Chapter 4

1 0 0
                                    

Sabado na ngayon. Nakapag quiz na din kami. Hayst walang magawa,hindi pa ako nakakagawa ng plano para ipaglapit sila athena at jasper. Baka magalit un si athena saakin. 'hayst makagawa na nga ng plano'. Isip isip ko. Nasa kwarto ko ako ngayon.

"1st kakaibiganin ko si jasper at ipapakilala sa kanya si athena"sabi ko at isinulat sa diary ko. Yes may diary ako.

"2nd... Uhm ano kaya?... "nagiisip ako ng...

"Hoy Lola!"sabi ni kuya.

Yes may kuya ako si Adrian Jam bautista ang kuya 'kong epal. Lagi nalang kasi nambubulabog.

Di ko sya pinansin. Maya maya ay nakita ko sa peripheral vision ko na pumasok sya sa kwarto ko.

"hoy lola ale"sabi pa ni kuya. Hayst kahit kaylan talaga si kuya. Ale ng ale, sya lang ang tumatawag na ale sa akin. Sila mama at papa ang tawag sa akin ay aly,short for allison. Sila lola,mga tita at tito ko jaja. Bongga ang dami kong nick name. Walang tumatawag saakin ng jailley. Malay ko ba kay mama at pinangalan saakin jailley allison eh hindi naman nagagamit ang jailley.
Gusto ko rin kasi ang tawag saakin allison. Ayoko ng jailley,kakaiba. Wala pa akong nakita sa fb,twitter,instagram na jailley ang pangalan.

"ano ba kuya wag ka ngang pumasok dito!"sigaw ko kay kuya.

"pake m- oh ano yan?"tanong ni kuya sa sinusulat ko sa diary ko at nakaturo doon.

"wala"sabi ko.

"patingin"akmang hahablutin ni kuya pero niyakap ko ang diary ko. Nakaupo nga pala ako sa kama ko.

"ayoko nga diary ko 'to eh... Mag diary ka din kung gusto mo"sabi ko.

Lalong Lumapit si kuya kaya hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa diary ko. Hinawakan ni kuya ang buhok ko at ginulo gulo"ikaw talagang ale ka"sabi ni kuya.

"kuya naman eh"sabi ko.

"hindi kita guguluhin wag kang magalala,may itatanong lang ako sa iyo"sabi ni kuya.

"eh ano ung itatanong mo?"sabi ko

"ung ano.... Ah... Eh"

"I.. O.. U?"sabi ko

"ale naman eh"sabi ni kuya. "ung ano. Ung kung ano ba ang gusto ng mga babae sa mga lalaki. Ung kapag manliligaw?"dugtong ni kuya.

"aba malay ko kuya... Magresearch ka sa internet"sabi ko.

"eh wala naman atang ganun sa internet eh"sabi ni kuya.

"sige kuya sasabihin ko.. Sa isang kundisyon"sabi ko habang nakangiti.

"hug mo si ate megan"sabi ko.

"eh sya ung liligawan ko"napatakip si kuya ng bibig. Si ate megan ay best friend ni kuya noon pa. Si kuya ay grade 11 na,senior high. Ang pangalan ni ate megan ay hayley megan G. benson. Half american kasi si ate megan. Ang mama nya si tita Margareth F. Gonzales at ang papa nya ay si tito Harry W. Benson.

"ayiiee kuya..."tukso ko kay kuya. Sinamaan ako ng tingin ni kuya.
"sige na nga kuya... Ang gusto ng mga babae sa lalaki ung mabait,magalang,at syempre mahal sila. Basta mahal mo sya kuya papayag yun na magpaligaw"sabi ko. "sa pagligaw naman... Gusto mo makaluma or ung bago?"dagdag ko.

"huh?"kuya.

"pag luma kuya,haharanahin mo si ate megan at pag bago,bibigyan mo lang si ate megan ng chocolates at flowers... Pwede ring wattpad books or pocket books kasi diba favorite ni ate megan magbasa ng mga ganun?"sabi ko


I Love The Nerd Named AllisonWhere stories live. Discover now