LF 12

1.4K 34 1
                                    

Chapter 12

"Lo-Loida, i-ikaw pala... pa-pasok ka" kandautal na bati ko. Putcha! Paano nito nalamang nandito ako?.

"Salamat" tugon nito saka pumasok sa loob saka ko isinara ang pinto. Nakita ko kung paano nito suyurin ang kabuoan ng sala.

"Maupo ka muna" alok ko dito. Naupo naman ito.

"Ahm. Juice? Or coffee?" muli kong alok sa kanya.

" No need na. Don't bother Jhoyce. Hindi ang pag kakape o ang makipag kwentuhan ang sadya ko dito." panimula nito. Naupo ako sa single sofa katapat niya. Hindi din nakaligtas sa akin kung paano ako nito tignan mula ulo hanggang paa. Alam ko sa mga oras na ito sari saring paninira, masasakit na salita at ilang uri ng mura na ang natatanggap ko sa isip nito.

"Nakita ko si Jerome na galing dito. Noong una akala ko namamalik- mata lamang ako. Hindi ko alam kung coincidence mang masasabi but, I have a friend who also check-in in this hotel. Actually, two rooms lang ang pagitan nyo." Masyadong kalma ang tono ng boses nito kaya hindi ko mahinuha kung galit ba ito o ano. Masyado itong pormal.

"I tried my luck para mahabol si Jerome, but I think hindi sa akin panig ang pagkakataon. So I just ask the receptionist kung may Jerome Altamonte bang naka check –in dito to verify. And when they said yes, I ask kung sino ang kasama. Ikaw nga daw."

Pinagkrus ko ang mga hita at isinandal ang likod sa sofa saka ito sinagot.

"Well, Its true. Don't you remember? that I was designing for your invitations?". Kontra ko dito. I was trying to defend Jerome's reputation. Tsk how funny. Hindi ba dapat at sarili ko ang idinidipensa ko? Pero bakit ang lalaking iyon ang mas pinili kong idepensa?. Ganoon nga yata talaga kapag mahal mo na ang isang tao. Kahit ang sarili mo kayang kalimutan.

Loida smiled sarcastically. " Come on, Jhoyce. Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi ko malaman kung ano ba talaga ang tunay na ginagawa nyong dalawa dito ni Jerome. Isa pa, baka nakakalimutan mong alam ko ang likaw ng bituka mo?"

Tinaasan ko ito ng kilay. Saka ngumisi nang nakakaasar. " Well, yes. We're having an affair. Now satisfied?" matapang na sabi ko.

Nakita ko kung paanong lalong dumilim ang itsura nito. " Kaya kong patawarin si Jerome, since this is his first time doing this shit. Nadala lamang sya sa iyong panunukso. Inakit mo sya kaya-"

"Really Loida? Tsk tsk. I pity you. Mukhang hindi sapat ang mga panahon na pinagsamahan nyo para masabi mong kilala mo na nga ang mapapangasawa mo. Kung ako sa iyo make a research. Malay mo makatulong iyon sa'yo." Ang kaninang madilim na itsura ay napalitan ng pagkalito. Mukhang tama nga ako at hindi pa nito alam ang tunay na likaw ng bituka ni Jerome.

"Whatever!. Just don't show me your damn face in the studio. I'll do everything to dismiss you. Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo itong ginawa mo.!" Paninindak pa niya.

"Fine.. do what ever you want." Kibit balikat na sagot ko.

"Pinagkatiwalaan kita!, pero ahas ka pala." Sumbat nito.

"Ang mga kagaya mo dapat hindi dito sa syudad sa namumuhay, doon kayo dapat sa gubat dahil doon kayo nararapat!" dagdag pa nito sa garalgal na boses.

"Look.. Loida Listen-"

"No! You listen bitch!" sigaw nito. " I considered you as friend. Hindi ko ginawang basehan ang pagiging liberated mo. Itinuring kitang kaibigan! Pinaniwala ko ang sarili kong may mataas kang moralidad! Pero hindi pala!"

I rolled my eyes and arch my brow. " Well I guessed I disappointed you. Sorry. But don't worry. Hindi ko naman aangkinin ang fiancé mo. Tinikman ko lang or should I say...Nagtikiman lamang kami." Depensa ko. I tasted bitterness in my words. Maging ang puso ko ay ramdam ko ang pagkakapira-piraso ito. Gusto ko lamang ibangon ang nasaktang pride. Pero oo tama nga ito, isa nga akong ahas.

Last FlingWhere stories live. Discover now