Chapter 4

2.4K 73 6
                                    

HAWAK-hawak ni Marjory ang balot ng Oreos at isang bote ng tubig para ibigay kay Jason.

Papunta siya ngayon sa susunod na klase ni Jason para ibalik ang Oreos na hindi sinasadyang ninakaw niya. Tinanong niya kay Peter ang schedule ng klase nito para humingi ng dispensa.

Hindi naman niya masisi ang sarili sa pagkakamali niya kanina kasi sobrang pagod at gutom siya. Nakadagdag pa ang kaniyang dysmenorrhea kaya wala siya sa katinuan kanina. Nahihiya siya kasi pinalo niya ang kamay at ninakaw ang cookies at tubig ni Jason.

Nasa loob ng hallway si Marjory at malapit na sa klasrum ni Jason nang makita niya ang isang maliit na estudyante na napapalibutan ng apat na matatangkad na lalaki. Hawak-hawak ng isang matangkad na lalaki sa kuwelyo ang maliit na estudyante.

This was an act of bullying! Palapit na siya sa mga ito nang marinig niyang nagsalita ang lalaking nakahawak sa kuwelyo.

"Anong sinabi mo?"

Napasinghap si Marjory nang mapuna niyang si Jason ang nagsalita. May panunuya sa mukha nito at nagtatawanan ang tatlong lalaki sa likod nito.

"Nasaktan naman ako sa sinabi mo," Jason remarked sarcastically. "Hindi, Benjamin. I don't want you to do anything. Because I'm going to make you pee on your pants." Binalingan ni Jason ang isa pang matangkad na lalaki. "Jackson! Ibigay mo sa akin ang gagamba." Jason reached his hands towards Jackson, and Jackson gave him a spider—huge, dark, hairy tarantula. Inilapit ni Jason ang gagamba kay Benjamin.

"Wag! Wag! Please, Jason! Ilayo mo ang gagamba!" sigaw ni Benjamin. Pumapalag pa ito sa kapit ni Jason. Hinawakan ng tatlong kaibigan ni Jason si Benjamin para hindi ito makapalag.

Napaka sadista pala ng hayop na 'to! Hindi makalapit nang husto si Marjory para pigilan ang mga ito kasi ang daming taong naglalakad sa hallway at walang pakialam ang mga ito sa pambubully na gingawa ni Jason & friends. After all, isa lang sa mga ingay sa loob ng hallway ang sigaw ni Benjamin.

Nang makalapit si Marjory, may nakita na siyang tubig sa kinatatayuan ni Benjamin. Unbelievable! Pinagapang ni Jason ang tarantula sa mukha ng biktima. Sa sobrang takot...

Naihi sa pantalon si Benjamin.

Nangibabaw nang tuluyan ang sigaw ni Benjamin sa hallway at doon lang nagtinginan ang mga estudyante kina Jason at pinagtawanan si Benjamin. Nag-alisan lang ang mga ito nang tumunog ang bell at nagpasukan na sa kani-kanilang klase.

Tingin mo ba, pipikit si Marjory sa nakita niya?

Nilapitan niya si Benjamin at hindi siya nag-dalawang isip na kunin ang gagamba at ibato iyon kay Jackson. "Only psychopaths like you would make a poor guy pee on his pants."

Ang kulimlim at sarkastikong ngiti sa mukha ni Jason, naglaho. Lumiwanag ang disposisyon nito nang makita si Marjory. Sinenyasan nito ang mga kaibigan na pakawalan si Benjamin.

Naiiyak na kumaripas nang takbo paalis si Benjamin. Nanginginig ito sa takot, parang may phobia sa gagamba.

Hindi pa tapos si Marjory sa kaniyang sermon, "That was so barbaric! Natutuwa ba kayong makita na nahihirapan ang iba?"

"Well, if it isn't the Cookie Monster," Jason said with delight in his eyes, "Anong ginagawa mo rito, Miss President?" The three taller guys behind Jason laughed. Namukhaan ni Marjory si Paolo Rodriguez sa mga ito. Seatmate niya si Paolo sa English Literature at Algebra. Ito na nga ang mga pasaway na kaibigan ni Paolo.

"Oo, nakonsensiya ako sa ginawa ko kanina pero hindi ko papalampasin ang ginawa mo kay Benjamin. Ito na ang Oreos at tubig mo." Ibinigay niya rito ang kahon ng Oreos at ang bote ng tubig.

Tinignan lang nito ang mga inabot niya. "Gusto mong palitan ang Oreos na kinain mo kanina? No. That's not how I take apologies from people who had done me wrong. Nakita mo ba kung ano ang ginawa ko kay Benjamin?"

"What? You're going to make me pee on my pants too?" Marjory rolled her eyes. Titig na titig si Jason sa kaniyang mukha at napuna ni Marjory na hindi madilim ang mukha nito tulad noon.

"Oo. That's how I usually do it. Pero kung ikaw lang, gagawa ako ng exemption." Jason's brown eyes twinkled with mirth, at kumindat pa ito sa kaniya. He smiled widely, schowcasing his famous smile lines. Kumbinsido na si Marjory sa argumento ni Peter na gwapo ang fuckboy na ire. Ano naman kung gwapo ito? Halatang may attitude problems ang lalaki.

He was a tyrant who had been preying on the weak. Nag-e-enjoy itong panoorin si Benjamin na magdusa sa kahihiyan. Hindi malayong totoo na sinagot nito si Mrs. Ravales.

"Kinindatan mo ba talaga ako? Para ka kasing napuwing lang," gagad ni Marjory. "Mag-sorry ka kay Benjamin ngayon din o isusumbong kita sa Prefect of Discipline. That doesn't sound attractive, right? Lalo na ngayon na may pending case ka dahil sinagot mo nang harapan si Mrs. Ravales."

Nagtawanan ang mga kaibigan ni Jason at hindi nabura ang ngiti sa mga labi nito. He leaned closer to her and it was proven that he was taller than she was. Tumingala si Marjory dito. "You're feisty. Gusto ko 'yan," he said, and he used his finger to lift up her chin that was already looking up. He turned her head sideways. Tumaas-baba ang lalagukan nito habang sinusuri ang mukha ng dalaga. May hindi maipaliwanag na tuwa at aliw sa mga mata ni Jason. "Tingin ko, hindi mo kakayanin ang school politics. With a beautiful face like this, bagay kang sumali sa mga beauty pageants. Iwan mo na ang politika sa mga pangit na estudyante para magkaroon sila ng self-worth."

Oh, no! Did he just commit the most heinous crime of implying Marjory was a dumb bimbo? Kinokonsidera ni Marjory na sagabal ang kaniyang magandang mukha sa pangarap niyang maging aktibista at sumali sa mga NGO para mag-rally sa kalsada. Madalas siyang nababastos at hindi binibigyan ng mga seryosong tungkulin sa mga organisasyon na sinasalihan niya kasi iniisip ng mga tao na pagpapaganda lang ang alam niya. And this fuckboy over here was belittling her capacity to rule as the President of the Student Council. Ang posisyon na iyon ang pinaghirapan niya since day one ng kaniyang Freshmen Year. Kailangan niyang ngumiti nang pilit kay fuckboy, kung hindi, magwawala siya.

The fuckboy continued, "Natatakot kang madungisan ang reputasyon mo kaya humihingi ka ng sorry ngayon?" Napabuga ito ng hangin, hawak-hawak pa rin nito ang kaniyang baba. "Hindi pa man din ako nakikishare. Hinayaan ko ang marumi mong kamay na dumukot sa sarili kong pagkain tapos pinitpit mo pa ang kamay ko?"

"Pasensiya na dahil kinain ko ang Oreos at ininom ko ang tubig mo." Marjory pushed him away carefully, the fake smile still on her face. "But I won't be sorry to do this!" Sinuntok niya nang malakas si Jason sa mukha at dahil sa disparity nila sa height, naging uppercut and suntok niya. Galit na galit si Marjory sa karahasan, but her violent tendencies were being summoned by this fuckboy.

Napa-oh ang bibig nila Jackson at napaatras naman si Jason sa suntok niya. Nasapo ni Jason ang mukha at nainis si Marjory kasi hindi nabura ang ngiti sa mukha nito. Halata naman. Hindi nito siniseryoso ang sentimyento ni Marjory.

"Sinasabi mo ba na hayaan ko ang Student Council na pamunuan ng mga pangit na taong kagaya niyo? The persons who need to have self-worth are you and your dumb friends!"

"Bayolente ang nahalal na Presidente. Paano ba 'yan? Bayolente rin ako," deklara ng binata. May ngiti sa mga labi na tinawid ni Jason ang distansiya nilang dalawa.

Sasabihin niya kay Peter na hindi gentleman ang bago nitong crush. Susuntukin siya nito. She glared at him to show that she was not scared, and she really wasn't. She would never pee on her pants like Benjamin.

Inangat ni Jason ang kamao. Inaabangan na ni Marjory ang pagdampi ng kamao nito sa pisngi niya. Pero lumagpas ang kamay nito sa kaniyang mukha at hinipo ang kaniyang batok. Then, Jason pulled Marjory closer and kissed her on her cheek.

Naglakihan ang mga mata at butas ng ilong ni Marjory.

Somewhere Only We KnowWhere stories live. Discover now