Chapter 42 Everything Has Change

2.1K 37 4
                                    


General POV

Pinag mamasdan ni Aly ang kasintahan habang natutulog ito. Nakauwi na sila sa bahay ng binata. Umiiyak sya sa tabi nito. Sorry ng sorry sina Anne, Billy, Zia, Coco at Vhong sa nangyari pero wala syang lakas para makipagusap sa mga ito. Wala na palang mas sasakit pa sa mismong engagement party nila ang sya namang pag babalik ng alaala ng kasintahan sa dati nitong asawa.

"Karylle... Karylle.. please .. wag mo akong iwan.. Karylle.. No.. no.. karylle.." umiiyak ang binata habang nakapikit. Nasasaktan si Aly dati rati parating sya ang binabanggit nito ngayon ay si Karylle na. "Karylle mahal na mahal kita .. wag mo akong iwan.." tila hirap na hirap na sabi nito. Hindi na nakaya ni Aly kaya nag pasya na umalis na lamang. Habang nag d drive walang tigil ang agos ng mga luha ni Aly.

"Ang... sakit.." sambit nya habang umiiyak. Para syang pinapatay sa bawat pag sambit ng binata sa pangalan ng asawa nito. Nakauwi na sya sa condo. Dun walang tigil na umiyak. She just wish na sana mawala na lang basta ang sakit. Kung pwede lang sana na sa isang hiling basta lang nawawala ang sakit pero napaka layo naman nun sa katotohanan kasi you have to bare with pain. That's life. 

Vice's POV

I'm still hunting her memories. Lahat lahat ng nangyari sa amin bumalik sakin. Masaya pala ang love story namin. Away bati na punong puno ng pag mamahal. Kaya pala ako na inlove ng sobra sa kanya. Hindi lang sya maganda weird din sya at may napaka bait na puso. The weirdiest girl in my world that I always wanted to fall inlove with. Occuppied nya ang puso ko. Teka.. engagement party namin ni Aly. Nagmulat ako ng mata. Hinanap agad sya ng paningin ko, pero wala sya. Nasan sya.? Napabangon ako.

"Aly.." sambit ko sa pangalan nya.

Nakita ko na pumasok si Anne.

"Anne.." baling ko sa kanya.

"Okay ka na ba?'' nababanaag ko ang pag aalala sa boses nya.

"Nasan si Aly?" kunot noo kung tanong.

"Mag break fast ka muna.." sabi ni Anne. Ibinaba nito ang dalang break fast. Tinitigan ko yun ng ilang sandali pagkatapos bumaling ulit sa kanya. "Anong nangyari?" kunot noo ko ulit na tanong. Huminga ng malalim si Anne.

"Wala kabang naalala kagabi?" tanong ni Anne. Napaisip ako sa tanong nya ang alam ko lang eh nung inaalok ko na ng kasal si Aly. Pagkatapos nung narinig ko yung BUKO sumakit na yung ulo ko.

"Sumagot ba ng OO si Aly?" confuse na tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga ulit si Anne.

"No.." sabay abot sa akin ng velvet box. Napahawak ako sa ulo ko. "Nawalan ka ng malay kagabi ng sumakit ang ulo mo.. so hindi sya nakasagot..You screamed Karylle's name.."

"Where is she?"

"Maybe sa condo nya."

"Pupuntahan ko sya.." akmang tatayo na ako ng pigilan ako ni Anne.

"Vice.. Do you remenber everything about karylle?" Napatitig ako sa kanya.

"Oo.. everything.. right from the start.." sagot ko sa kanya.

"Go.. baka maabutan mo pa sya ang alam ko babalik na sya sa bengeut.. ngayon.." Dali dali akong umalis ng marinig yun. Nakarating ako sa condo nya. Pagkarating ko dun walang tao.

"Aly...!!!!" sigaw ko. Pero walang sumasagot. "Aly.. Aly..nasan ka?" May lumabas sa kabilang unit na kapit bahay ni Aly.

"Sir... Kanina pa pong umalis si Dra. Aly kasama ang Mom..nya." sabi nung lalaki.

Perfeçtly Yours Õnly ViceRylleWhere stories live. Discover now