MY IMPOSSIBLE LOVE STORY

88 1 0
                                    

Hello! welcome to MY IMPOSSIBLE LOVE STORY or M I L S :) ( okay, masagwa hahaha) Sorry po dinelete ko po yung story ko na BAKIT DI NALANG. Anyway po, salamat ng marami dun sa mga nabasa ko'ng mga stories dito sa wattpad kasi po sobrang nainspire ako gumawa :) Anyway po, wala naman po sanang gumaya saking work or kopyahin ito with any means kasi po ILLEGAL po iyon :) maawa naman po kayo saakin PUYATAN PO ITO!! NAKA ILANG MULTI TASKING NARIN PO AKO DAHIL DITO hahaha :) Pero isa lang po, VOTE AND SHARE niyo po :) 

"OMG!!! POST MO NA SA WATTPAD ASAP HUHUHU" yung isa po sa babies ko 

"ANG GANDA! BASTA AKIN LANG SI ENZO HA??!" isa din po sa babies ko 

oh sige tama na arte at mag tatype na ko hahaha.. 

- Kie  hart hart hahaha

--- <3

PROLOGUE 

"Gabi na ah, bakit ngayon ka lang gumagawa ng homework?" tanong ni Mama saakin " ah ma, nakatulog po kasi ako" sagot ko naman kay mama "Tapusin mo na 'yan Kyle at matulog ka na, may pasok pa kayo bukas" sabi ni Mama at lumabas na ng kwarto ko. Ganito lang kami sa bahay namin, tahimik. Panay kasi kami babae. Kung tinatanong niyo naman kung nasaan yung papa namin, wala na siya. LUMIPAT KASAMA YUNG BABAE NIYA. . Tinuloy ko naman ang pag gawa ng homework ko dahil sure ako gagamitin namin to sa quiz bukas.  "Ay kabayo!" gulat na pag kakasabi ko nung nag ring ang cellphone ko, "Ehrah Mae Babes ko"  yun yung name ng bestfriend ko sa phone ko, agad ko namang sinagot yung tawag na iyon at "Ahhhhhhhhhhhh!!! Oh MY GASH!!! Kyle Avery Sanchez Montevilla!!" Tili ni Ehrah sa kabilang linya. Talaga namang buong pangalan ko talaga..  " Hoy Ehrah, kung mambubulabog ka lang diyan,  baka naman pwedeng paki tigilan mo? !" sigaw ko sakanya dahil nga wala ako'ng time at gumagawa ako ng homework namin.. "Best!!! may concert ang Evening Air dito sa Philippines!! OH-Em-GEE!!!" Pero ganyan lang ang mga naririnig ko kay Ehrah.  "Ah, okay." sagot ko sakanya na walang kagana gana.  "Bestfriend ko'ng maganda, punta tayo... pleaaase??" pakiki usap ni Ehrah saakin. "AY-O-KO" pag mamatigas ko'ng sabi sakanya. "Sige na Kyle.. Pleaaaaaaaaase?//" pag pupumilit nanaman niya saakin. "Pwede ba Ehrah?!, kung tapos ka na sa homework natin sa Filipino, matulog ka na! hindi yung nambubulabog ka" iritadong sabi ko sakanya. "Best sige na please?? , libre ko yung concert ticket" pag pupumilit niya.  "BAHALA KA NA NGA EHRAH!" pag kasabi ko nun ay inend ko na yung call..  1:00 na nung matapos ko yung homework namin. Binuksan ko yung twitter ko  at tinignan yung mga trending topics, at number one doon ang  We Love Eving Air .. 

Nagising ako ng 4:30 at naeigo na ako agad, 6:45 kasi ang class assembly, at mabagal pa naman ako'ng kumilos. Di kami sabay pumasok ni Ehrah dahil sa ibang village siya naka tira. 5:15 ng makarating ako sa sakayan ng jeep "Uy alam mo ba, may concert daw ang Evening Air dito sa pilipinas" sabi nung katapat ko'ng babae sa katabi niya, friend niya siguro. "Oo nga eh, makikita ko na si Enzo Brooks!" sabi naman nung kaibigan niya. "Kabataan talaga ngayon" narinig ko'ng bulong ng katabi ko'ng matanda.. Hay nako nay, kung alam niyo lang ho, pati bestfriend ko DIE HARD FAN ng bandang iya.. "Pupunta tayo ah?"  sabi ulit nung babae kanina "naman!" paniniguro naman nung isa.  "Manong para po" sigaw ko. 

Pag pasok ko sa school, diretso ako sa locker ko at kinuha yung mga libro ko for today ng biglang "BOO" may tikbalang na nanggulat saakin.  "hahahaha sorry Kyle!" tatawa-tawang sabi niya, "pulutin mo 'yang mga yan!" utos ko sakanya na sobrang naiinis at umiling iling naman siya "HOY NATHANIEL RAMOS! HIYANG HIYA NAMAN AKO SA'YO NO? IKAW NA NGA NAKALAGLAG AKO PA PUPULOT?! BWISIT KA! PULUTIN MO 'YAN!" sigaw ko sakanya "Opo" sagot naman niya at pinulot na ang mga nahulog na libro.

Pag pasok ko ng classrom ay umpo na ako agad sa upuan ko, kaka pasok lang din ni Ehrah. "Hi Best!" masayang bati nito saakin "Hello" plain na bati ko sakanya "Bakit ang saya mo ata?" tanong ko ulit sakanya "guess" masayang sabi niya saakin and she even sticked her tongue at me!  "Ano nga?!" iritadong tanong ko sakanya "Calm down hahaha, anyway, I BOUGHT THE TICKET!!" masayang sabi niya saakin. " I bought the tickets online" pag tutuloy niya ng sinasabi niya "ah.. sige" sagot ko lang sa 'kanya.  "The concert is three months from no, and... VIP tayo best!! Para naman kitang kita natin sila" Yes! mayaman kami netong si Ehrah,  pero.. nag co-commute din naman kami katulad ng iba. kahit single mother si Mama eh nakakaya niya parin kaming buhayin ng kapatid ko. Luckily dahil walang nakaka rinig saamin, nasa labas kasi hlos lahat ng laman ng classroom ngayon.  "Magkano yung VIP ?" tanong ko sa kanya " 40K, tayong dalawa na yun, tapos VIP pa, sa pinaka harap tayo" sabi niya while eating her chocolate bar.. "ANG MAHAL BEST!" sabi ko sakanya "Medyo, pero okay lang" sabi  naman neto.  Napa simangot ako ng pumasok na ang ASUNGOT sa buhay ko.. NATHAN.. Kaya tumawa naman si Ehrah, "Ano nanamang ginawa niya sayo?" tanong niya saakin  "Ginulat niya ako kanina sa may locker, kaya nahulog yung mga libro na hawak ko" sabi ko sakanya at natawa siya.  "Ano'ng tinatawa tawa mo diya? ha?!" inis na sigaw ko sakanya.  " Kasi naman, lagi nalang kayong nag aaway best!, baka mamaya kayo na pala   di niyo lang sinasabi "  sabi niya habang tumatawa tawa pa siya.. i glared at her.. "Joke lang po" sbi naman niya with that calm down tone of voice. 

---

OKAYYY.. PROLOGUE DONE. I'LL UPDATE TOMOROW OR MAYBE LATER TODAY. HOPE YOU GUYS LIKE IT. AND PLEASEE VOTE AND SHARE. LOVE YOU GUYSSS :) 

MY IMPOSSIBLE LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon