Chapter 26.1

9.3K 178 14
                                    

"Mam Pen" untag ng kasambahay nina Pierre sa akin.
Binaba ko ang Magazine na binabasa ko at nakangiting humarap dito.

"Yes Bebang?"

"May naghahanap po sa inyo, isang magandang babae po papapasukin ko po ba?" Tanong nito at agad na naisip ko na ang kapatid kong si Garneth ang nasa labas.

Sinabi nya kasi sa akin over the phone kahapon na baka dumalaw sya sa akin ngayon ngang araw na ito.

"Sige Bebang papasukin mo na" sagot ko dito at nang tumalima ito ay nahaplos ko na lamang ang maumbok ko nang tiyan.

Kasama ni Marron ang Lola nito na mag siesta at si Pierre nasa trabaho naman.

Kaya naman nakakainip din na mag isa lalo pa't di naman ako nadalaw ng antok.
Kaya masaya ako na dumalaw si Garneth dito sa bahay.

Nang makarinig ako ng mga yabag ay hinanda ko na ang ngiti sa mukha ko para lamang mapawi ito pagkakita sa dumating na babae.

"M---marjorie...w---what are you...why are...here?" Nabubulol at kinakabahan na tanong ko kay Marjorie na tila modelo ang tindig.

Taas noo na nakipagtitigan ito sa akin na kinailang ko.

"Ahm...what do you want? Coffee Juice------"

"No need, I just want to talk to you can I seat over there?" Seryoso ang mukha na tanong nito sa akin.

"Y---yeah maupo ka na please...."

"Thank you" anito saka animo tila Reyna na umupo sa seatee.

Sapo ang tiyan na naupo na din sa katapat na sofa nito.

"So totoo nga na buntis ka Miss Olivares at kung tama ang sinabi ni Pierre sa akin kahapon ay nakadalawa ka na sa kanya" bigla ay wika nito na kinagulat ko ng husto.

"N---nagkita kayo ni P---pierre kahapon?" Malakas ang kabog ng dibdib na tanong ko dito at naisip kung umalis ba kahapon si Pierre at naalala ko na nagpunta nga pala ang Mag ama ko sa Mall at bumili ng laruan ni Marron.

"Yes at nagulat talaga ako ng pinakilala nito ang anak mo na anak nya" sagot nito at muli ay nakipagtitigan sa akin na kinailang ko na naman kaya nagbaba ako ng tingin.

Pero hindi yata nabanggit ni Pierre sa akin na nagkita silang dalawa ni Marjorie?

"That's true anak namin si Marron at wala akong dapat ipaliwanag sa iyo...." nag angat ako ng tingin at nakipagtitigan dito.
"Afterall Ex Wife ka na ng Boyfriend ko" may diin na dugtong ko.

Tumiim ang mapulang labi nito at dumilim ang mukha pero pagkatapos ay tumikwas ang sulok ng bibig nito at mahinang tumawa.

"Oh sorry" anito at nakangiti ng nakipagtitigan sa akin habang nilalaro nito ang dulo ng medyo kulot na buhok nito.
"I just can't help not to laugh, really?" Muli ay humalakhak ito.

Napahawak na lamang ako sa sandalan ng sofa at pilit na pinakalma ang dibdib ko sa malakas nitong pagkabog.

"So dahil Ex Husband ko sya malakas na ang loob mo na ipangalandakan sa mukha ko na sa iyo na sya? Bakit?" Napapitlag ako ng malakas na napapalakpak ito ng isang beses.
"Ah dahil naanakan ka na nya? Na yung paghahabol mo sa kanya mukhang naawa na sya sa iyo at Ginerfriend ka na nya at tapos ano sinabi mo na buntis ka? Hay naiimagine ko na ang gulat sa mukha ni Pierre dahil dun"

Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa sulok ng mga mata ko.

"Marjorie...."

"You know Pierre, he's so sweet and kind and what a gentleman, inako nya agad ang bata pero di ka naman pinakasalan tama?"anito.

Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko na tila napansin nito.

"At ngayon nagpabuntis ka ulit dahil ano? Para saan? Para maitali mo na si Pierre sa mga daliri mo, sa tingin mo porket nagpakangkang ka na sa kanya at nagpabuntis maitatali mo na sa iyo si Pierre?" may pang iinsulto na mga tanong nito.

"K--kung nagpunta ka lang dito para insultuhin ako... makakaalis ka" pagtataboy ko dito pero ngumisi lamang ito.

"Masyado kang desperada paanak ka ng paanak para kay Pierre pero alam mo naman di mo maitatali sa iyo siya dahil alam mo kung papaano nya ako habulin nung makipaghiwalay ako sa kanya he love me so much...hay tandang tanda ko pa kung papaano sya nagmakaawa sa akin na balikan ko sya kahit pa buntis na ako sa inaakala ko na anak namin ni George, afterall may delicadeza naman akong babae" napatingin ako sa kanya dahil sa mga huling sinabi nya.

Taas noo na ngumiti ito sa akin at may kinuhang papel sa shoulder bag nito at iniitsa sa center table.

"Read it" utos nito sa akin.
Nanginginig ang mga daliri na dinampot ang papel at binasa.

Napasinghap ako ng malakas matapos kong mabasa ang nilalaman nito.

It was a DNA Test sa isang Meryl Archidera at kay Pierro Pascua at it was ninety nine percent match which mean na mag ama silang dalawa.

Naluluha na tumingin ako sa tumayo ng si Marjorie.

"You see ng sinabi nya na may anak na sya at may paparating pang isa at ipaggiitan nya sa akin na may five percent na chance sya na magkaanak ay naisip ko ang minsan nangyari sa amin dati at agad agad na ipina DNA Test ko silang dalawa and now you see the result" humalukipkip ito.
"Hindi lang ikaw ang naanakan ni Pierre at dahil dyan ay gagawin ko ang lahat, lahat lahat para mabuo ang pamilya ko namin ni Pierre" may pagbabanta ang himig ng boses ni Marjorie at pagkatapos ay tinalikuran na ako...

Sargo ang luha na napahawak ako sa tiyan ko at naisip si Marron.

Paano na ang mga anak ko....namin ni Pierre....

Paano na ako?


SOMEONE LIKE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon