Chapter 8

905 26 2
                                    

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa habang papunta sa office ni Ma'am, ni hindi nga ako nakapag pasalamat kay John sa pagpapasok sa akin. For sure siya iyong mapapagalitan dahil doon, pero kasalanan niya din naman!

Tama kasalanan niya rin!

Kung hindi dahil sa pag iwan niya sa 'kin ay sana hindi ako late. Pero bakit siya tinatawag na sir ng mga 'yon ang weird naman. Parang ang bossy niya ha.


I was too preoccupied nang may mabangga ako kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Hala pasensiya na, hindi ko sinasadya." Napakamot ako sa noo ko nang may mabangga na naman ako. Seryoso ka Julee, ang hilig mong mang bangga ha.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. My lips parted when I notice his face. Good looking, ang ganda ng tayo niya at ang kilay niya ang ganda. Hindi ko maiwasang mapahangga sa taglay na angking kagandahan meron siya. May ngiti ito sa labi habang kaharap ako. Cute. 

Napaiwas ako ng tingin at tumikhim.


Aaminin kung pogi nga naman siya, pero shempre, may pogi si John. Okay I'm being bias here, pero iyon ang totoo. Si John ay hindi mo mabasa ang mga galaw niya, pero kapag tinitigan mo siya ng maigi, masasabi mo talagang ang pogi niya kahit na ang sungit ng dating niya.

"Are you done, checking my yummy body?" halos mapangiwi ako sa sinabi niya.


Masyado atang mahangin ang isang 'to hindi ko naman pinagnanasaan ang katawan niya ah.

"Akala mo naman sexy,"

"Sexy talaga ako," ngumingising sabi nito. Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Ang hangin naman po!"

"Tatangayin ka ba? Sasaluhin na ba kita?" Nanlaki ang mata ko at nag sign of the cross kaagad.

"Masyadong mahangin," inismiran ko ito kaya tinawanan niya naman ako.

"So cute,"

"I'm not cute, duh."

Tinawanan ako nito at pinisil ang pisnge ko kaya nahampas ko ang kamay niya. Ang sakit nakakaasar ha! wow feeling close!

"Aww, ikaw nga itong nakabangga sa akin e." Nakangusong sabi nito, kaya napairap ako ng wala sa oras.

"Okay sorry," nginisihan ako nito kaya napabuntong hininga ulit ako.

"Napilitan miss?"

"Pwede ba mister mahangin, mister feeling gwapo, mister feeling mabait wag kang feeling diyan okay?" I crossed my arms and he just laughed so hard, may nanapatingin sa amin. Napapahid pa siya sa mata niya na parang may luha.

"Actually, gwapo naman talaga ako diba?" He even wink at me for pete's sake! Siya pa iyong may ganang umalis habang tumatawang kumakaway sa 'kin ha. Ang sarap bigwasin nang isang 'yon.

Napapadyak ako sa asar, pag nagkita kami ulit ay babawi ako doon! Aba't akala niya ay hindi ako papatol. I'll make sure that if we'll met again I'll win.

"Oh anyari diyan sa pagmumukha mo?" Nagulat ako sa biglaang sulpot ng kaibigan ko.

Napahampas ako sa noo sa gulat, akalain mo nga naman ang isang 'to. Pasulpot sulpot lang anytime, anywhere.

She Is The Gangsters WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon