• KABANATA 14 :(unedited) Seeking •

180 3 2
                                    

- Prince Point of View -

Wala kaming mga nagawa kundi tumigil sa classroom na ito habang iniisip kung makakalabas pa kami ng buhay dito Wala kaming phones walang kahit ano na pwede naming gamiting communication sa labas ng iskwelahan na ito.

Nagdesisyon na ako kung Hindi kikilos ang iba pwes kikilos ako para sa sarili ko Hindi ko sila kailangan .

"Kung wala kayong gagawin at tutunganga nalang at maghihintay na mamatay ang isa satin , lalabas ako at hahanap ng paraan kung may gusto sumama sakin sabihin niyo na." Sabi ko sa sakanila ng hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon .

"Magsama sama na tayong lahat para mas safe hindi natin alam kung anong mangyayari satin kung maghihiwalay hiwalay tayong lahat ." Sabi ni Crisha .

"May point si Crish kaya kailangan natin humanap ng mga bagay na pede nating magamit para manatiling buhay." Dagdag pa Ni Lea .

"Pumunta na tayo sa clinic dahil yun ang unang pwede nating puntahan para makanap ng mga benda para Kay Sir ."Sabi Ni Keith habang pinipigilan ang dugo galing sa tagiliran ni sir alcantara ,unconscious pero humihinga pa naman siya  hindi ko alam kung kakayanin niya pang lumakad ng malayo dahil sa sugat niya.

"Pumunta na tayo para hindi masayang ang oras ."

Akay Akay nila Charles at Chris si Sir habang naglalakad ,Naka dikit Kami sa pader dahil wala kaming makita kahit isang bahagi na nadadaanan namin ang palatandaan Lang namin para sa clinic na hinahanap namin at ay ang nagmimistulang glow in the dark na sign nito.

"Teka wag kayong maingay" may narinig akong mahinang tunog na parang medyo malayo naglalakad papunta samin since ako Yung na sa pinakang harapan dinig ko kahit nasa malayo pa pero na sa tapat na kami ng clinic onti nalang maaabot na namin ang clinic .

"Shet! " Sabi Ni Chris .

Dahan Dahan akong naglakad papunta sa pinto ng clinic binuksan ko ito at Dahan Dahan na bumalik ulit papunta sa kanila.

"Pumasok na kayo bilis!" Sabi Ni Kim pero sa mahinang tono ,isa-isa silang pumasok nauna sila Charles at Chris na dalala si sir alacantara sunod sila Ivan at iba pa.

Naririnig ko na palapit na ang mga yabag na papalapit na samin binuksan ko na ang Faculty room na katapat nito at hinila ang iba pa punta sakin at nang makapasok na sila mabilis at tahimik kong isinara ang pinto at ganon' din ang ginawa sa kabila.

Hawak namin ang aming mga bibig  para hindi makapagproduce ng kahit anong ingay .

Narinig namin naglalakad na ito .

.
.
.
.

Naaaninag ko ang ilaw at napatigil Ito sa paglalakad at itinapat ang ilaw sa tapat ng pinto ng faculty sa bluryy na parang glass ng pinto .

Takot na takot kami nang Makita namin na binubuksan niya na ang pinto ngunit di tinuloy ng taong nasa harap ng pinto ang pagbukas at naglakad papalayo .

Wala akong marinig kundi kabog ng dibdib ko lahat kami ay tulala na para bang nasunugan or mas worse pa sa mga nangyari hindi ko maipaliwanag  at inakalang walang laman ang faculty na ito .

"Ayaw ko na please umalis na tayo dito "
Sabi ni Erica .

"Pero sabi nga niya kailangan natin tapusin ang test na ito para makalabas tayo ng buhay ,Erica."Sabi Ni Benjie .

"Maghanap tayo Baka may nakaiwan ng phone nila dito o Kaya kahit mapa manlang ng buong school."

Kahit Hindi namin maaninag ang lahat naghanap parin Kami ng kahit anong bagay na pwede naming magamit .

The Class 111 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon