SIMULA

62 0 0
                                    

SIMULA

"Sigurado ka ba na mamaya ka pa uuwi? Wala ng trisikel mamayang gabi."

Napatigil ako sa paglalagay ng decorations sa stage nang magsalita si Nessa, isa mga kasamahan ko sa English Club.

Bukas na ng umaga magsisimula ang English Language Festival na gaganapin dito sa school namin kaya heto kami ngayon at minamadali ang lahat. Kaninang umaga pa nagsimula ang shift niya sa pagtulong sa mga gawain kaya naman ayos na siya kung uuwi siya ngayon. Samantalang ako ay hindi pa nakaka-isang oras dito. Nakakahiya naman kapag aalis na kaagad ako.

"Ayos lang ako Nessa. Magbu-bus na lang ako pauwi." Sagot ko sa kanya habang nagpipintura sa isang haligi sa gilid ng stage.

Hindi siya nagsalita ng ilang sandali kaya nilingon ko siya ulit. Tulad ko, puno na rin ng pintura at dumi ang kanyang puting uniform. She looks torn while gathering her things and putting it inside her backpack. Ngumiti ako sa kanya just to make sure that she can go now and that I will be okay alone.

"You sure? Mag bus ka pauwi ha? Huwag kang sumakay ng trisikel mag-isa." Aniya sa isang nag-aalalang tono.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. We said our goodbyes at hinatid ko siya ng tingin palabas ng campus. Kung bakit ba kasi napakalayo ng bahay namin dito sa eskwelahan? It takes one hour of travel via motorcycle and probably thirty minutes kapag bus.

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan si Nessa na lumiliit sa paningin ko at unti-unting nawawala. Napayuko ako at bumagsak ang tingin sa pintura na nasa paanan ko. I can do this. Bibilisan ko na lang. Isinawsaw ko ang paint brush doon sa pintura at nagsimula ulit na sa pagpinta sa haligi.

"Good job guys! This will be amazing tomorrow! Salamat sa lahat ng tulong ninyo! We can all wrap this up now." Deklara ng aming council president.

Sa halos dalawang oras na pagpipinta at pagdidikit ng kung ano-ano sa stage ay natapos din ang lahat. Nagtulong tulong kaming lahat sa pagliligpit ng mga kalat at napag-desisyunan na umuwi na. Madilim na sa buong eskwelahan at tanging ang ilaw lamang sa stage kung nasaan kami ang naka-on.

Napasulyap ako sa wrist watch ko at nakitang past seven na ng gabi. Shit. Kailangan ko na talagang sumakay ng bus ngayon. Doble ang patong kapag magta-trisikel pa ako.

"Enriquez saan ka sasakay?" Napabaling ako kay Mike na nasa gilid ko na rin at naglalakad palabas ng campus.

"Sa kabila ako eh. Magbu-bus ako." Sagot ko sa kanya.

Tumigil kaming lahat sa labas ng gate at nagpaalam sa isa't-isa. I know some of my fellow council members ay sa kabila ang daan ng bahay nila at ako lang yata ang naiiba ang daan pauwi.
Wow. Great.

"Gusto mo bang samahan ka namin sa paghihintay ng bus?" Tanong ulit ni Mike sa akin at bumaling sa iba pa naming kasamahan. Napangiwi iyong iba sa kanila lalo na iyong mga babae.

I looked at him for a second at umiling na lang. I know they wanted to go home straightaway too. Besides, mukhang ayaw naman ng iba niyang kasama na samahan ako sa paghihintay ng bus.

Napatingin kaming lahat sa malayo nang marinig ang papalapit na bus. Mabilis akong nagpaalam sa kanila at tumakbo sa kabilang kalsada para makasakay na. Tumigil ang bus sa harapan ko kaya kaagad naman akong sumampa doon at pumasok.

Medyo maraming tao ang nakasakay kaya naghanap ako ng bankanteng upuan. I scanned the whole seat at may nakita ako sa pang dalawahang upuan na isang lalaki na nakaupo malapit sa bintana. I know the uniform he's wearing. Uniform ng isa pang eskwelahan di kalayuan sa amin.

He's wearing a headphones at nakatingin lang sa labas ng bintana habang hinihipan ng malamig na hanging ang kanyang medyo mahabang buhok.

Lumapit ako doon at tinapik siya sa balikat. Napabaling siya sa akin at kunot noo akong pinagmamasdan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The Best (TCS #1)Where stories live. Discover now