Chapter 39 - The Tour. part 1

932 12 0
                                    

Nakatulog ako?

Hindi ko man lang namalayan.

Nagising na lang ako bigla ng nag announce na nasa first destination na kami.

Hindi ko namalayang nakasandal pala yung ulo ko sa balikat ni Dylan.

Ang bangggggggooooo niya talaga kainis!

 Waaaaaaah!

Umayos ako bigla ng upo. Tsk. Ano bang ginagawa ko finacee to ng best friend ko!

Behave Mira.. Behave..

Tinignan ko siya , buti na lang at tulog siya kung hindi magagalit yun kase nakasandal ako sakanya.

Saka ko lang napansin na ang pogi niya pa lang tunay! Ang tangos ng ilong niya.. ang kinis ng muka niya, tapos yung buhok niya may pagka'dark brown... at yung labi niya ... ang ganda ng hugis parang ang yummy halikan..

Na'alala ko yung sa play.. ganitong ganito yung nararamdaman ko parang natatae na ewan...

Kung natuloy lang sana yung kissing scene namin sa Sleeping Beauty....

Nagulat na lang ako ng bigla siyang dumilat

"Take a picture, it lasts longer"

O//////////////////O

Kyaaaaaaaaaaah! Nahuli niya kong tumititig sakanya!

Nakakahiya!

Umiwas agad ako ng tingin. Tsk kaasar to!

Bumaba kami ng bus , nasa Rizal Monument kami ngayon sa Calamba Laguna.

Laguna - Quezon kase ang tour namin ngayon.

Ang kasama ko ay si Ping , si Christian pati na rin tong si Partner Dylan. Wala na rin naman kase akong ibang friend dito sa block namin at iwas ako sa GG. Sa mga nakaraang tour ang kasama ko lang tong si Dylan eh wala kase ako masyadong friends.

After namin sa Rizal Monument ay pumunta na kami ng Rizal Shrine. Psh napuntahan ko na 'to noong elem. ako eh. -__-

Then pumunta kami sa mga sumusunod na lugar:

- Heritage Town of Pila Laguna, St.Anthony De Padua Parish Church, Pila Museum

- Nagcarlan Underground Cemetery ( ang scary dito! Ang tatanda na ng mga taong nakalibing kaya niyaya ko na agad sila Ping papuntang bus)

-Liliw ( Tsinelas Capital! Ang dami naming pinamili ni Ping eto namang mga boys KJ! Kaya sila na lang pinag buhat namin, Ahihihi. Binilhan din namin sila Denille at Anna at ako syempre yung boyfriend ko.)

Nag picture'picture kami all the way madalas ang tiga'picture si Dylan kung hindi ko pa siya hihilahin ayaw niya pa mag pa'picture! Psh.

After Liliw ay nag lunch kami sa isang resto. , then  byahe ulit habang nasa byahe kami ay pinapakyaw ko na yung mga baon ko pati na rin yung baon ni Dylan kahit sinusungitan niya ko pinag bibigyan niya naman ako. ^__^

Next destination namin:

-Paete Church, Paete Wood Carving

Then byahe papuntang Lucban Quezon na ang tagal tagal kaya nakatulog muna ako. Sumandal ako sa balikat ni Dylan, he doesn't mind naman kase hindi siya uma'angal eh.

Habang nasa byahe tinignan ko yung cp ko puro text ni Vince.

"I miss you babe. Uwi ka na :( "

Napangiti tuloy ako bigla. 

Uwi agad eh kakaalis ko lang? Tsk adik talaga 'to.

"Bakit ka nakangiti?" tanong ni Dylan

Searching For My Future Husband [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang