Chapter 10: Clumsiness

36.2K 602 37
                                    

(Bakit napatawag ka?)

"Jed.. Gusto ko ng umuwi bukas na bukas din."

(Hahaha.)

"Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa sa sinasabi ko?"

(Nakakatawa ka lang kasi. Hehe.)

"Tell me nga Jed. Be honest ha. Mahal mo ba talaga ako? Bakit parang pinagtutulakan mo ako papunta kay Uno? Gusto mo ba talagang mawala na ako sa buhay mo?"

(Hindi naman sa ganun Shane. Uulitin ko na naman ba sa'yo lahat ng mga sinabi ko noon? Pinapagaan ko lang ang pakiramdam mo dahil parang stress na stress ka na diyan.)

"Kaya nga gusto ko nang umuwi. Magpadala ka nalang ng sub para sa'kin. Total napatunayan ko na sa sarili ko kung ano talagang nararamdaman ko para kay Uno."

(Na affected ka pa rin sa kanya.)

"Na hindi na ako affected sa kanya at parang wala lang siya sa'kin. Para na lang siyang multo sa paningin ko."

(Kaya nga. Affected ka pa. Para siyang multo sa'yo dahil ang multo nagpaparamdam. Ibig sabihin naaapektuhan ka sa presence niya.)

"Can you please stop it Jed? Naiirita na ako sa'yo. Basta. Hindi na ako affected kay Uno kaya tigilan mo na ako. Sunduin mo ako bukas."

(As you wish. Susunduin kita bukas ng hapon pagkatapos ng trabaho ko.)

"Thank you Jed. I'll call you again later. Maliligo lang muna ako."

-HGHM-

"Hay!!" Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos kong makausap si Jed.

Mas lalo lang niyang pinalala ang pagka bad vibes ko. 

*tok* *tok*

"Ma'am Shane? Handa na po iyong pagkain niyo po. Ihahatid ko po ba dito sa taas?"

Narinig kong tanong ng caretaker ng rest house sa labas ng pinto ng kwarto. Siya iyong nangangalaga ng rest house ni Jed habang wala itong tao. Pero bawal silang tumira. May CCTV naman sa loob ng bahay kaya makikita ni Jed ang takbo nito kahit wala siya.

"Huwag nalang po Ate. Bababa nalang ako mamaya." I answered.

"Sige po."

Dumeretso na ako ng banyo para magpalamig ng ulo. Inalis ko na ang suot kong damit saka ako nagbabad sa tub. 

Nakapikit lang ako habang pinipigilan kong mag-isip ng mga hindi magagandang bagay katulad ni Uno.  

Pilit kong inalala ang mga masasayang bagay na nangyari sa buhay ko. Pero si Uno pa rin ang nakikita ko. Ako, si baby Chan at si Uno.

"AGHHH!!!"

Dali-dali akong umahon sa tub dahil kahit na ipikit ko ang mga mata ko, si Uno pa rin ang nakikita ko. Padabog akong naglalakad papuntang shower cubicle pero bigla nalang akong nadulas dahil sa sabon na dumikit sa balat ko.

"ARAAYYY!!!!" I shouted with the top of my lungs.

Pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa siko at kanang paa ko.

Habang nadulas ako, sinubukan kong suportahan ang sarili ko at kakapit sana sa pedestal sink na nasa kanan ko pero iyong siko ko ang tumama dito at sa tingin ko nabali ko ang buto ko.

"AGHHH!!!"

I was crying in pain. Pain na dulot ng nararamdaman ko at pain na dulot ng pagkadulas ko.

Gusto kong tawagan si Jed para humingi ng tulong pero hindi ko dala ang cellphone ko. Gusto kong lumabas ng banyo para kunin ang phone ko pero ni hindi ko man lang kayang tumayo. I was just crying and feeling so stupid.

HGHM2: Memories of LoveWhere stories live. Discover now