By: anighthowlers
Isang gabi...
Ako'y nasa isang sulok
Punong-puno ng lungkot
At parang gusto ng sumukoNgunit may Posas...
Isang bagay na matigas
Bagay na hindi mapigtas
Pwinersa ko ng malakas
Upang matanggal ang PosasNgunit sobrang higpit
At tila ba ito'y sumisikip
Sobrang sakit...
Ngunit kailangang mag tiisGusto kong lumayo
Lumayo sa katulad mo
Umalis sa piling mo
Dahil ayoko na sayoNgunit ang Posas na ito
Hindi nagpapatalo
Dahil ikaw mismo,
Ikaw mismo ang naglagay nitoIkaw ang nagkabit
Sa Posas na mahigpit
Sa mga kamay sa sumasakit
Dahil iyong pinipilitTanggalin mo ang mga posas na ito
Dahil gusto kong kumawala sayo
Sa lugar mong mala impyerno
Dahil hindi ako kayang matagal ditoNagmamakaawa ako
Alisin mo ang mga bagay na ito
Hindi ito nakatutulong sayo
Dahil ito ay dilikadoMas mabuti pa na maghanap ka ng bago
Na papalit sa pwesto ko
Hindi ko matiis ang Posas na ito
Parang awa mo na, alisin mo na ang bagay na itoNasasakal na ang mga kamay ko
At naapektuhan na rin ang buong katawan ko
Parang awa mo na, alisin mo na ito
Alisin mo na ang Posas na ito