okay na relationship niyo di ba? Haha Ang bad ko talaga. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school. Akala ko magiging normal ang umaga ko, pero bigla kong nakasalubong ang abnormal sa tangkad na center sa basketball team ng Teiko Middle School.

“Kuru-chin, *munch* Good Morning”

“Good Morning, Murasakibara-kun.Teka Kuru-chin? Weird naman ng nickname ko. Haha Umagang-umaga kumakain ka na Mauibo. Hindi kaya magkaroon ka ng toothache?”

“Nilalagyan ko ng –chin ang dulo ng mga taong close ko. Wag ka mag-alala nagbabrush ako ng teeth three times a day para wala akong toothache.”

“Ah….ganun ba. Hulaan ko. Advise yan ni Akashi-kun no?”

Ang alaga naman niya sa mga player niya. Unti unti ay nakikilala ko na kung sino talaga si Akashi-kun.

“Oo siya. Siymepre no. 1 reason niya ay para manalo ang team”

Haha sabi ko nga eh =w= Akashi Seijuro will always be Akashi Seijuro.

Yung time na naglakad kami ay ginugol lang namin sa pag-uusap tungkol sa pagkain, specially sweets. Syempre ang Sweets Titan ba naman ang kasama ko. Nakarating kami sa tarangkahan XD ng Teiko at binate ng isang pamilyar na tinig.

“Iya, Atsushi, Good Morning”

“Good Morning, Aka-chin”

“Good Morning Aka—“

“Sabi ko di ba Sei-kun na ang itawag mo sa akin?”

Seryoso pala siya. Akala ko may tama lang siya nung mga oras na nag-usap kami ng masinsinan. Ngayon pinangatawanan niya ang sinabi niya. Akashi Seijuro: Ang lalaking may Palabra de Honor (Isang salita)

“Ah…..oo nga pala nakalimutan ko eh. Sorry po ^.^ Okay Take two: Good Morning SEI-KUN. Ayan diniin ko na para intense”

“Teka are you mad at me?”

“Murasakibara-kun pakidala na lang ako sa infirmary pag hinimatay ako dahil sa nose bleeding”

“I found out recently na walang nagnonose bleed sa pakikinig sa English, Iya. Kaya hindi ka magnonose bleed”

Haha sineryoso niya yun? Haha wala talaga itong sense of humor.

“Meron akong sense of humor, Iya. Sige aalis na ako. Magkita na lang tayo sa classroom at make sure na hindi mag-iingay ang mga classmate natin at walang gulo. Okay?”

“*salute ala Shingeki no Kyojin* Hai Sei-kun!”

Umalis na si Sei-kun at iniwan kaming dalawa ni Murasakibara-kun.

“Iya na ang tawag niya sayo, Kuru-chin”

“Ano namang meron kung tatawagin niya ako sa first name ko, Murasakibara-kun? Hindi ba normal lang yun?”

“Ang mga taong tinatawag ni Aka-chin sa first name nila ay ang mga taong ina-acknowledge niya.”

Acknowledged? Teka anu yun?

“Murasakibara-kun, ano ibig sabihin ng acknowledge?”

“Ewan ko Kuru-chin. Narinig ko lang kay Aka-chin dati. Explanation niya.”

Seizing the Emperor's Heart [Heavy Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon