12. What Happened That Night?

85 9 0
                                    

12. What Happened That Night?

MAGDALENE

"KUNG NASA'N man si Hagger ngayon, alam kong masaya na siya. Look, you are strong. Hindi ka nagpatalo sa lungkot. This is what Hagger wants. You are fighting."

Tahimik lang akong nakikinig habang kino-comfort ni Brittany si Beaula. Nakaharap kami sa bonefire at nag-iinuman. Nasa tabi ko si Willard na tahimik ding nagmamasid.

At first, everything was normal. But soon as Beaula finished her first bottle, she broke down, whining like a child. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. She was always fierce and firm but tonight, she was weak. Para siyang bata na inagawan ng laruan.

"H-hagger... I saw how they killed him... I saw how he suffered... I saw how he died," Beaula said between her sobs. Agad naman siyang niyakap ni Brittany.

"S-sana may ginawa ako. I should've done something. I-I should've said it before it gets late," she continued.

Kahit hindi niya sabihin halata namang may gusto siya kay Hagger. Hagger and Beaula weren't the most romantic persons. They were usually seen having sparring sessions. They were brawns but I could say that they make a good couple.

"I'm going," pagpapaalam ko nang makaramdam ng pagkahilo. Dalawang bote ng beer lang ang nainom ko pero dahil mababa ang tolerance ko sa alak ay umepekto agad ito sa'kin.

"Ihatid na kita?"

Napalingon ako kay Willard na nakaupo sa tabi ko. Sa'ming lahat siya ang hindi masyadong lasing.

Umiling ako. "Huwag na."

Hindi na ako nagpaalam sa kanila at mabilis na tumalikod. I had to sleep to get sober. Alerto dapat kami sa ganitong pagkakataon. The Agents might be lurking somewhere, waiting for the right time to attack. Isa pa, may kasama kaming tauhan ni Professor Challenger na maaring tumawag anumang oras.

"Hey!"

Napairap ako kay Willard nang makitang sumunod siya. Medyo nailang ako nang tumabi siya sa'kin sa paglalakad. I could still remember how students from our school feared him. Basagulero siya at walang halos kumausap sa kanya.

Naging kaklase ko siya dati kaya nga ginawa kaming partner ni Ma'am sa research paper. I was hesitant at first but I was compelled. May isa akong failing grade sa subject niya na maaring makaapekto sa scholarship ko. She said helping Willard could save my scholarship.

"I told you that it's not necessary," basag ko sa katahimikan.

"No, I insist."

Willard was different now. Bumait na siya. Gentleman. He cared for people now. Siguro nga maganda ang naidulot ng pagkupkop ni Maddy sa kanya.

"Willard, I wanna ask something," sabi ko at tumitig sa kanya.

Tumitig din siya sa'kin sabay ngiti. "Shoot."

"I want you to be honest."

Natigilan siya nang sabihin ko 'yon ngunjt agad din siyang ngumiti.

"S-Sige ba."

I heaved a deep sigh and gathered all my strength. 'What happened that night? We parted ways after our meeting in the coffee shop. May naalala ka bang huli kong ginawa? Sa'n ba ako pumunta?"

Alam kong imposibleng sagutin niya 'yon. Gaya nga ng sabi niya, wala siyang pakialam sa paligid noon. Hindi nga raw niya alam kung nakinig ba talaga siya sa mga pinagsasabi ko.

Huminga siya ng malalim at nagdadalawang-isip na tumitig sa'kin. "I followed you."

My mouth gaped open. I didn't saw that coming.

"I mean, it's night and you're a lady so I followed you until you get home," he said defensively.

"So you saw me entered our house?"

Tumango siya. "Hanggang doon lang. Umuwi na ako."

Tumango-tango ako at ipinikit ang mga mata. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari nang gabing 'yon.

Inis akong napasuntok sa hangin nang halos magtatatlongpong minuto na ay wala pa ring tumitigil na bus. Kanina pa ako dito sa bus stop at kanina pa rin ako nagugutom.

Well, sino ba ang makakakain ng matino kung kaharap mo ang Willard na 'yon?

Nagsayang lang ako ng oras. Ginabi pa ako. Willard was just using his phone while I kept on talking with the air. Kung hindi lang talaga para sa scholarship ko ay hindi ko papatulan ang request ni Ma'am.

I mean makasalubong mo lang si Willard sa daan ay malas na, pa'no pa kaya kung makasama mo siya buong semester para sa research paper? For I know, ako lang naman talaga ang gagawa ng lahat.

Napagdesisyunan ko nalang na maglakad. I texted Dad na late na akong makakauwi sapagkat wala na akong nasakyan. Nakapagtataka namang wala akong natanggap na text pabalik.

I walked along the empty streets. Wala akong nakikitang naglalakad. I could see few establishments starting to close. Napakalamig din ng simoy ng hangin kaya niyakap ko nalang ang sarili ko.

Napatigil ako nang makaramdam ng kakaiba. It was as if someone was watching me. Naramdaman ko ang pananayo ng mga balahibo ko sa leeg habang inililibot ang tingin sa paligid.

The street was empty. I shrugged off my thoughts and returned to walking. Ngunit agad din akong napatigil nang makarinig ng mahihinang yabag. Nang lumingon ako sa likod ko ay bigla itong tumigil.

Someone might be lurking behind those trashcans. The thought scared the hell out of me, hitting my adrenaline rush hard. Mabilis akong nagtatakbo habang tumitili.

Tumigil lang ako nang marating ko na ang gate ng subdivision namin. The guard greeted me.

"Ginabi ka 'ata?"

"May tinapos lang pong project."

Nakahinga ako nang maluwag nang marating ang bahay namin. Bigla akong sinalakay ng kaba nang makitang nakapatay ang ilaw mula sa loob. Napakatahimik din na sobrang nakapagtataka. My mom usually played her favorite playlist during this time of the night while preparing the dinner.

Nakita ko rin ang kotse ni Dad sa garahe. Ibig sabihin ay nakauwi na siya.

Nagsimula na akong maluha habang tinatakbo ang pinto. With trembling hands, I opened the door.

Everything was pitch dark. Napakatahimik. I was about to switch the light on when I felt a strong object hit my face. Everything went black.

"Maggie!"

Napatingin ako kay Willard na nakayuko sa harap ko. He looked worried as he held my shoulders.

Nakita ko ang sarili kong nakasalampak sa sahig. Nakaluhod si Willard sa harap ko.

"You fell down," aniya.

I wiped my tears as I tried to recall what I had remembered. It was incomplete. Hindi ko pa rin alam ang nangyari sa mga magulang ko.

"W-willard... si Mommy... si Daddy..."

Willard smiled at me sadly and brushed some strands of my hair off my face. He wiped my tears using his hand and looked at me intently.

"I will tell you everything. Just get some rest first. You need a lot of energy to handle the truth."

#

Deliver Us From EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon