Ako Lang!

354 6 1
                                    

"Ako'y isang sirena, kahit anong sabihin nila bandera ko'y di tutumba. Ako'y isang sirena!!! ", kanta ni Pio habang ginagawang gown ang kumot niya.

"Kumot ko, plus high heels ni Sisterette, plus makeup ni Mudra equals the most gorgeous/prettiest/sexiest/stunning creature ever made! Ang ganda ganda ko talaga! ", bulalas pa nito habang pinagmamasdan ang kanyang itsura sa kanilang "Mirror - Mirror on The Wall".

Kumindat pa ito sabay pasimpleng ngiti bago pumwesto sa kanyang "Cat Walk".

"Pak ganern! Pak ganern! ", wika nito habang nagpo-pose at nagmo-model na mala Sinon Loresca.

Nang makarating na sa gitna ng kanyang munting entablado buong energy niyang sinabing, "Pia Worst-back, 18 years of age, galing sa mother's womb  ng Mudra ko and I believe in the saying na bakla man ako sa inyong paningin, nakakabuntis pa rin! I, thank you!"

"Sinnnn...", tunog ng unti-unting pagbukas ng pinto nila.

"Pio nakita mo ba yung folder ko? Nakasakay na ako sa jeep eh. Tsaka ko lang naalal--", hindi na naituloy ng Kuya niya na si Migo ang kanyang sasabihin ng tuluyan nitong makita ang itsura ng kanyang kapatid. Unti-unting nagkorteng bato ang kamao nito sa galit.

"K-kuya?", pautal-utal na tanong ni Pio.

"Bakla ka!?! Ha!?! Bakla ka Pio!?! ", galit na galit na bulyaw nito sa kanyang kapatid habang naglalakad papunta dito.

"Ah eh...", sabi ng takot na takot na si Pio.

"Halika", sabi ni Migo ng mahagip niya ang tenga ni Pio.

"Ouch Kuya! Don't pingot-pingot me! It hurts! Stop it! ", reklamo ni Pio.

"Ah ganon? So bakla ka talaga? Tara dito", sabi nito sabay kaladkad kay Pio papuntang banyo.

"Bloogsh! ", tunog ng paglublob ni Migo sa ulo ng kanyang kapatid sa drum ng tubig.

"Ikaw na bakla ka! Ito ang tatandaan mo ha, WALANG PWEDENG MAGING BAKLA SA LAHI NATIN! WALA!


AKO LANG!!!"


•  •  • END OF AKO LANG! •  •  •

Dearest Readers,

Yan guys! So, I hope nagustohan niyo ang story ko! 😃 Hahaha! Kung nagustohan niyo please vote, comment and don't forget to recommend this to your friends , wala namang masyadong effort na kailangan  'di ba?

Haha! Tag niyo yung kakilala niyong wattpader na ayaw pang maglalad! 😂

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only Me! Where stories live. Discover now