Kabanata 16

3.7K 142 24
                                    

Kabanata 16


KANINA pa balisa si Ian. Ilang araw na kasi siyang hindi pinapansin ni Chuck. Pakiramdam pa nga niya ay nilalayuan na siya nito. Pagkatapos nang naging pag-uusap nila ni Aiden noong isang araw ay gumaan ang pakiramdam niya dahil tila ba nawala ang isang bagay na nakadagan sa puso niya. Balak pa nga niyang ikuwento kay Chuck ang nangyari pero hindi na niya ito ma-contact.

Hindi nito sinasagot ang tawag niya. Hindi ito nagre-reply sa mga text messages niya. And worst, tila ba pinagtataguan siya nito. Kapag kasi pinupuntahan niya ito sa practice game nito ay bigla-bigla na lamang itong nawawala.

Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali para layuan siya ni Chuck pero balak niyang alamin kung ano iyon. Kung kailan tanggap na tanggap na niya sa puso niya na ito na ang umuukupa sa puso niya, saka siya nito iiwasan? Kung kailan nito pinasok ang puso niya na tila isang magnanakaw, bigla-bigla na lamang siya nitong iiwan?

Kagabi pa niya pinag-iisipan nang mabuti kung ano ang maaring dahilan ng pag-iwas ni Chuck sa kanya pero wala talaga siyang maisip na dahilan. Kaya ngayon ay naisip niyang ambush-in na lang si Chuck. Hindi niya napansin si Chuck sa open court kaya ang hula niya ay baka nasa locker room ito ng mga Tennis Knights.

Tila isa siyang magnanakaw dahil palingun-lingon pa siya habang nilalakad ang tahimik at walang katao-taong lugar papunta sa locker room. Napansin niyang bahagyang nakaawang ang pintuan ng locker room. Ang akma niyang pagbubukas no'n ay napahinto nang marinig ang isang tinig sa loob. Tinig na nagpapintig nang pagkabilis-bilis sa puso niya. Si Chuck ang nasa loob!

Akmang bubuksan na niya ang pintuan upang ipabatid kay Chuck na nandoon siya nang may isa pa siyang tinig na narinig mula sa loob. Isang tinig ng babae.

"I love him, Chuck. Pero hindi naman niya ako gusto. Akala niya, si Guji ang gusto ko pero siya ang mahal ko! Ang sakit-sakit na. Sobrang sakit na."

Hindi niya gustong manubok. Hindi niya gustong makinig pero hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw. Tila ba nagkaroon ng sariling isip ang mga paa niya at binalak ng mga iyon na manatiling nakatayo roon sa labas ng locker room.

Posible bang... ito ang babaeng tinutukoy ni Enzo?

"Bakit hindi mo ipakita na siya ang mahal mo?" ani Chuck sa babaeng kausap nito.

"Natatakot ako. I'm afraid that he will reject me. Baka hindi niya ako mahal."

"Madali kang mahalin, Jelle. Kahit sinong walang minamahal na lalaki ay kayang-kaya kang mahalin. You're lovable."

Tila sinaksak ng sampung itak ang puso niya nang marinig ang winikang iyon ni Chuck sa babaeng kausap nito. Her fears were now standing in front of her. Ang babaeng kausap ni Chuck sa loob ay ang babaeng lihim nitong gusto. Kung ikukumpara niya ang sakit na nararamdaman ngayon sa sakit na naramdaman niya noong nag-break sila ni Aiden ay walang-wala ang sakit na naramdaman niya noon. Iba ito. Tila ba unti-unti siyang pinapatay ng sakit na ito. Tila ba unti-unting kinakain ng sakit ang puso niya at mas nanaisin na lamang niyang maging manhid.

Nagpatakan na ang mainit na likido sa magkabila niyang pisngi at walang ingay na nilisan ang lugar na iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya alam kung sino ang maari niyang makausap.

Hanggang sa maisip niya ang isang taong malapit sa kanya.

"MA, PUWEDE ka po bang makausap?" ani Ian sa mama niya. Dito sa opisina nito siya napadpad. Ito na lamang ang nag-iisa niyang kapamilya kaya naisip niyang ito ang kanyang malalapitan. Lalo na ngayong sobrang bigat ng pakiramdam niya.

"Busy ako, Nikka Bianca," malamig na tugon nito at hindi man lamang nag-abalang tingnan siya.

Lalong nanikip ang dibdib niya at namuong muli ang luha sa kanyang mga mata. She suddenly felt so... alone. Lalo niyang naramdaman na nag-iisa siya dahil sa pinapakitang ito ng mama niya. Akala niya, papansinin din siya nito kapag pinakita niyang kailangang-kailangan niya ng makakausap. Pero hindi pala.

Your Love Is My Drug (Tennis Knights #3) (Published under PHR)Where stories live. Discover now