Chapter Five: Eurynomos

1.6K 94 11
                                    

Chapter Five: Eurynomos

 

          “Sabi sa libro kaya mong bumalik sa katawan mo,” paalala ni Akira. “Kailangan lang natin siyang malapitan para makabalik ka.”

            “Pero paano?” Kanina pa natin siya hinahanap pero hindi natin makita si Justin. Baka kung ano’ng gawin niya sa katawan ko,” nag-aalalang sabi ko.

            “Huwag kang mag-alala, hindi naman makakaalis dito sa loob si Justin. Kahit nasa katawan mo pa siya, hindi siya makakaalpas sa harang.” Tumingin siya sa itaas kaya napatingin din ako. Ngayon ko lang nakita na parang may kakaibang enerhiya na humaharaang sa buong school. “Ghost, tutal ngayon naman ay ghost ka na talaga. Gusto mong subukan kung makakalagpas ka sa harang?”

            “T-teka!” sabi ko. Parang bigla akong natakot sa gusto niyang ipagawa sa 'kin. “Ano ba ang nangyayari sa inyo kapag sinusubukan niyong dumaan sa harang?” Alanganing ngumiti siya sa 'kin. “No, thanks. Hindi ko na lang susubukan.”

            “Pero paano kung kaya mong dumaan sa harang?” tanong niya. “Hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan.”

            Saglit na napaisip ako. Paano nga kaya kung kaya ko? Huminga ako nang malalim at nagpalutang para makalapit ako sa harang. Tinignan ko itong mabuti. May parang electric current na dumadaloy dito. Nakailang lunok muna ako bago ko tuluyang lumapit.

            “One... Two... Three...” at dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa harang. Lumagpas ang kamay ko nang wala akong nararamdaman na kahit ano. Inulit ulit ko pa ito. Sinubukan kong lumabas nang tuluyan. “N-nakalabas ako...” Napakunot ang noo ko nang makita kong palabas ng school ang katawan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong nakaalpas si Justin sa harang. “Justin!” Napatingin siya sa akin at mabilis na tumakbo.

            Mabilis na sinundan ko siya. May mga pagkakataon pa na akala ko ay mabubunggo ako at bigla kong maaalala na kaluluwa lang pala ako ngayon at kaya kong tumagos sa mga bagay bagay. Nang maabutan ko si Justin mabilis na dumikit ako sa kanya para paalisin ang kaluluwa niya sa katawan ko.

            Nagtutulakan pa kaming dalawa dahil pilit na pinapaalis ko siya. Pero may kung anong bagay na parang nagdidikit sa kaluluwa niya sa katawan ko. Hinawakan ko na lang siya at hinatak pabalik sa school. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil nakaangat ang kamay niya habang naglalakad. Wala na akong paki kung ano ang isipin sa 'kin ng mga tao, pero kailangan kong makabalik sa katawan ko.

            Pag dating namin sa school nakaabang na kagad si Akira sa gate. Tinulungan niya akong maghantak kay Justin papunta sa tagong lugar.

            “Tutulungan na nga kita, balak mo pang kuhanin ang katawan ko,” galit na sabi ko kay Justin sabay bawi sa katawan ko. “Bahala ka na. Subukan mo ulit na lapitan ako may kalulugaran ka,” seryosong banta ko sa kanya.

            “Ghost,” pigil sa 'kin ni Akira. Umiling lang ako at iniwan na sila. “Ghost!”

***

            “Ghost, p’wede ba tayong mag-usap?” Kumunot ang noo ko nang makita ko si Chantal. “Privately.”

            Syet. Baka akala niya ako pa rin si Justin.

            Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan nang makarating na kami sa likod ng school. Hindi ako nakapagsalita nang humiwalay ang labi niya sa labi ko.

            “Sorry for not believing you yesterday,” sabi niya. “Justin, say something.”

            “J-Justin?” sabi ko nang medyo matauhan na ako. “Chantal, baka nagkakamali ka lang.”

Bullying GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon