(Chapter 38)

760 20 0
                                    

( 3rd Person Point of View )

Kasalukuyang lumalaban sina Zero sa mga kampon ni Black shadow at nakahigit limang oras na sila ngunit hindi nila maubos ubos ito.Sugatan at mga pagod na ang iba ngunit hindi nila ito iniinda bastat maligtas lang ang kaharian.

Nag sidatingan nadin ang  mga pheonix at ang ina ni Lucy para tumulong.

"Shit hindi sila maubos ubos!" Sigaw ni Trevor sa katabing si Zero na busy sa pakikipag laban.

" Trevor sa likod!" Sigaw naman ni Zero pabalik kaya napatingin si Trevor sa likod ngunit huli na para makailag dahil nasipa na siya sa tagiliran.

Susugod na muli ang sumipa sakaniya ng harangan siya ni Arwin at inuna na ito paslangin.

" What will you do without me huh ?" Ngiting sabi ni Arwin kay Trevor na tinarayan lang nito.

"Suplado." Bulong naman ni Arwin.

"Zero !" Napalingon silang lahat sa tumawag na si Travis.  Tumakbo ito palapit sakanila at ng makalapit na ito ay hingal na napahawak siya sa balikat ni Trevor.

" Puntahan niyo na sila Zam  kami na bahala dito ." - Travis.

" Ano ? Hindi namin kayo iiwan dahil marami pa ang kalaban." -Trevor.

" We'll finish this together at sabay din natin sila pupuntahan "  - Zero.

Umiling lang si Travis at tinulak sila paalis sa palasyo.

" Hindi puntahan niyo sila dahil isa lang itong patibong para makuha nila ang mga princessa kailangan nila kayo doon ngaun. Please save them " Pag mamakaawa ni Travis dahil labis na ito nag aalala sa kalagayan ng mga babae lalong lalo na sa mahal niyang si Ysa. Oo Isang dakilang playboy siya pero ang puso niya ay nananatiling nakakulong sa puso ni Ysa simula palang nung bata sila.

Hindi na nag dalawang isip sina Zero at lumisan na sa lugar para mapuntahan sina Zam.

"Hold on my love I'm coming " Bulong nito habang patungo sa kinalalagyan nila Jes.
.
.
.
.
.
.
.
.

" Shit!" Mura ni Trevor ng makadating sila sa palasyo at nagulat sa nadatnan nila, mga patay na kawal ni black shadow at ang mga sugatang kawal ni Zero at ang iba naman ay patay. May mga apoy na din sa paligid at halos wasak na palasyo.

Dali dali naman silang pumasok sa loob at ganun nalang ang pag aalala nila ng makita nila ang mga dugo sa sahig.

Walang dugo ang mga bampira ngunit dahil sa kalahating tao si Zam at Tao si Jes dahil nakahiwalay sakaniya ang bampirang kapangyarihan na si Black shadow ay naisip nilang maaaring isa sakanilang dalawa ang nasugatan.

"Shit!! F*cking shit! Zam, Jes where are you ?" Sigaw ni Zero dahil sa kaba. Inikot nila ang buong bahay hanggang sa mapadpad sila sa silid ni Ysa at ganun nalamang ang pag ka gulat nilang dalawa sa nadatnan. Si Ysa na naka salampak na sa sahig sugatan  at walang malay at si Miracle na may saksak sa tagiliran at wala din itong malay.

" Miracle, baby  wake up.Please.  I'm here" Sabi ni Trevor  pag kalapit niya kay Miracle.

"Ysa gumising ka " Alalang sabi naman ni Zero..

"Z-Zero s-si Zam at s-si J-Jes ughh!" Inda ni Ysa at napahawak sa tagiliran dahil gaya ni Miracle ay nasaksak din ito.

"Shh wag ka na mag salita ako bahala sakanila I'll find them mabuti pa at ihahatid ko na kayo sa mangagamot at idala sa ligtas na lugar. Sabi ni Zero na inilingan lang ni Ysa at pinag patuloy ang pag sasalita.

"Nakikipag l-laban kami at ng hindi na macontrol ni Zam ang kapangyarihan niya ay lumaki ito na nag dahilan ng sunog at ang pag tilapon namin lahat. Ngunit bago iyon a-ay sinubukan ito daluhan ni Jes para macontrol ni Zam ang kapangyarihan niya ngunit hindi na sapat ang lakas ni Jes para macontrol ang kapangyarihan niya kay Zam kaya nag tamo ito ng malaking pinsala sakanilang dalawa b-basta nakita ko nalang ang mga dugo nila na tumalsik...n-nang sumabog na sila ay tumalsik kami kasama ko si Zam ngunit si Jes ay di namin alam kung asaan at si Zam kinuha na ni Black Shadow s-sinubukan ko sila iligtas ngunit s- sinaksak na kami sa tagiliran ng kung ano at nawalan kami ng m-- malay at mang h-hina."
Mahabang pagpapaliwanag ni Ysa.. Napayukom ng kamao si Zero at pinigilan magalit. Binuhat na niya si Ysa at ganun din Si Trevor kay Miracle at hinatid sa ligtas na lugar kasama ng mang gagamot.

The MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon