chapter 5

79 2 0
                                    

Fiona's pov

Pagkababa ko nakita kong andun si seb umupo naman ako sa tabi nya pagkaupo ko miyamiya bumaba si karlee may bisita ata sya

" uhm hi wayne good evening " ahh si wayne pala bisita nya

" hi karlee" nakatingin lang kami sakanila

" pasok ka" yayasakanya ni karlee

" hindi na may ibibigay lang naman ako sayo eh " tsaka iniabot ni wayne yung maliit na box kay karlee tsaka sya nag babye kay karlee

" hoy karlee ano yun may paganun pa gabi na oh? "

" aba Malay ko sakanya basta sabi nya pupunta sya akala ko si kuya pupuntahan nya "

" sige taas na ulit ako taas ka nalang kung antok kana or gusto mo bye goodnight, ayt seb ingat sapag uwi mimiya goodnight " patuloy nya tsaka tumakbo pataas

" hoy seb! "

" bakit? "

" Di ka pa ba susuko?"

" di pa, di ako susuko " tapos tinignan nya ko

" ang swerte naman ni karlee sayo biruin mo hanggan ngayon di mo parin sya sinusukuan " mag wa-one year na simula nung ligawan nya si karlee sana lahat no

"Pag mahal mo kaya kong hintayin kahit gaano katagal " paliwanag nya sakin hahah

" at pag mahal mo kaya mong matiis na makitang masaya kasama ng iba " tapos tinignan ko sya

" ang drama? " pagkasabi nya nun umiwas ako ng tingin

" bwhaha joke lang yun tsaka ikaw din naman madrama"

" uhm sige taas na ko..... " paalam ko sakanya tumango naman sya tsaka ako tumayo

" haha ang swerte ni karlee mahal sya ng taong mahal ko " bulong ko sa sarili ko tsaka ako tuluyang tumaas pag taas ko nakita ko si karlee nakahiga habang nag cecellphone tsaka nakain ng cookies umupo ako sa tabi nya.

" hoy ano yan ha ayan ba yung bigay ni wayne " tsaka ako kumuha infairness masarap din sya

" oo " aba may pangitngiti epek pa sya

" hoy karlee ipapaalala ko lang sayo girlfriend nya si samara akala ko ba ayaw mo na ng gulo eh bakit mas lalo pa ata kayong lumalapit sa isat isa ni wayne " pag paalala ko sakanya

" fiona hindi ako Tanga alam ko yun tsaka hindi masama ang mag patawad haha hanggang dun lang "

"Bahala ka karlee gawin mo gusto mo pero wag ko lang malalaman na bumabalik nayang feelings mo para kay wayne "

" hindi naman nawala eh " mahinang bulong nya

" anong sabi mo?! "

" wala sabi ko matulog ka nalang dyan" pinatay nya nadin yung cellphone nya tsaka inilagay yung cookies na natira sa table

Karlee's pov

Pagkagising ko tulog pa si fiona. Naligo na ko tsaka nag ayos ginising ko na si fiona naligo agad sya tsaka nag ayos habang nag aayos sya tinignan ko si kuya ano nalang mangyayare kay kuya kapag nawala si ate camille

" karlee anong ginagawa mo dyan! " sigaw ni fiona

" Tara kain na tayo sa baba"
Bumaba na kami nag hain na din sila manang ng Bacon

" bat ba ayaw mo ng labanan yun si samara at margie " biglang sabi ni fiona

" wala lang.. Nakakasawa lang silang pag ubusan ng oras kahit kailan naman alam nating hindi sila papayag matalo "

Back To His Arms Again Where stories live. Discover now