Chapter 26

1.4K 38 0
                                    

Kysler's POV

Habang kumakain kami, masayang nagkwekwentuhan sina Lina at Shelle, habang kami ni lola ay tahimik lang na nanonood at nakikinig sa kanila.. Minsan naman nakikisabay si lola,

"Oy girl! alam mo ba kanina? may narinig ako kanina sa school, mga grupo sila ng mga babae."pagbabalita ni Shelle,

Nagtaka naman kami ni Lina, kaya naman napa tanong siya..

"Ano naman aber?"takang tanong ni Lina,

Napangisi naman si Shelle bago nagsalita,.

"Pinag-uusapan kasi ngayon sa school ang pagbuhat ni Kysler sayo.. Lam mona mga patay na patay kay Kysler gusto kanang ipapatay dahil sa inggit eh, haha"natatawang sabi ni Shelle saka tumingin saming dalawa,

Napangiwi naman si Lina saka tumingin sakin mula ulo hanggang paa saka umiling,

"Yan?"turo nya sakin,

"tsk tsk tsk, magkakagusto nanga, sa lalaki pang sira ulo.. Ang low standards naman nila kung ganun,"sabi ni Lina habang may pailing-iling pang tumingin sakin,

Naasar naman ako sa sinabi nya,

"Low standards my butt.. Baka naman ikaw yun?"sabi ko habang tumingin sakanya ng nakangisi

Kala mo papatalo ako sayong babae ka ha! Low standards ang gwapo ko? Eh pasalamat sya may  kasama syang mala diyos ang gwapo,

"No, ang kagandahan ko hindi kukupas,"sabi niya saka nagtaas kilay

Natawa naman sina Lola at Shelle dahil pinapanood kaming magbangayan ni Lina,

"Hahahaha! Sabi konga sa inyo, jan nagsisimula ang lahat! sa una asaran pero mahuhulog din kayo sa lambingan!"sabi naman ni Shelle habang kinikilig

"ASA/AS IF"Sabay naman na sabi namin ni Lina saka tumingin sa isat isa saka nagsamaan ng tingin,

Hinding-hindi nga kami magkakasundo, lambingan pa kaya!

"Mas gusto ko nalang maging single kaysa makipaglambingan sa taong ubod naman ng hangin sa sarili "sagot naman ni Lina saka nagrolled eyes,

Aba! nakakainis talaga tong babaeng to!

"Alah sya, kain na. Tama nayan,"pag aawat naman ni Lola saamin..

Hindi nalang kami nagkibuan saka nagtuloy sa pagkain,

****

Chaseler's POV

Im here in the rooftop of school..Taking for a small sleep..

Nakakapagod kasing mag aral, dami ring mga projects na pinapagawa samin..

Nang ipinikit ko ang aking mga mata, biglang bumungad sakin ang mukha ni Shiloanne na nakangiti.

Napamulat nalang ako ng mata at saka may mga luhang pumatak sa gilid ng aking mata,

"How are you there cutie?*sigh*"i said while looking at the sky,

"We really really miss you a lot, miss kona yung bangayan natin. Miss ko narin yung sabay tayong lumabas ng school. All the memories that we spent together, i really miss that a lot!"sabi ko habang umiiyak..

Habang nakatingin sa langit, bigla nalang nagvibrate ang cellphone ko..

Nang tignan ko, may nagtext, and its Khyler..

Khyler,

Bar?

Napangiti naman ako sa tinext nya, kaya nagreply ako..

Me,

call. what time?

reply ko naman, mga ilang segundo lang ang nakakalipas at nagvibrate na naman ang cellphone ko,

Khyler,

This evening.

pagtingin ko agad konang binulsa ang cellphone ko saka ipinikit na ang aking mga mata para matulog,

****

Lina's POV

Sabado ngayon, kaya naman makakapagpahinga na ang utak ko..

Nandito ako ngayon sa bakuran namin, nakaupo at nagbabasa ng pocket book..

Hiniram kolang to kay Shelle, nung pinakita nya kasi to sa school naexcite akong basahin kaya hiniram ko muna sa kanya..

Nang nagbabasa nako sa part na biglang umamin yung bidang babae sa lalaki ang nararamdaman nya sakanya at nasa loob sila ng kotse..

Bigla nalang may bumungad sa utak ko na ala-ala,

"Who's the guy you love?"agad naman akong nagulat sa tanong nya

Sasabihin ko naba?

"ikaw lang naman yun eh."putspa! walang preno talaga tong dilang to!?

Agad naman napalingon si Khyler dahil sa sinabi ko,

Dug dug dug dug

bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko,

Nagkatitigan kami mata sa mata, at sya naman ay palapit na palapit sakin,

Napababa ang tingin nya sa labi ko nang malapit na ang mukha namin sa isa't isa,

And he kiss me hungrily,so I respond his kisses too.

"I love you Loanne."He said between our kisses

"I love you too Khyler.."sagot ko naman sakanya

He kiss me...and HE LOVES ME.

IM SO HAPPY..

And this memories pop up to my mind..

Bakit? Sino yung lalaki? Bakit palagi nalang siya ang lumalabas sa utak ko?

Anong meron sayo...Khyler? Ano ang ganap mo sa buhay ko?

At bakit tinawag mokong Loanne? Yun ba ang totoo kong pangalan?

Yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko habang nakahawak sa ulo ko..

Waaahhh! Unti-unti nang bumabalik ang ala-ala ni Shiloanne,!

DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE GUYS! Hope you enjoy reading! Wait for the next chapter!

@Pinkrealtor

I'm Stanford Khyler Forrlafer Property(COMPLETED)Where stories live. Discover now